22 Abril 2024 | FXGT.com
Lingguhang Recap sa Market – Bumaba ang US Stocks Dahil sa Hawkish na Komento ng Fed at Mas Mataas na Geopolitical na Tensyon
- Bumaba ang Stocks sa US: Naranasan ng S&P 500 ang pinakamalalang linggo nito sa loob ng mahigit isang taon, kung saan bumaba ito ng 5,000 points dahil sa malakas na datos sa ekonomiya at hawkish na komento ng Federal Reserve, kaya nagresulta ito sa bagong pananaw tungkol sa rate cuts. Dahil sa tensyon sa pagitan ng Israel at Iran, nagipit din ang mga equity market. Sa loob ng nakaraang linggo, bumaba ang S&P 500 ng 3.1%, ang Nasdaq 100 ng 5.35%, habang ang Dow ay hindi masyadong nagbago.
- Pagbaliktad ng Pamamalakad ng Fed: Pagkatapos ng tatlong buwan ng mataas na inflation, inaasahan na ngayon ng Federal Reserve ang pagpapanatili ng mataas na interest rate sa mas mahabang panahon. Sinabi ng Fed Chair na si Jerome Powell sa isang event sa Washington na ayon sa mga kasalukuyang tagapaghiwatig ng ekonomiya, mas tatagal kaysa sa inaasahan ang pagkontrol ng inflation.
- Tugon ng Market sa Tensyon sa Gitnang Silangan: Pagkatapos ng hindi inaasahang pag-atake ng Iran sa Israel at potensyal na pagganti nito, nakakagulat na hindi masyadong gumalaw ang market, kaya agad na nakabawi ang stocks at krudo mula sa pangunang pangamba.
- Epekto sa Presyo ng Langis: Halata sa oil market ang agarang epekto ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran, kung saan pansamantalang tumaas ng 4% ang WTI crude oil patungo sa $85 kada bariles noong Biyernes ng umaga. Bumagsak kinalaunan ang presyo, na nag-close ng linggo sa bandang $83 kada bariles, na nagmamarka ng 3.45% na lingguhang pagbaba. Nagpapahiwatig ito na maaaring nakaimpluwensya sa takbo ng market ang pansamantalang paghupa ng tensyon.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .