Nitong nakaraang linggo, may mga mahahalagang tagapaghiwatig ng ekonomiya at pangyayari na nagbigay-diin sa mga datos na humubog sa lagay ng ekonomiya sa US, Australia, China, Japan, at Canada. Kabilang sa ulat ang tumataas na kumpiyansa ng mga konsyumer sa US, matatag na pagdami ng mga trabaho, katamtamang paglago ng CPI sa Australia, at kaunting pagbabago sa US nonfarm employment, na nakapagtala lamang ng 12,000 na bagong trabaho. Bukod dito, makikita sa ulat ng mga kumpanya ang pagpapatakbo ng mga higanteng tulad ng Alphabet, Pfizer, at Amazon sa gitna ng pabago-bagong market. Nabubunyag sa mga trend na ito ang kondisyon sa ekonomiya at mga nagpapagalaw sa market na nakakaapekto sa mga investor at ekonomiya sa buong mundo.
Martes, Oktubre 29
16:00 – USA: CB Consumer Confidence (USD)
Nakabawi nitong Oktubre ang kumpiyansa ng mga konsyumer sa US, kung saan tumaas ang index patungong 108.7 mula 99.2 noong Setyembre. Iniulat ng mga konsyumer ang mas magandang pagtingin sa kasalukuyang kondisyon ng negosyo at trabaho, at mas maganda ang pananaw nila kaugnay sa takbo ng stocks sa hinaharap sa gitna ng patuloy na pag-aalala sa inflation.
Bahagyang bumaba ng 0.02% ang US Dollar Index kumpara sa session noong nakaraang araw.
16:00 – USA: JOLTS Job Openings (USD)
Iniulat ng US Bureau of Labor Statistics na hindi nagbago sa 7.4 milyon ang bilang ng mga bakanteng trabaho noong Setyembre 2024, na may kaunting pagbabago sa mga nakakuha ng bagong trabaho (5.6 milyon) at mga umalis (5.2 milyon). Nanatili sa 1.9% ang mga umalis ng trabaho, na nagpapahiwatig ng matatag na pagpipilian ng mga empleyado, habang bahagya namang tumaas ang mga nasisante sa loob ng nakaraang taon. Naitala ang pinakamalaking pagbaba ng trabaho sa kalusugan, tulong sa lipunan, at gobyerno, habang dumami naman ang sa sektor ng pananalapi.
Tumaas ng 0.05% ang EURUSD kumpara noong nakaraang close.
Miyerkules, Oktubre 30
02:30 AM – Australia: CPI QoQ (AUD)
Tumaas ng 0.2% ang Consumer Price Index (CPI) ng Australia sa quarter na nagtapos noong Setyembre 2024, na may 2.8% na pagtaas sa loob ng nakaraang taon. May matinding pagtaas ng presyo sa libangan, kultura, at pagkain, habang nakatulong naman sa pagpapapbaba ng kuryente ang rebates ng pamahalaan.
Tumaas ng 0.16% ang palitan ng AUDUSD.
14:15 – USA: ADP Nonfarm Employment Change (USD)
Nitong Oktubre 2024, tumaas ng 233,000 ang mga trabaho sa pribadong sektor sa US, kung saan tumaas ng 4.6% ang taunang sahod. Makikita ang matatag na labor market dahil sa pagdami ng mga trabaho sa kabila ng mga bagyo, kahit na nakaranas ng kaunting paghina ang mga trabaho sa manufacturing.
Tumaas ng 0.34% ang EURUSD kumpara sa close noong nakaraang araw.
03:30 AM – China: Manufacturing PMI (CNY)
Noong Oktubre, lumago ang manufacturing ng China sa unang pagkakataon sa loob ng anim na buwan, na resulta ng nakaraang stimulus na natulak sa katamtamang paglago. Tumaas sa 50.1 ang PMI, na sumesenyas ng bahagyang paglago, at gumada rin ang sektor ng mga konstruksyon at serbisyo. Para sa mga ekonomista isa itong magandang simula ngayong Q4, kung saan nababawi ng malakas na domestic na demand ang mas mahinang pag-export.
Bumagsak ng 0.05% ang USDCNH.
04:30 AM (pansamantala) – Japan: BOJ Policy Rate (JPY)
Nitong Oktubre, pinanatili ng Bank of Japan ang panandalian nitong interest rate sa 0.25%, ang pinakamataas na antas mula noong 2008 at tugma sa inaasahan. Isinaad ni Governor Ueda ang hindi kasiguraduhan sa pandsaigdigang ekonomiya, habang iginiit ng bangko ang kahandaan na magpatupad ng rate hikes sa hinaharap kung aangkop ito sa datos.
Bumagsak ng 0.9% ang USDJPY kumpara sa nakaraang araw.
14:30 – Canada: GDP MoM (CAD)
Hindi nagbago noong Agosto ang GDP ng Canada, kasunod ng bahagyang 0.1% na pagtaas noong Hulyo. Tumaas ng 0.1% ang mga serbisyo, na pinangunahan ng pananalapi, insurance, at pampublikong administrasyon, habang bumagsak ng 0.4% ang mga industriya na gumagawa ng mga produkto, na nagmamarka sa pinakamababang lebel mula Disyembre 2021, na pangunahing resulta ng pagbagsak sa manufacturing at utilities. Sa pangkalahatan, 12 sa 20 sektor ang lumago noong Agosto.
Tumaas ng 0.2% ang palitan ng USDCAD.
14:30 – USA: Core PCE Price Index MoM (USD)
Noong Setyembre, tumaas ng 0.3% ($71.6B) ang personal na kita sa US, habang tumaas naman ng 0.5% ($105.8B) ang gastusin ng mga konsyumer. Nanatili sa 4.6% ang personal na ipon patungo sa kabuuang $1.00T.
Nakaranas ang EURUSD ng arawang pagtaas na 0.26%.
14:30 – USD: Unemployment Claims (USD)
Sa linggong nagtapos noong Oktubre 26, bumagsak ng 12,000 patungong 216,000 ang pangunang jobless claims, habang bumagsak patungong 236,500 ang apat na linggong moving average. Nanatili sa 1.2% ang insured unemployment rate, kung saan 1.86 milyon ang nakakuha ng unemployment insurance, na bahagyang mas mababa mula noong nakaraang linggo.
Bumaba ng 0.2% ang US Dollar Index kumpara noong nakaraang araw.
Biyernes, Nobyembre 1
14:30 – USA: Nonfarm Employment Change (USD)
Noong Oktubre 2024, halos hindi nagbago ang US nonfarm payroll employment, kung saan dumami lamang ng 12,000 ang mga trabaho at nanatili sa 4.1% ang unemployment rate. Nakaranas ng bahagyang paglago ang kalusugan at sektor ng gobyerno, habang bumaba naman dahil sa pagwewelga ang pansamantalang serbisyo at manufacturing, lalo na sa kagamitang transportasyon.
Bumaba ng 0.5% ang EURUSD kumpara sa close noong nakaraang araw.
16:00 – USA: ISM Manufacturing PMI (USD)
Nitong Oktubre 2024, patuloy na bumagsak ang manufacturing sa US, kung saan bumagsak sa 46.5% ang Manufacturing PMI, o ang ika-pitong sunod na buwan ng pag-urong.
Tumaas ng 0.6% ang USDJPY kumpara sa nakaraang session.
Nakaranas ang krudo ng 3.4% na pagbaba sa loob ng nakaraang linggo.
- Brent Oil
Bumagsak ng 3.7% ang Brent kumpara noong nakaraang linggo.
- Gold
Nagtapos ang linggo kung saan bumaba ng 0.4% ang precious metal na Gold (XAUUSD).
Humina ng 3.8% ang XAGUSD kumpara noong nakaraang linggo.
Nakapagtala ang Ford Motor Company (F) ngayong Q3 ng EPS na $0.49, na tugma sa tantya, at revenue na $43.07B, na lagpas ng 4.52% kumpara sa inaasahan.
Bumagsak ng 7.9% ang shares ng Ford noong nakaraang linggo.
Nakapagtala ang Alphabet (GOOGL) ng $2.12 na EPS ngayong Q3, na lagpas sa inaasahan, kung saan tumaas ng 15% ang revenue patungong $88.27B, na resulta ng malakas na paglago sa cloud division at YouTube ad sales. Nakatulong sa takbo ng kumpanya ang pamumuhunan sa AI, lalo na sa search, cloud, at YouTube, kaya tumaas ang kumpiyansa ng mga investor sa kabila ng tumataas na paggastos ng kapital sa mga proyektong may kinalaman sa AI.
Tumaas ng 3.6% ang shares ng Alphabet kumpara noong nakaraang linggo.
Iniulat ng BP ang 30% na pagbagsak sa kita nito ngayong Q3 patungong $2.3B, ang pinakamababa nitong antas sa halos apat na taon, na resulta ng mas mahinang margins sa refining at pangangalakal ng langis.
Bumagsak ng 7.3% ang shares ng BP.
Nalagpasan ng Electronic Arts (EA) ang inaasahan ng mga analyst sa fiscal Q2, kung saan nakapagtala ito ng EPS na $2.15 at net bookings ng $2.08B, na resulta ng mas malakas na takbo ng games nito sa football at soccer.
Tumaas ng 4.2% ang shares ng Electronic Arts (EA) sa lobo ng nakaraang linggo.
Nakapagtala ng ang McDonald’s (MCD) ng Q3 revenue na $6.87B, na mas mataas ng 2.7% YoY, at EPS na $3.23, na bahagyang mas mataas kumpara sa inaasahan.
Umakyat ng 0.9% ang MCD sa loob ng nakaraang linggo.
Nakapagtala ang Pfizer (PFE) ng Q3 2024 EPS na $1.06, na lubhang mas malaki kumpara sa inaasahang 64 sentimo, habang tumaas rin ng 31% YoY patungong $17.7B ang revenue nito, na lagpas din kumpara sa inaasahan.
