Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Pagbalik-Tanaw sa Crypto – Sumipa sa $111B nitong Marso ang Trading Volume ng Spot Bitcoin ETFs
9 Abril 2024 | FXGT.com

Pagbalik-Tanaw sa Crypto – Sumipa sa $111B nitong Marso ang Trading Volume ng Spot Bitcoin ETFs

  • In-update ng BlackRock ang Bitcoin ETF nito, kung saan nagdagdag ito ng limang malalaking Wall Street firms bilang bagong awtorisadong kalahaok. Kabilang dito ang ABN AMRO, Citadel Securities, Citigroup Global Markets, Goldman Sachs, at UBS Securities. Dahil sa kilos na ito, gumaganda ang operasyonal na pagtakbo ng ETF sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga ito na gumawa at mag-redeem ng shares, na sumasalamin sa mas mataas na interes ng mga malalaking pinansyal na institusyon sa produktong may kinalaman sa Bitcoin.
  • Sumipa sa $111B nitong Marso ang trading volume ng spot Bitcoin ETFs, na halos triple mula sa $42.2B noong Pebrero. Ang paglagong ito ay dahil sa mga produkto ng Grayscale at BlackRock, na nagbibigay-diin sa tumataas na interes ng mga investor sa Bitcoin sa pamamagitan ng ETFs. Ang ETF ng BlackRock na IBIT ay kapansin-pansing nanguna sa market.
  • Pumalo sa taunang high na $1.12T nitong Marso ang spot trading volume ng Binance, na sumesenyas sa matinding pag-akyat at ang pinakamataas nito simula noong Mayo 2021. Resulta ito ng 121% paglaki ng spot trading volume, kasabay ng lumalagong market share na umabot ng 44.1% sa naturang buwan.
  • Maraming nangungunang equity funds na nakabase sa mainland China ang nag-apply para mag-isyu ng spot Bitcoin ETFs sa Hong Kong sa pamamagitan ng kanilang subsidiaries. Resulta ito ng pagtaas ng presyo ng crypto at ambisyon ng Hong Kong na maging internasyonal na fintech hub. Ayon sa mga taga-industriya, ang pinakamaagang listing ay maaaring mangyari sa Q2. Sumasalamin ang galaw na ito sa tumataas na interes sa crypto investments at ang pagsisikap ng Hong Kong na maging pangunahing sentro ng crypto​.
  • Nakatakdang maglunsad ang Ripple ng stablecoin na backed ng US dollar, na naglalayong agawin ang market share ng USDC ng Circle at USDT ng Tether. Dahil sa ambisyon nitong palawakin ang stablecoin ecosystem, ang stablecoin ng Ripple ay ilalabas sa parehong XRP ledger at Ethereum blockchain. Binibigyang-diin nito ang pagtutok sa compliance, kaya nilalayon ng Ripple na siguraduhin ang pagiging transparent sa kung paano sinusuportahan ang stablecoin nito, na direktang kumukumpitensya sa USDC sa aspetong ito.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.