Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Tumugon ang USD/CAD sa Rate Cut ng BoC at Malakas na ISM Services PMI sa US
6 June 2024 | FXGT.com

Tumugon ang USD/CAD sa Rate Cut ng BoC at Malakas na ISM Services PMI sa US

Nagbaba ng Rates ang BoC: Binabaan ng Bank of Canada (BoC) ang interest rate nito ng 25 basis points patungong 4.75% sa pulong ngayong Hunyo, kung saan nabanggit na tumaas ang kumpyansa na bumababa na ang inflation. Ito ang unang rate cut simula Marso 2020 at sumasalamin sa maingat na kilos sa pagtugon sa kasalukuyang kondisyon ng ekonomiya.

Datos sa Ekonomiya ng Canada: Ang desisyong magbawas ng rates ang naimpluwensyahan ng tumataas na unemployment at mababang paglago ng GDP sa kabila ng pagsipa nito noong Q1, kaya nabibigyang-diin ang kombinasyon ng mababang paglago at inflation kasabay ng tumataas na unemployment.

Komento ni Governor Macklem: Binigyang-diin ni Governor Tiff Macklem ang maingat na kilos ng BoC, kung saan isinaad niya na magiging dahan-dahan ang mga susunod pang rate cuts kung magpapatuloy ang pagbaba ng inflation. Kinilala niya na sa kabila ng mataas na bayarin sa mortgage, malamang na makakaranas ng mahinang pwersa ang ekonomiya ng Canada, at idiniin niya ang limitasyon ng paghihiwalay nang sobra-sobra sa pamamalakad ng Federal Reserve.

Pagkakaiba ng Interest Rate: Lumalawak ang pagkakaiba ng interest rate sa pagitan ng BoC at ng US Federal Reserve, na may interest rate na 5.0% at 5.25%. Nakakapaghikayat ng dayuhang kapital ang mas mataas na interest rate sa US, kaya nakinabang ang US Dollar at sinusuportahan nito ang USD/CAD.

Tugon ng Canadian Dollar: Pagkatapos ng rate cut, humina ang Canadian dollar laban sa mga pangunahing currency, partikular na sa USD/CAD pair, na tumaas pagkatapos ng desisyon. Ang galaw na ito ay nasuportahan pa ng mas matibay kaysa sa inaasahang datos sa US ISM services PMI, na nakapagpataas sa US dollar. Kaya lang, simula ng pag-anunsyo, bumaliktad ang pair, dahil nasuportahan ang Canadian dollar ng pagsipa sa presyo ng langis, na nakapagpalawig sa pagtaas nito para sa ikalawang sesyon.

Datos sa Ekonomiya ng US: Tumaas ang US dollar noong Miyerkules pagkatapos iniulat ng Institute for Supply Management (ISM) ang pagbawi sa sektor ng serbisyo nitong Mayo, na sumasalamin sa lakas ng ekonomiya ng US kumpara sa hamon na nararanasan ng Canada. Tumaas ang ISM Services PMI patungong 53.8 nitong Mayo mula 49.4 noong Abril, kaya nalagpasan ang forecast na 50.8. Kabaligtaran ito ng ISM Manufacturing PMI na inilabas noong Lunes at nagpapakita ng pag-urong ng sektor ng manufacturing. Dahil sa katatagan ng sektor ng serbisyo, nabigyang-diin ang magkahalong senyales sa ekonomiya ng US.

Nalalapit na Datos sa Job Market: Tinututukan na ngayon ng investors ang datos sa labor market ng parehong Canada at US na ilalabas sa Biyernes. Inaasahang magpapakita ng dagdag na 185,000 bagong trabaho ang US Nonfarm Payrolls (NFPs) nitong Mayo, na mas mataas mula sa dating 175,000. Kritikal ang datos sa trabaho ng US para mahubog ang aasahang rate cut nito.

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.