Sa linggong nagsimula noong Martes, Setyembre 9, may iba’t-ibang malalaking pagbabago sa ekonomiya na nakaapekto sa mga currency, commodity, at stock index sa buong mundo. Kabilang sa mga inilabas na ulat ay ang datos sa mga trabaho sa UK, inflation sa US, at mahalagang desisyon ng ECB sa interest rates, na lahat ay nakatulong sa pagtaas-baba ng mga currency. Samantala, sumipa naman ang presyo ng krudo at gold, at nakapagbigay ng pananaw tungkol sa takbo ng kanya-kanyang sektor ang kita ng mga kumpanya gaya ng Oracle, Adobe, at Kroger. Makikita sa mga stock market ang naturang takbo, na nakapagtala ng kapansin-pansing pagtaas sa malalaking index at matinding paggalaw sa iba’t-ibang sektor.
Mga Inabangang Pangyayari at Tagapaghiwatig sa Ekonomiya
Martes, Setyembre 10
09:00 AM – UK: Pagbabago sa Bilang ng Claims (GBP)
Noong Agosto 2024, nasa 1.79 milyon ang bilang ng claims sa UK, na nagpapakita ng 23,700 na pagtaas kumpara noong nakarang buwan, at 255,600 mula Agosto 2023.
Nakaranas ng 0.04% na pagtaas ang GBPUSD kumpara noong nakaraang araw.
Miyerkules, Setyembre 11
09:00 AM – UK: GDP MoM (GBP)
Noong Hulyo 2024, hindi nagbago ang real GDP ng UK, kaya nagpapatuloy ang pagbagal nito mula Hunyo 2024. Gayunpaman, tumaas ang GDP ng 0.5% sa loob ng tatlong buwan hanggang Hulyo 2024, na resulta ng malawakang paglago sa sektor ng mga serbisyo.
Tuumaas ng 0.21% ang EUR/GBP currency pair kumpara noong nakaraang araw.
15:30 – USA: CPI MoM (USD)
Nitong Agsoto 2024, tumas ng 0.2% ang Consumer Price Index (CPI) sa US, na kaparehas ng pagtaas na naitala noong Hulyo. Sa loob ng nakaraang taon, tumaas ng 2.5% ang index na kumakatawan sa lahat ng bagay, na sumasalamin sa pinakamahinang taunang pag-akyat mula Pebrero 2021. Maliban sa pagkain at enerhiya, tumaas ng 0.3% ang presyo noong Agosto, na may kapansin-pansing pagtaas sa bahay, pasahe sa eroplano, at insurance sa mga sasakyan.
Nakaranas ng arawang pagbabago ang US Dollar Index ng 0.06%.
17:30 – USA: EIA Crude Oil Stocks Change (USD)
Sa linggong nagtapos noong Setyembre 6, 2024, nag-average ng 16.8 milyong bariles kada araw ang input ng mga refinery ng krudo sa US, na mas mababa ng 141,000 bariles mula noong nakaraang linggo, kung saan tumatakbo ito sa kapasidad na 92.8%. Bumagsak sa 9.4 milyong bariles kada araw ang produksyon ng gasolina, habang tumaas naman patungong 5.2 milyong bariles kada araw ang distillate fuel. Tumaas patungong 6.9 milyong bariles kada araw ang inangkat na krudo. Dumami ng 0.8 milyong bariles ang imbentaryo ng krudo, at tumaas ng 9.0 milyong bariles ang kabuuang imbentaryo ng komersyal na petrolyo.
Tumaas ng 2.3% ang presyo ng krudo kumpara noong nakaraang araw.
Huwebes, Setyembre 12
15:30 – Europa: Desisyon ng ECB sa Interest Rate (EUR)
Noong Setyembre 12, 2024, binawasan ng ECB Governing Council ang deposit facility rate nito ng 25 basis points patungong 3.50% para luwagan nang kaunti ang paghihigpit sa pananalapi. Inaasahan ang inflation na mag-a-average sa 2.5% ngayong 2024, 2.2% sa 2025, at 1.9% sa 2026. Bagamat nanatiling mataas ang lokal na inflation dahil sa tumataas na sahod, humihina naman ang pwersa ng bayarin sa labor. Inaasahang maitatala sa 0.8% ang paglago ng ekonomiya ngayong 2024, na tataas patungong 1.5% sa 2026. Ipagpapatuloy ng ECB ang pagdedesisyon batay sa datos para masigurado na babalik ang inflation sa target na 2%. Ipatutupad simula Setyembre 18, 2024 ang mga naturang pagbabago sa pamamalakad.
Tumaas ng 0.6% ang presyo ng palitan ng EURUSD.
16:30 – USA: PPI MoM (USD)
Noong Agosto 2024, tumaas ng 0.2% ang US Producer Price Index (PPI) para sa panghuling demand, pagkatapos nitong hindi magbago noong Hulyo. Sa loob ng nakaraang 12 buwan, tumaas ang PPI ng 1.7%. Ang pag-akyat nito noong Agosto ay resulta ng 0.4% na pagtaas sa mga serbisyo sa panghuling demand, habang hindi naman nagbago ang presyo sa mga produkto sa panghuling demand. Maliban sa pagkain, enerhiya, at serbisyo sa pangangalakal, tumaas ng 0.3% ang presyo nitong Agosto at 3.3% sa loob ng nakaraang taon. Kabilang sa mga nakatulong dito ay ang mas mataas na presyo ng mga guestroom at wholesale na sasakyan, habang bumaba naman ang presyo sa serbisyo ng mga eroplano at presyo ng jet fuel.
