Patuloy na Nag-consolidate ang USD/CAD Kasabay ng Desisyon sa Rate ng BoC at Pagtutok sa Datos sa US
Nasa Consolidation ang Market Pagkatapos Itong Tumaas sa Unang Bahagi ng 2024: Nagkaroon ng pababago-bagong takbo ang USD/CAD currency pair ngayong 2024. Pagkatapos umakyat mula sa low na $1.3170 noong Enero patungo sa halos $1.38 nitong Abril, na nagpapakita ng matibay na 5% pagtaas, pumasok na ngayon ang market sa yugto ng consolidation.
Kamakailang Price Action: Sa loob ng nakaraang anim na linggo, nagti-trade sideways ang pair mula $1.36 hanggang $1.38. Ang sideways na galaw ay pwedeng bigyang-kahulugan bilang pagpapatuloy ng pangmatagalang uptrend, kung saan kumukuha ng lakas ang bulls bago ito sumipa pataas. May natukoy na sa market na panandaliang bottom pagkatapos ang pag-retest sa $1.36 ngayong linggo, at tumitindi ang bullish na momentum bago ilabas ang mahahalagang anunsyo sa ekonomiya.
Paparating na Pangyayari sa Ekonomiya: Ang linggong ito ay isang kritikal na panahon para sa USD/CAD pair, kung saan may dalawang mahalagang kaganapan na maaaring makaapekto nang husto sa presyo ng palitan: ang desisyon mamaya ng Bank of Canada (BoC) tungkol sa interest rate at ang ilalabas na datos sa US Nonfarm Payrolls sa Biyernes. Lubhang makakaapekto ang mga naturang pangyayari sa halaga ng parehong currency, kaya maiimpluwensyahan nito sa huli ang rate ng palitan.
Mga Panandaliang Pivot Point: Natukoy na ang $1.3650 pivot bilang panandaliang bottom simula kahapon, kaya dinedepensahan nito ang kasalukuyang bullish wave, at inaasahan ang momentum na magpapatuloy sa itaas nitong lebel. Natukoy ang unang pagsubok sa resistance sa high kahapon na $1.37, na kumakatawan bilang unang hamon para sa bullish na momentum at ang kasalukuyang target habang pinapanatili ang panandaliang bullish na momentum.
Mahahalagang Support Level: Natukoy sa $1.36 ang mahalagang support level para sa range, na matibay na nahawakan sa buong yugto ng consolidation. Pwedeng bisitahin ulit ng pair ang lebel na ito para sa isa na namang retest, kahit na sa isang bullish na eksena. Pwedeng makahikayat ng bagong bibili ang bullish rejection patterns pagkatapos ng retest sa $1.36 na lebel, na higit pang magpapatibay sa uptrend. Sa kabilang banda, kapag bumagsak sa ilalim na hangganan na $1.3580, pwede itong sumenyas ng pagbaliktad tungo sa bearish na pananaw. Pwede nitong mabago ang pangmatagalang uptrend at humantong sa higit pang pagbaba sa presyo ng palitan ng USD/CAD.
Mahahalagang Resistance Level: Kinakatawan ng $1.3750 na lebel ang agarang resistance, pagkatapos itong mabigo nang dalawang beses sa nakaraang dalawang linggo. Ang matibay na pagtaas sa paglebel na ito ay pwedeng tingnan bilang pagsubok sa lakas para sa bulls, at pwedeng sumenyas ng potensyal na galaw tungo sa itaas na hangganan ng range. Kapag nalagpasan ang $1.38, isa itong mahalagang technical na pagbabago, na pwedeng magpahiwatig ng pagpapatuloy ng pangmatagalang uptrend, lalo na kung pumapabor sa USD ang datos sa ekonomiya.
Potensyal na Mag-breakout: Dahil sa potensyal na pagkakaiba ng mga patakaran ng bangko sentral, kasabay ng posibleng rate cut ng BoC at malamang na pagpapanatili ng Fed, pwedeng lumakas ang USD laban sa CAD. Kritikal ang kakalabasan ng mga pangyayari ngayong linggo, kasabay ng mahahalagang technical na lebel, para matukoy ang hinaharap ng USD/CAD. May posibilidad na agarang mag-breakout mula sa kasalukuyang yugto ng consolidation, at ang direksyon ng breakout ay depende sa kung paano tutugon ang USD at CAD sa mga anunsyo ngayong linggo.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.