Sa linggong tumakbo mula Hulyo 15 hanggang Hulyo 21, 2024, nakaranas ng matinding impluwensya ang financial markets mula sa mga kritikal na tagapaghiwatig ng ekonomiya tulad ng Consumer Price Index (CPI), imbentaryo ng krudo, retail sales, at mga pahayag ng Chair ng Federal Reserve. Layunin nitong buod na ilahad ang mga mahahalagang pangyayari noong linggo at ang epekto nito sa financial markets.
Stock Market
Nakapagtala ang S&P 500 ng magkahalong performance sa loob ng linggo, kung saan nagtapos ito sa 5,509 points, na bumaba ng 1.95% mula sa nakaraang linggo. Nag-umpisa naman ang S&P 500 nang may pataas na puwang, kung saan naabot nito ang record high na 56714.14, para lamang bumagsak sa lingguhang close na 5509.06. Sumunod din ang Nasdaq Composite sa parehong trend, kung saan nagtapos ito sa may 19,529.58, na mas mababa ng 4%. Sa kabilang banda, tumaas ng 0.66% ang Dow Jones Industrial Average kumpara sa nakaraang linggo, kung saan nag-close ito sa 40,299.94.
Dahil sa insidente na resulta ng update na inilabas ng organisasyon sa cybersecurity na CrowdStrike, nagkaroon ng malawakang kaguluhan sa IT noong Biyernes, na lubhang nakaapekto sa mga negosyo sa buong mundo. Ang insidenteng ito, na sinundan ng magkakasunod na ulat ng teknikal na kahirapan, kabilang ang error na blue screen na naranasan ng maraming users ng Microsoft, ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagtugon sa mga isyu sa IT.
Krudo
Sa Estados Unidos, bumaba ng 4.9M bariles ang imbentaryo ng komersyal na krudo kumpara sa nakaraang linggo, habang bumaba ang presyo nito patungong $78.94 kada bariles, na nagpapakita ng 3.3% na pagbaba mula sa nakaraang linggo. Ang pababang trend na ‘to ay maiuugnay sa pag-aalala tungkol sa potensyal na pagbagal ng ekonomiya ng China, magkahalong tagapaghiwatig sa ekonomiya ng US, at pagbagal ng demand sa langis sa buong mundo.
USDCAD
Ayon sa nakaraang datos sa retail ng Canada, mas mababa ang sales kumpara sa inaasahan, na nagpapahiwatig na patuloy na hamon sa paggastos ng mga konsyumer. Bilang tugon dito, umigting ang espekulasyon na agad na may ipatutupad na interest rate cut. Bukod dito, dahil sa malakas na retail sales sa US, tumaas ang USDCAD, na nagtulak para tumaas ito ng 0.69% kumpara noong nakaraang linggo.
Gold, Silver
Dahil sa pag-abang at pag-aalala tungkol sa nalalapit na eleksyon sa US, nagkaroon ng pataas na pwersa sa presyo ng gold nitong nakaraang linggo, na pwede pang magresulta sa mas mataas na lebel.
Bagamat naabot ng gold ang panibagong high linggo-linggo sa $2,483.62, dahil sa pagkuha ng kita, humantong ito sa 0.4% WoW na pagbagsak. Gayundin, nakakita ng pagbaba ang presyo ng silver, kung saan bumaba ito patungo sa $29.195 kada troy ounce, na nagmamarka ng pagbaba ng 5.1%. Maiuugnay ito sa hindi magandang manufacturing sa China at mas mahinang demand sa silver mula Asya. Kapansin-pansin na nakapagtala ang gold ng intraweek na pagbaba ng 3.4%, habang ang pagbaba ng silver ay 7%.
EURUSD, GBPUSD
Nagtapos ang EURUSD sa 1.08813, na nagpapakita ng 0.22% na pagbaba mula sa nakaraang linggo. Maiuugnay ito sa malakas na US retail sales at nakakadismayang PPI ng Germany. Bukod dito, nakaranas ang GBPUSD ng 0.6% na pagbagsak kumpara noong nakaraang linggo, na resulta ng mahinang retail sales sa UK.
USDJPY
Lubhang nakaapekto sa sentimyento ng market ang pahayag mula sa mga opisyal sa Japan tungkol sa potensyal na panghihimasok, na nagresulta sa mas matinding pagtaas-baba at pangangailangan na magkaroon ng malinaw na direksyon. Hindi nagbago ang gopher sa loob ng linggo pero bumaba ito sa ikatlong sunod na linggo sa may 157.441, na mas mababa ng 0.27%.