2 Abril 2024 | FXGT.com
Lingguhang Recap sa Market – Panghuling Nangyari ngayong Unang Quarter
- Ngayong Unang Quarter: Nagtapos ang mga US stock index sa kamangha-manghang unang quarter, na nagtala ng limang buwan na magkakasunod na pagtaas. Mula noong simula ng 2024, tumaas ng 10.2% ang S&P 500, ang NASDAQ ng 9.1%, at ang Dow ng 5.6%, na nagbibigay-diin sa malawak na sunod-sunod na pagtaas ng market.
- Inflation at Reaksyon ng Federal Reserve: Nagpahiwatig ng pagbagal nitong Pebrero kumpara noong nakaraang buwan ang core PCE price index, isang panukat ng inflation na masusing sinusubaybayan ng Federal Reserve. Ayon sa Federal Reserve Chair na si Jerome Powell sa isang pulong na inorganisa ng San Francisco Fed, mapapansin na tugma sa inaasahan ng market ang naturang datos.
- Pagtaas ng mga Commodity: Lubhang tumaas ang WTI crude futures noong nakaraang linggo, kung saan umakyat ito ng 2.80% kada bariles patungong $83.17, na nagtala ng tatlong magkakasunod na buwan ng pagtaas. Umakyat din nang husto ang presyo ng gold, kung saan umusad ito ng 3.18% tungo sa $2,230 kada onsa. Sa buong unang quarter ng taon, kamangha-mangha ang naging pagtaas ng gold at krudo tungo sa 8.40% at 17.55%, ayon sa pagkakabanggit, na nagpapahiwatig ng malakas na quarter para sa mga commodity.
- Pagbaba ng Yen: Bumagsak ang Japanese yen sa pinakamahina nitong posisyon laban sa US dollar mula noong 1990. Dahil nagigipit ang Japan sa tumataas na lokal na inflation, nagkaroon ng talakayan sa posibleng panghihimasok ng mga awtoridad sa Japan para gawing mas matatag ang pera nito.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .