27 May 2024 | FXGT.com
Lingguhang Recap sa Market – Patakaran ng Fed sa Mas Mataas na Rates sa Mas Mahabang Oras
- Magkaibang Landas ng mga Pangunahing Stock Index sa US: Magkahalo ang resulta ng malalaking stock index sa US. Bumaba ng 2.40% ang Dow, na nagtatapos ng limang-linggong sunod-sunod na pagtaas, kung saan bumaba ito sa 39,000 points. Tumaas naman ng 1.34% ang Nasdaq, na resulta ng malakas na ulat sa kita ng Nvidia ngayong quarter. Samantala, hindi nagbago ngayong linggo ang S&P 500, na sumasalamin sa magkahalong sentimyento ng iba’t-ibang sektor sa market.
- Patakaran ng Fed sa Mas Mataas na Rates sa Mas Mahabang Oras: Binanggit ng Federal Reserve ang patuloy na pag-aalala sa inflation at kakulangan ng pagbaba, kaya pinapanatili nito ang paninindigan na magkaroon ng mas mataas na rates sa mas mahabang panahon, at kahandaan na higpitan pa ang pamamalakad kung kinakailangan. Dahil dito, nabawasan ang pag-asang magkakaroon ng rate cut, kung saan bumaba sa 50% ang tyansa na ipapatupad ito sa Setyembre, kaya nasuportahan nito ang pagbawi ng dolyar. Ayon sa mga survey tungkol sa sentimyento ng konsyumer, tumataas ang pag-aalala sa inflation sa kabila ng kaunting pagbaba ng CPI nitong Abril.
- Mas Mataas ang Inflation sa UK Kumpara sa Inaasahan: Mas mataas ang inflation sa UK kumpara sa inaasahang halaga, kaya maiimpluwensyahan nito ang nakatakdang takbo ng rates ng Bank of England. Baliktad ito sa European Central Bank, kung saan tumaas ang pag-asang magkakaroon ng rate cut sa Hunyo. Naging mas hawkish na ngayon ang paninindigan ng BoE dahil sa tuloy-tuloy na pwersa ng inflation.
- Bumagsak ang Presyo ng Krudo sa Ilang Buwan na Low: Bumaba ng 2.20% ang presyo ng langis ngayong linggo papunta sa tatlong-buwang low. Resulta ito ng tumataas na imbentaryo ng krudo sa US at hawkish na pamamalakad ng Fed, na nakapagdagdag sa pag-aalala tungkol sa paglago ng ekonomiya at demand sa langis. Nakatutok na ang lahat sa pulong ng OPEC+ sa Hunyo 1, na pwedeng makaimpluwensya sa magiging desisyon ng supply sa hinaharap.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .