Nakakaranas ng downtrend ang USDCHF pair mula noong naabot nito ang high na 0.92231 noong Mayo 1, na pangunahing iniimpluwensyahan ng mga technical na aspeto kabilang ang moving average crossovers at failure swing reversal pattern. Bagamat humina sa mga nakaraang sesyon ang bearish na momentum, nagkaroon ulit ng pwersa sa Swiss franc dahil sa nakaambang rate cut ng Swiss National Bank. Kailangang subaybayan ng mga nasa market ang mahahalgang resistance at support levels, kasabay ng mga kritikal na technical indicator, para mapag-aralan ang potensyal na direksyon ng market sa gitna ng naturang pagbabago-bago.
Mga Pangyayari sa Ekonomiya na may Matinding Epekto
Nakakaranas ang USDCHF pair ng pababang takbo mula noong naabot nito ang high na 0.92231 noong Mayo 1. Ang naturang pagbaba ay resulta ng magkahalong technical na aspeto na nagtulak lalo sa bearish na momentum. Sa partikular, lumitaw ang failure swing reversal pattern noong nabigo ang peak sa 0.91573 na lagpasan ang nakaraang peak, na humantong sa pagbaba sa ilalim ng trough na 0.89869, kaya nakumpirma ang downtrend. Bukod dito, napabilis pa ang pababang pwersa dahil sa double crossover sa pagitan ng 20-period at 50-period Exponential Moving Averages (EMAs).
Bukod dito, ang kumikitid na Bollinger Bands, na kadalasang tinutukoy bilang “squeeze,” ay nagpapahiwatig na maaaring papalapit na ang isang breakout. Nakapagbigay ng higit pang suporta sa downtrend ang mahahalagang technical indicators. Bagamat nananatili ang presyo sa itaas ng 20-period EMA at ang Momentum oscillator ay nasa itaas ng baseline na 100, nananatili ang Relative Strength Index (RSI) sa ilalim ng 50 na marka, at nagti-trade din ang presyo sa ilalim ng 50-period EMA, na nagpapahiwatig ng magkahalong senyales na nangangailangan ng masusing pagsubaybay.
Mahahalagang Resistance Levels
Kung sakaling makukuha ng mga bumibili ang kontrol sa market, maaaring malipat ang atensyon ng traders sa apat na potensyal na resistance levels sa ibaba: 0.85486: Ang pangunang resistance ay natukoy sa 0.85486, na tumutugma sa arawang high na naitala noong Setyembre 12. 0.86469: Ang ikalawang target na presyo ay natantya sa 0.86469, na tumutugma sa 161.8% Fibonacci extension na nakalkula sa pagitan ng swing high na 0.85486 at ng swing low na 0.83895. 0.87470: Naitala ang ikatlong target na presyo sa 0.87470, na sumasalamin sa peak noong Agosto 15. 0.88060: May isa pang target na presyo na namataan sa 0.88060, na tugma sa 261.8% Fibonacci extension na ginuhit mula sa peak na 0.85486 pababa sa trough na 0.83895.
Mahahalgang Support Levels
Kung sakaling mapapanatili ng mga nagbebenta ang kontrol sa market, maaaring isaalang-alang ng traders ang apat na potensyal na support levels sa ibaba: 0.83728: Ang pangunang support level ay natukoy sa 0.83728, na sumasalamin sa low mula Setyembre 6. 0.83319: Ang ikalawang support level ay nasa 0.83319, na kumakatawan sa lingguhang low na naitala noong Disyembre 2023. 0.82360: Ang ikatlong support level ay nakaposisyon sa 0.82360, na sumasalamin sa 161.8% Fibonacci extension na ginuhit mula sa swing low na 0.84312 papunta sa swing high na 0.87470. 0.79202: May isa pang downside target na namataan sa 0.79202, na tugma sa 261.8% Fibonacci extension na ginuhit mula sa swing low na 0.84312 papunta sa swing high na 0.87470.
Fundamentals
Inaasahang bababaan ng bangko sentral ng Switzerland ang key interest rate nito ng hindi bababa ng 0.25 percentage point sa nalalapit na pulong sa Setyembre 26, tulad ng ginawa nito noong Marso at Hunyo. Kasalukuyang nasa 1.25% ang rate, pero dahil sa lumalalang pwersa mula sa mga industriya gaya ng paggawa ng relo at sektor ng engineering, itinutulak ang higit pang pagbabawas para labanan ang paglakas ng Swiss franc. Bagamat inaasahan ng maraming ekonomista ang 0.25 percentage point rate cut, may ibang nanghuhula na posible ang 0.50 percentage point na pagbabawas, lalo na sa gitna ng kamakailang pagbaliktad sa pamamalakad ng mga bangko sentral sa buong mundo, kasabay ng pagtaas ng halaga ng franc.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, bagamat nakaranas ang USDCHF ng tuloy-tuloy na bearish na momentum dahil sa iba’t-ibang technical na aspeto, pwedeng makaapekto sa direksyon nitong pair ang potensyal na rate cut ng Swiss National Bank. Kailangang mag-ingat ng mga nasa market, habang patuloy na sinusubaybayan ang mahahalagang support at resistance levels, kasabay ng nagbabago-bagong technical indicators, para matahak ang potensyal na pagbaliktad sa momentum.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.