Nakakaranas ng downtrend ang USDJPY mula noong mag-peak ito sa 161.941 noong Hulyo 3, na resulta ng mga technical na aspeto tulad ng failure swing reversal pattern at bearish na EMA crossover. Pagkatapos bumagsak sa low na 139.568 noong Setyembre 16, lumitaw ang senyales ng pataas na correction, pero nanatili ang presyo sa ilalim ng 50-period EMA, na nagpapahiwatig ng magkahalong pananaw. Kabilang sa mahahalagang resistance levels ay ang 147.199 at 161.941, habang nagsisimula naman ang support levels sa 142.625. Patuloy na nanggigipit sa yen ang mas malawak na pagkahina ng US dollar dahil sa potensyal na rate cuts ng Fed at agwat sa rate ng US at Japan na 5.00% at 0.25%.
Mga Pangyayari sa Ekonomiya na may Matinding Epekto
Biyernes 15:30 (GMT+3) – Canada: GDP MoM (CAD)
Biyernes 15:30 (GMT+3) – USA: Core PCE Price Index MoM (USD)
Pagsusuri sa Chart
Nakakaranas ng downtrend ang USDJPY pair mula noong nag-peak ito sa 161.941 noong Hulyo 3. Resulta ito sa mga technical na aspeto na nagpaigting sa bearish na momentum. May nangyaring kapansin-pansing failure swing reversal pattern noong hindi nalagpasan ng high na 161.798 ang nakaraang peak, na sinundan ng pagbagsak sa ilalim ng 160.254, na kumukumpirma sa pagbaliktad ng trend. Bukod dito, bumuo ng double crossover ang 20-period at 50-period Exponential Moving Averages (EMAs), na nakapagdagdag ng pwersa para sa pagbebenta nito.
Gayunpaman, pagkatapos maabot ang low na 139.568 noong Setyembre 16, nagsimulang magpahiwatig ang market ng pataas na correction. Lumagpas ang presyo sa itaas ng 20-period EMA, habang tumaas ang Momentum oscillator sa baseline na 100, at umakyat sa itaas ng 50 ang Relative Strength Index (RSI). Sa kabila nitong mga positibong senyales, nananatili ang presyo sa ilalim ng 50-period EMA, na nagpapahiwatig ng magkahalong pagtingin na nangangailangan ng masusing obserbasyon.
Mahahalagang Resistance Levels
Kung makukuha ng mga bumibili ang kontrol sa market, maaaring malipat ang atensyon ng traders sa apat na potensyal na resistance levels sa ibaba: 147.199: Natukoy ang pangunang resistance sa 147.199, na tumutugma sa swing high na naitala noong Setyembre 3. 149.378: Ang ikalawang target na presyo ay hinuhulaan sa 149.378, na kumakatawan sa high noong Agosto 15. 155.209: May ikatlong target na presyo na namataan sa 155.209, na sumasalamin sa isang internal trendline. 161.941: May isa pang dagdag na target na nakita sa 161.941, na tugma sa arawang high noong Hulyo 3.
Mahahalagang Support Levels
Kung mapapanatili ng mga nagbebenta ang kontrol sa market, maaaring isaalang-alang ng traders ang apat na potensyal na support levels sa ibaba: 142.625: Ang pangunang support level ay natukoy sa 142.625, na tumutugma sa lingguhang Pivot Point na natantya gamit ang standard method. 139.568: Nakita ang ikalawang support level sa 139.568, na kumakatawan sa arawang low noong Setyembre 16. 137.620: Ang ikatlong support level ay nakaposisyon sa 137.620, na sumasalamin sa 261.8% Fibonacci extension na ginuhit mula sa swing low na 143.425 papunta sa swing high na 147.199. 135.848: May isa pang pababang target na naitala sa 135.848, na tumutugma sa lingguhang support (S3) na nakalkula gamit ang standard method.
Fundamentals
Malapit nang mabura ang naitalang pagtaas ng US dollar ngayong 2024, habang bumabaliktad ang sentimyento ng market tungo sa pag-asa ng mas agresibong rate cuts ng Federal Reserve. Umuusad ang US dollar index malapit sa pinakamababa nitong lebel mula noong Enero, kung saan tinataya ng futures markets ang 50% probabilidad na magkakaroon ng 0.50 point rate cut sa Nobyembre. Bukod dito, humina ang dolyar laban sa ibang malalaking currency tulad ng euro, yen, at pound, na sumasalamin sa lumalalang di kasiguraduhan tungkol sa pamamalakad ng Fed at potensyal nitong epekto sa greenback.
Humina ang yen patungong 145.000 laban sa dolyar, ang pinakamababa nitong lebel mula noong umpisa ng Setyembre, sa kabila ng kumikitid na agwat ng yields sa pagitan ng Japan at US. Dahil ang interest rate sa US ay nasa 5.00% habang 0.25% lang ang sa Japan, patuloy na nakakapagdagdag ng pwersa sa yen ang matinding kaibahan sa rates. Bagamat nagpapahiwatig ang Federal Reserve ng pag-iingat kaugnay sa higit pang rate cuts, nag-aalangan pa rin ang Bank of Japan na taasan ang rates, kaya nakakaapekto ito sa pagbaba ng yen. Masusi ring sinusubaybayan ng traders ang nalalapit na eleksyon ng namumunong partido sa Japan, na pwedeng makaimpluwensya sa pamamalakad sa hinaharap at magiging takbo ng yen.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, nananatili ang downtrend ng USDJPY, na may magkahalong technical signal na sumesenyas ng pataas na correction. Ipinapahiwatig ng mahahalagang resistance at support levels ang mga kritikal na presyo na dapat abangan. Samantala, dahil sa mas malawak na fundamentals tulad ng agwat sa rates ng US at Japan, potensyal na rate cuts ng Fed, at patuloy na kahinaan ng yen dahil sa maingat na pamamalakad ng Bank of Japan, nabibigyang-diin ang kumplikadong pwersa na humuhubog sa magiging takbo nitong currency pair sa hinaharap. Kailangan pa ring mag-ingat ng traders dahil pwede pang makaimpluwensya sa direksyon ng market ang mga pangyayari sa ekonomiya at pagbabago sa pamamalakad.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.
Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.