Home / Blog / Kategorya / Pagsusuri sa Market / Nalilito ang USDCHF: Pangmatagalang Resistance Laban sa Patuloy na Bullish Trend
10 May 2024 | FXGT.com

Nalilito ang USDCHF: Pangmatagalang Resistance Laban sa Patuloy na Bullish Trend

  • Nagkasalubong ang Bullish na Trend at Pangmatagalang Resistance: Nakaranas ng malaking uptrend ang USDCHF mula noong umpisa ng 2024, kung saan tumaas ito ng humigit-kumulang 8%. Kaya lang, naranasan kamakailan ng trend na ‘to ang matagalang resistance sa ₣0.92, na nagresulta sa pagbaliktad tungo sa bearish na momentum nitong nakaraang linggo. Tugma ang resistance na ₣0.92 sa 200-linggong moving average at kasabay nito ang high noong Oktubre 2023, kaya napagtitibay nito ang pagiging isang kritikal na resistance.
  • Epekto ng Datos sa Labor Market ng US: Ang bearish na takbo nitong nakaraang linggo ay resulta ng mas mahinang labor market ng US, kaya mas inaasahan na ngayon ang pagkakaroon ng rate cuts ng Federal Reserve. Dahil dito, umigting ang diskusyon tungkol sa mas malawak na pagbabago sa pamamalakad ng Fed.
  • Takbo ng Market: Bagamat nagkaroon ng panibagong correction, nananatiling nasa matibay na uptrend ang arawang timeframe. Kaya lang, sinusubok ng pair ang mahalagang support sa ₣0.90. Tugma ang lebel na ito sa arawang 45 EMA channel at ang mas mababang hangganan ng pataas na trendline channel, na tuloy-tuloy simula noong umpisa ng taon.
  • Bullish na Kalagayan: Ang senyales ng support sa itaas ng ₣0.90 ay pwedeng magpahiwatig na pansamantalang paghihinto lamang sa kasalukuyang bullish trend ang nararanasang consolidation. Ang paglagpas sa itaas ng panandaliang resistance sa ₣0.91 ay pwedeng magpaigting muli sa bullish na momentum, at potensyal na magsimula ng panibagong panandaliang uptrend.
  • Mga Bearish na Tagapaghiwatig: Itinuturing na kritikal ang ₣0.90 sa pagdepensa ng patuloy na bullish trend sa arawang timeframe. Kapag bumaba ang presyo sa ilalim nito, pwedeng mag-iba ang pananaw sa katamtamang panahon at mangahulugan ng mas malalim na corection, kung saan natukoy ang susunod na support level sa ₣0.89. Bukod dito, nagpakita ng malakas na bearish na pwersa ang lingguhang candle pagkatapos maabot ang resistance, kaya sumesenyas na pwedeng umiral ang bearish trends kapag bumagsak sa ilalim ng low nito na ₣0.90.
  • Aabangan sa Hinaharap: Binibigyang atensyon na ngayon ang inflation ng US sa susunod na linggo, kung kailan nakatakdang ilabas ang PPI at CPI. Mahalaga ang magiging tugon sa paparating na datos, dahil pwede itong mag-udyok sa iba pang direksyonal na galaw sa market. Kapag napanatili ang paglagpas nito sa ₣0.91, pwedeng mapagtibay ang continuation signals, habang ang pagbagsak sa ilalim ng ₣0.90 ay maaaring sumenyas ng pagbaliktad sa kasalukuyang trend, kung saan ta-target ito ng mas mababang support.

1 Oras na Chart ng USDCHF

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.