Bumagsak ng 0.48% ang US Dollar Index.
16:30 – USA: Unemployment Claims (USD)
Sa linggong nagtapos noong Setyembre 7, tumaas ng 2,000 patungong 230,000 ang pangunang unemployment claims, kung saan bahagyang umakyat sa 230,750 ang 4 na linggong moving average. Para sa linggong nagtapos noong Agosto 31, nanatiling matatag sa 1.2% ang insured unemployment rate, habang tumaas naman ang insured unemployment ng 5,000 patungong 1.85 milyon. Bahagyang bumaba sa 1.85 milyon ang 4 na linggong moving average para sa insured unemployment.
Nakaranas ang USDJPY ng 0.36% na pagbaba kumpara noong nakaraang araw.
Mga Commodity
- Krudo
- Nakaranas ng lingguhang pagtaas na 1.16% ang presyo ng krudo.
- Brent Oil
- Tumaas ng 0.6% ang Brent kumpara noong nakaraang linggo.
- Gold
- Nagtapos ang linggo noong Biyernes na may lingguhang apgtaas na 3.26% ang precious metal na gold (XAUUSD).
- Silver
- Tumaas ng 9.89% ang XAGUSD kumpara noong nakaraang linggo.
Stock Market
- Tumaas ng 4.3% ang S&P 500
- Umakyat ng 2.9% ang DJIA
- Sumipa ng mahigit 6.25% ang NASDAQ 100
Pinakatumaas
- Instil Bio, Inc. (TIL) 493.12%
- Quhuo Limited (QH) 224.49%
- Nova Vision Acquisition Corporation (NOVV) 207.06%
Pinakabumagsak
- Garden Stage Limited (GSIW) -75.49%
- Universe Pharmaceuticals INC (UPC) -67.43%
- SelectQuote, Inc. (SLQT) -43.73%
Kita ng mga Kumpanya (Setyembre 9–13)
Lunes, Setyembre 9: ORCL (Oracle Corp)
Huwebes, Setyembre 12: ADBE (Adobe Inc.)
Huwebes, Setyembre 12: KR (Kroker)
Nakapagtala ang Oracle (ORCL) ng EPS na $1.39, na mas maganda kumpara sa inaasahan ng mga analyst na $1.32. Tumaas ng 8% patungong $13.31B ang revenue kada quarter, kaya nalagpasan nito ang tantya ng Wall Street na $13.23B. Tumaas din patungong $2.93B ang netong kita, na mas malaki kumpara sa $2.42B noong nakaraang taon. Kabilang sa mga lumago ang cloud services at suporta sa lisenysa, na tumaas ng 10% patungong $10.52B, habang sumipa naman ng 45% patungong $2.2B ang kita sa cloud infrastructure.
Tumaas ng 14.26% ang ORCL kumpara noong nakaraang linggo.
Iniulat ng Adobe (ADBE) ang Q3 2024 revenue na $5.41B, na mas mataas ng 11% YoY at lagpas sa inaasahang numero. Nasa $3.76 ang EPS na batay sa GAAP, habang $4.65 naman ang EPS na hindi batay sa GAAP. Kabilang sa mga pinakalumago ay ang 11% na pagtaas sa sektor ng digital media at patuloy na paggamit ng AI. Umabot sa $2.02B ang cash flow from operations. Ngayong Q4, inaasahan ng Adobe ang revenue na mula $5.50B hanggang $5.55B at EPS na $4.63 hanggang $4.68 na hindi batay sa GAAP.
Nakaranas ang ADBE ng lingguhang pagbaba na 4.71%.
Nakapagtala ang Kroger (KR) ng $466M na netong kita nitong Q2 FY24, na mas mataas mula sa pagkalugi na $180M noong Q2 FY23. Nasa $0.64 ang Earnings Per Share, kumpara sa $0.25 na loss per share noong nakaraang taon. Umabot ang benta sa $33.91B, na kumakatawan sa 1.3% na pagtaas maliban sa gasolina. Tumaas ng 11% ang digital na benta. Umakyat din ang operating profit patungong $815M mula sa pagkalugi na $479M. Binago ng Kroger ang gabay nito ngayong 2024, kung saan tinataya na nito ang paglago ng benta na 0.75% patungong 1.75% at capital expenditures na $3.6 hanggang $3.8B.
Tumaas ang KR ng 6.96% kumpara noong nakaraang linggo.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, nakapagtala ng mahahalagang aktibidad sa ekonomiya ang linggong nagsimula noong Martes, Setyembre 9. Malaki ang naging papel sa paggalaw ng presyo ang mahahalagang ulat kabilang ang datos sa mga trabaho sa UK, inflation sa US, at desisyon ng ECB sa interest rate. Kapansin-pansin ang pagtaas ng mga commodity, lalo na ng krudo at gold, habang nakapagbigay naman ng higit pang pananaw ang kita ng Oracle, Adobe, at Kroger tungkol sa takbo ng kanya-kanyang sektor. Tumugon ang mga stock market sa naturang pagbabago, kung saan tumaas ang malalaking index at nakaranas ng pagbaliktad ang mga pinakatumaas at pinakabumagsak na kumpanya.