Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Sumipa sa Makasaysayang Highs ang USD/JPY: Nagpapahiwatig na Manghimasok ang mga Awtoridad sa Japan  
28 June 2024 | FXGT.com

Sumipa sa Makasaysayang Highs ang USD/JPY: Nagpapahiwatig na Manghimasok ang mga Awtoridad sa Japan  

  • Makasaysayang Highs: Nitong Biyernes ng umaga, sumipa ang dolyar sa pinakamataas nitong lebel laban sa yen mula noong 1986, kaya nagpahiwatig ng pag-aalala ang mga awtoridad sa Japan tungkol sa pagbaba ng yen. Masusi nilang sinusubaybayan ang galaw sa presyo, at isinaad nila ang kahandaang kumilos kung kinakailangan.
  • Espekulasyon ng Panghihimasok: Dahil sa matinding paghina ng yen, tumaas ang espekulasyon na potensyal na manghimasok ang mga awtoridad sa Japan. Nitong Biyernes, naglabas ng hinaing Finance Minister sa Japan na si Shunichi Suzuki tungkol sa “mabilis at hindi pantay” na paggalaw sa palitan ng pera, na nagpapahiwatig ng posibilidad na manghimasok sila para gawing matatag ang yen.
  • Hamon sa BOJ para Palakasin ang Yen: Humaharap ang Bank of Japan (BOJ) sa matinding hamon na pataasin ang halaga ng yen. Napatunayang hindi epektibo ang mga ginawang panghihimasok dati, kaya nabibigyang-diin ang pagsubok na panatilihin ang lakas nito.
  • Pagbabalanse ng Pamahalaan ng Japan: Dahil sa labis na paghina ng yen, lumakas lalo ang aktibidad sa pag-export pero pinataas din nito nang husto ang bayarin sa pag-import, na nakakaapekto sa mas malakas na pwersa ng inflation. Kailangang tahakin ng gobyerno ng Japan ang kumplikadong sitwasyon na ito. Dapat panatilihin ang matatag at murang yen para suportahan ang ekonomiya na nakatutok sa pag-export, habang iniiwasan ang napakatinding pagbagsak na maaaring makapagpalala sa inflation at makapinsala sa mga lokal na konsyumer.
  • Magkaibang Patakaran sa Pamamalakad: Patuloy na nakakaapekto sa pair ang pagkakaiba sa interest rates ng Bank of Japan at US Federal Reserve. Ang pag-aatubili ng BOJ na magkaroon ng detalyadong plano sa pagbabawas ng pagbili ng bonds ay taliwas sa hawkish na paninindigan ng Fed, na nakakaapekto sa pagbibigay ng halaga sa mga naturang currency.
  • Mga Risk para sa Traders: Bagamat nakakaengganyo para sa short sellers ang pagbaba ng JPY, may mga kaakibat itong matinding risk. Dahil sa kasaysayan ng Japan sa pagdepensa sa yen, malaki ang tyansa na magpatupad ito ng matibay na hakbang kung kinakailangan. Pwedeng magresulta ang panghihimasok ng gobyerno sa biglaang pagbabago sa halaga ng yen, kaya potensyal itong makakaapekto sa kasalukuyang takbo ng market.  
  • Pananaw ng Market: Habang patuloy na magkaiba ang pamamalakad ng US at Japan, nananatiling bukas sa panghihimasok ang USD/JPY pair. Kailangang mamulat ang traders sa anumang kongkretong aksyon mula sa mga awtoridad sa Japan, dahil pwede itong makaapekto nang husto sa takbo nitong pair. Ang mga nababanggit na panghihimasok ay nagsisilbi bilang babala sa potensyal na matindi at biglaang paggalaw sa market.  
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.