Bumagsak ng 1.4% ang shares ng
PFE sa loob ng nakaraang linggo.
Nalagpasan ng Snap ang inaasahang resulta nitong Q3, kung saan tumaas ng 15% ang revenue patungong $1.37B at bumaba ang net loss niton patungong $158M. Sumipa ng 9% patungong 443 milyong ang araw-araw na aktibong users, kaya tumaas ang engagement at ad revenue, na nakatulong para tumaas ang shares ng Snap sa after-hours trading.
Sumipa ng 20.3% ang shares ng SNAP sa loob ng nakaraang linggo.
Iniulat ng Visa (V) ang fiscal Q4 EPS na $2.71, na lagpas sa inaasahang $2.58, kung saan umabot ng $9.62B ang revenue, na lagpas din sa inaasahan. Nasa $5.32B ang net income para sa naturang quarter.
Tumaas ng 3.2% ang shares ng Visa.
Nakapagtala ang Caterpillar (CAT) ng Q3 net income na $2.46B, o adjusted EPS na $5.17, kaya hindi nito naabot ang inaasahang $5.33 kada share. Umabot ang revenue sa $16.11B, na mas mababa rin kumpara sa inaasahang $16.35B.
Bumaba ng 1.7% ang shares ng CAT noong nakaraang linggo, na nagtatala sa ikatlong sunod na pagbagsak nitong stock.
Nalagpasan ng Meta ang inaasahang kita ngayong quarter, kung saan nakapagtala ito ng revenue na $40.59B at EPS na $6.06. Samantala, tumaas ng 11% ang revenue, habang hindi naabot ang inaasahang paglago ng users, kung saan naitala ito sa 3.29 bilyon kumpara sa inaasahang 3.31 bilyon.
Bumaba ng 1.17% ang META.
Nakapagtala ang Microsoft (MSFT) ng record na kita nitong ikatlong quarter, sa EPS na $3.30 at net income na $24.7B, na parehong lagpas sa inaasahan.
Sa loob ng nakaraang linggo, nakaranas ng 4.2% na pagbaba ang share ng Microsoft Corporation.
Nitong Q3, tumaas ng 22% ang PayPal (PYPL) patungong EPS na $1.20, na lagpas sa inaasahan, habang umakyat rin ng 6% patungong $7.8B ang revenue, na bahagyang mas mahina kumpara sa mga forecast.
Bumagsak ng 5.53% ang PYPL.
Hindi naabot ng Starbucks (SBUX) ang inaasahang kita at revenue nito ngayong Q4, kung saan nakapagtala ito ng EPS na $0.80 at revenue na $9.07B.
Tumaas ng 1.7% ang shares ng SBUX kumpara noong nakaraang linggo.
Iniulat ng Apple (AAPL) ang record na revenue ng $94.9B nitong Q4 2024, na kumakatawan sa 6% na pagtaas YoY, na resulta ng malakas na benta ng iPhone at all-tiem high na revenue sa mga serbisyo. Naglunsad ang kumpanya ng mga bagong produkto tulad ng iPhone 16, Apple Watch Series 10, at Apple Intelligence features, at nag-anunsyo ito ng cash dividend na $0.25 kada share.
Bumagska ng 3.7% ang shares ng AAPL noong nakaraang linggo.
Makikita sa resulta ng Amazon nitong Q3 2024 ang 11% na pagtaas ng net sales patungong $158.9B at record operating income na $17.4B. Lumago ng 19% ang AWS, habang tumaas rin ng 9% at 12% ang benta sa Hilagang Amerika at iba pang bansa, ayon sa pagkakabanggit.
Tumaas ng 5.3% ang shares ng AMZN.
Naungusan ng Intel ang inaasahang revenue ngayong Q3 patungong $13.28B, bagamat nakaapekto sa kita ang loss per share at impairment charges.
Tumaas ng 2.0% ang shares ng INTC.
Nalagpasan ng Merck ang tantya ngayong Q3 sa revenue na $16.66B at adjusted earnings na $1.57, na resulta ng malakas na benta ng Keytruda at animal health.
Nagpatuloy ang pagbaba ng shares ng MRK na humina ng 2.0% noong nakaraang linggo.
Sa mga tagapaghiwatig ng ekonomiya at kita ng mga kumpanya noong nakaraang linggo, makikita ang matatag pero maingat na market sa buong mundo. Dahil sa malaking pagbaliktad sa kumpiyansa ng mga konsyumer, datos sa trabaho, at takbo ng mga sektor, namamataan ang maingat na paglago ng mga pangunahing ekonomiya, habang dahil sa magkahalong resulta ng mga higante sa industriya, nabubunyag ang mga hamon sa pwersa ng inflation at nagbabago-bagong demand. Habang pinapakiramdaman ng mga market ang pagbabagong ito, nananatiling nakatutok ang mga investor at mambabatas sa nagbabago-bagong lagay ng ekonomiya.