13 June 2024 | FXGT.com
Baliktad sa Pamamalakad ng Fed ang Mahinang PPI at mas Mataas na Jobless Claims
- Tumaas ng 2.2% ang US Producer Price Index (PPI) nitong Mayo: Ang Producer Price Index (PPI) para sa panghuling demand sa US ay tumaas ng 2.2% taon-taon nitong Mayo, gaya ng iniulat ng US Bureau of Labor Statistics. Mas mababa ito kaysa sa inaasahang 2.5% at bahagyang mas mababa mula sa binagong 2.4% noong Abril.
- Takbo ng Core PPI: Ang taunang core PPI, kung saan hindi kasama ang pagkain at enerhiya, at tumaas ng 2.3% noong Mayo, na mas mababa rin kaysa sa inaasahang 2.4% ng market. Buwan-buwan naman, bumaba ng 0.2% ang PPI habang hindi nagbago ang core PPI.
- Tumaas ang Pangunang Jobless Claims: Tumaas ang pangunang jobless claims patungong 242K para sa linggong nagtapos noong Hunyo 8, kumpara sa nakaraang linggo na 229K, na lagpas sa tinatayang 225K. Ito ang nagmamarka ng pinakamataas na lebel mula noong Agosto 2023.
- Tumaas ang Patuloy na Jobless Claims: Umakyat ng 30K patungong 1.820M ang patuloy na jobless claims para sa linggong nagtapos noong Hunyo 1, ang pinakamataas nitong lebel simula Nobyembre 2021. Tumaas rin ang 4 na linggong moving average ng patuloy na claims patungong 1.797M, kumpara sa 1.788M noong nakaraang linggo.
- Epekto ng Datos sa US: Dahil sa mas mahina kaysa sa inaasahang PPI at tumataas na jobless claims, kumokontrata ito sa paninindigan ng Fed na panatilihing mataas ang interest rates sa mas mahabang panahon. Bagamat nagpapakita ng lakas ang nonfarm payrolls, ang pagtaas ng jobless claims ay sumesenyas ng paghina sa labor market. Tumaas ang pag-asang bumagal ang inflation dahil sa mas mahinang PPI, na pwedeng magresulta sa higit pang pagbaba ng US Dollar Index. Tinataya na ngayon ng Fed funds futures na magkakaroon ng dalawang rate cut sa katapusan ng taon.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .