Noong nakaraang linggo, may mahahalagang kaganapan sa ekonomiya at mga inilabas na datos na may matinding epekto sa financial markets. Kabilang sa mga tinutukan ang US Core Durable Goods Orders, mga pahayag ng Federal Reserve Chair na si Jerome Powell, datos sa US GDP growth, Bentahan ng mga Bagong Bahay, Ifo Business Climate Index ng Germany, at desisyon sa interest rate ng Bank of Canada. Bukod dito, kritikal ang paggalaw sa imbentaryo ng gold at krudo, tugon ng stock market sa nakakadismayang ulat sa kita ng mga kumpanya, at mas malawak na sentimyento ng market pagdating sa paghubog ng takbo ng market.
Malalaking Kaganapan at Tagapaghiwatig ng Ekonomiya
Desisyon sa Interest Rate ng BoC
Magkahalo ang naging epekto nito sa US dollar kumpara sa Canadian dollar, na nanatiling nagbago-bago sa loob ng linggo at nag-close nang 0.8% na mas mataas kumpara sa nakaraang linggo.
Sa ikalawang sunod na pulong, binawasan ng Bank of Canada ang overnight rate nito ng 25 basis points patungong 4.5%, na tugma sa inaasahan ng mga ekonomista at mga nasa market.
Isinaad ng Bank of Canada Governor na si Tiff Macklem na kasalukuyang nakatutok ang bangko sa pag-iwas sa masyadong pagbaba ng presyo at isinasaalang-alang nito ang mga potensyal na risk tulad ng mabagal na paglago, paggastos ng mga konsyumer, at unemployment rate, na kasalukuyang 6.4% – o mas mataas sa lebel bago mag-pandemya.
Iginiit ni Macklem na “makatwirang” asahan ang higit pang rate cuts pero nilinaw niya na magdedesisyon ang bangko sa bawat partikular na kaso.
Bentahan ng mga Bagong Bahay sa USA
Bumagsak ang Bentahan ng mga Bagong Bahay sa US sa naka-annualize na rate na 617,000, na mas mababa ng 0.6% noong Hunyo 2024 kumpara sa nakaraang buwan. Dahil sa mas mataas na mortgage rates na halos 7%, mas nag-aalangan ang mga gustong bumili. Karaniwang nasa $487,200 ang presyo ng bentahan, at ang median na presyo ng mga bagong bahay ay $417,300 nitong Hunyo 2024.
Germany Ifo Business Climate Index
Ayon sa Ifo Institute, lubhang bumaba ang sentimyento ng mga negosyo sa Germany. Bumaba patungong 87.0 points nitong Hulyo ang Ifo Business Climate Index, na mas mahina kumpara sa 88.6 noong Hunyo. Hindi natutuwa ang mga kumpanya sa kasalukuyang takbo ng negosyo lalo na sa sektor ng manufacturing at mga serbisyo. Nakaranas din ng lumalalang estado ang retail na sektor, at bumaba rin ang index sa industriya ng konstruksyon. Para sa mga nalalapit na buwan, kapansin-pansin ang tumataas na pangamba, at halos hindi nagbago ang mga opinyon, na sumasalamin sa hindi magandang pagtingin.
USA GDP QoQ
Sa pinakabagong ulat sa GDP, makikita na lumago ang ekonomiya ng 2.8% sa ikalawang quarter ng 2024, na lagpas sa inaasahang pagtaas na 2.0%. Pangunahing nakatulong sa paglago ang paggastos ng mga konsyumer at investment sa negosyo, bagamat bumabagal ang bilis nito. Kahit na panandalian nitong napataas ang US dollar, nagdulot din ito ng pag-aalala tungkol sa kakayahang tuloy-tuloy na lumago ang ekonomiya.
Core PCE Price Index MoM
Sa ulat ng Durable Goods Orders, lubha itong bumagsak ng 6.6%, na sumesenyas sa humihinang demand sa mga produktong may matagal na buhay. Binibigyang-diin nitong negatibong datos ang kaakibat na kahinaan sa sektor ng manufacturing, at lumalawak na pagkadismaya sa sentimyento ng market. Ayon sa US Census Bureau, resulta ‘to ng mga kagamitan sa transportasyon na bumaba ng 20.5%. Kung hindi isasama ang transportasyon, tumaas ng 0.5% ang Core Durable Goods Orders.
Core PCE Price Index MoM
Ito ang napiling panukat sa inflation ng Federal Reserve, na nagpapakita ng kaunting pagtaas na 0.2% nitong Hunyo, at tugma sa inaasahan ng mga ekonomista. Ayon sa Bureau of Economic Analysis, tumaas ito ng 2.6% kumpara noong nakaraang taon, kaya umigting ang usap-usapan na magpapatupad ng rate cut ang Fed sa susunod na pulong nito sa Setyembre.
Imbentaryo ng Gold at Krudo
Bumagsak ang presyo ng krudo dahil sa pandaigdigang pagbagal ng ekonomiya at matatag na US dollar. Bagamat bumagsak ang imbentaryo ng krudo kumpara sa inaasahan, pansamantala lamang ang suportang naibigay nito sa presyo ng langis.
Ayon sa Energy Information Administration, bumaba ng 3.7M bariles ang imbentaryo ng US sa komersyal na krudo (maliban sa Strategic Petroleum Reserve) kumpara sa nakaraang linggo, kaya ito na ang ikatlong sunod-sunod na pagbagsak. Kasalukuyang nasa 436.5M bariles ang imbentaryo ng krudo sa US, na humigit-kumulang 5% na mas mababa kumpara sa limang-taong average nito sa panahong ito.
Nagawang makabawi ng gold noong Biyernes, kung saan nagtapos ito sa linggo na bahagyang bumaba ng 1.17%.
Stock Market
- Bumagsak ng 0.85% ang S&P 500
- Bumaba ng 1% ang DJIA
- Umurong ng mahigit 2.5% ang NASDAQ 100
Nakaranas ang Tesla ng isa na namang mahirap na quarter dahil sa patuloy na pwersa ng margin na dulot ng matinding labanan sa electric vehicle market.
Bumagsak ng mahigit 11% ang shares ng Tesla pagkatapos nitong mabigong abutin ang inaasahang kita.
Bumaba naman ng 18.5% noong nakaraang linggo ang shares ng Ford Motor Co., na nagmamarka sa pinakamalaki nitong pagbagsak dahil sa matinding paghina ng kita.
Bumagsak ng mahigit 8% ang stock ng Alphabet kahit na nalagpasan nito ang inaasahang kita ng mga analyst, at nagpakita ito ng matatag na paglago at iba’t-ibang positibong aspeto sa pananalapi. Marami ang nagsasabi na resulta ito ng napakalaking capital expenditure, na nagtulak sa pag-aalala ng mga investor.
May haka-haka ang mga investor na sisimulan ng Fed ang interest rate cuts nito sa Setyembre, na magreresulta sa pag-ikot ng market mula large patungong small caps, kung saan potensyal na makikinabang ang small-cap shares.
Pangkalahatan
Nagtapos ang linggo na magkahalo ang datos sa ekonomiya at naging tugon ng market. Bagamat maganda ang pagtingin dahil sa GDP growth ng US, patuloy na nagbibigay ng hamon ang iba pang tagapaghiwatig sa ekonomiya tulad ng Bentahan ng mga Bagong Bahay at Ifo Business Climate Index. Dahil sa maingat na tono ng Federal Reserve at ipinatupad na rate cut ng Bank of Canada, nabigyang-diin ang sensitibong pagbabalanse na kinakaharap ng mga bangko sentral para mapamahalaan ang paglago ng ekonomiya at inflation. Nakatutok ang investors sa nalalapit na datos sa ekonomiya at kilos ng bangko sentral, na patuloy na huhubog sa magiging takbo ng market sa mga susunod na linggo.