Home / Blog / Kategorya / Pagsusuri sa Market / Hindi Naabot ng USDCAD ang $1.3620 sa Ika-apat na Beses ngayong Marso
29 Marso 2024 | FXGT.com

Hindi Naabot ng USDCAD ang $1.3620 sa Ika-apat na Beses ngayong Marso

  • Paglaban ng USDCAD: Nakakaranas ang pair ng malawak na sideways na pattern nitong nakaraang buwan, kung saan paulit-ulit nitong sinusubok pero hindi nalalagpasan ang itaas na limit ng malawak na trading range sa $1.3620. Apat na beses itong sinubok ngayong Marso, at palaging nabibigong magkaroon ng breakthrough ang bawat pagtatangka, kaya nagresulta ito sa pinakabagong pullback sa $1.3550.
  • Bearish ang Panandaliang Pananaw: Nagpapahiwatig ng bearish na pananaw ang kasalukuyang posisyon ng pair sa ilalim ng $1.3570, kasabay ng pagposisyon nito sa ilang mahahalagang moving averages sa panandaliang charts. Sumesenyas ito na maaaring magpatuloy pa ang bearish na momentum, na potensyal na magdala sa USDCAD tungo sa retest ng low noong nakaraang araw sa $1.3520. Ang panibagong pagbagsak ay maaaring magpalawig sa correction papunta sa low noong nakaarang linggo na $1.3460.
  • Mga Kondisyon para sa Bullish na Momentum: Maaaring bumaliktad ang kasalukuyang momentum kapag lumagpas ito sa itaas ng $1.3570, na magreresulta para mapunta ang USDCAD tungo sa itaas na hangganan ng trading range nito. Pwedeng magpahiwatig ng panandaliang bullish na reversal ang ganitong galaw, kung saan maaari na namang magtangkang subukin ang peak nitong Marso na $1.3620.
  • Tumaas ang CAD dahil sa ng Presyo ng WTI Oil: Nakakuha ng suporta ang Canadian dollar mula sa pagtaas ng presyo ng krudo dahil sa mga geopolitical na tensyon at inaabangang kasunduan sa OPEC+ na maaari nitong pahabain ang pagbabawas ng produksyon. Lubha nitong pinaganda ang inaasahang inflows ng Canadian dollar, kaya napagtibay nito ang lakas ng CAD at nilimitahan ang potensyal na tumaas ang USDCAD.
  • Pagtutok sa Datos sa Ekonomiya: Inaabangan ng traders ang ilalabas na Personal Consumption Expenditures (PCE) Price Index ng US sa trading session nito, na nagtatangkang magbigay ng dagdag na linaw tungkol sa desisyon ng Federal Reserve sa interest rate.

1 Oras na Chart ng USDCAD

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Mga kategorya
Tag
Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
Susunod na Artikulo
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.