3 June 2024 | FXGT.com
Lingguhang Recap sa Market – Nakaranas ng Buwanang Pagtaas ang Malalaking mga Index
- Sumipa ang mga Index nitong Buwan sa Kabila ng Lingguhang Pagbaba: Marami sa mga pangunahing index ang nagtapos nang mas mababa pero tumaas sa pangkalahatan nitong Mayo. Sa loob ng nakaraang lingo, bumaba ng 0.35% ang S&P 500, ang Nasdaq 100 ng 1.4%, at ang Dow ng 0.8%. Bagamat naabot ang inaasahang inflation sa US, negatibong nakaapekto sa takbo ng stock market ang nakakadismayang kita ng mga korporasyon.
- Hindi Nagbago ang US Dollar Index: Hindi gumalaw ang US Dollar Index, kung saan nakaranas ito ng pagtaas sa kalagitnaan ng linggo pero binawi ng correction pagkatapos ng panibagong tantya sa Q1 GDP growth na nagpapakita ng 1.3% paglago, na mas mababa mula sa pangunang tantya na 1.6%, kaya nagpapahiwatig ito ng pwersa mula sa mataas na interest rates. Ayon sa ulat tungkol sa Personal Income and Spending ngayong Abril, lumalabas na nag-iingat ang mga konsyumer, habang bumabagal naman ang pagtaas ng mga bilihin ayon sa datos sa inflation. Top of Form
- Tumaas ang Inflation sa Eurozone: Tumaas ang inflation sa Euro area patungong 2.6% ngayong Mayo mula sa dating 2.4%, habang tumaas naman ang core inflation patungong 2.9% dahil sa malakas na inflation sa mga serbisyo. Bumagsak sa record low na 6.4% ang unemployment sa Euro area, na sumusuporta sa pagkonsumo pero nakakadagdag sa pwersa ng inflation. Bagamat inaasahan ang rate cut ngayong linggo, maaaring maghintay pa ang ECB ng karagdagang datos bago magpahiwatig ng dagdag pang rate cuts.
- Bumaba ang WTI: Tumaas nitong Martes ang presyo ng krudo sa gitna ng ulat na plano ng OPEC+ na palawigin ang pagbabawas nito ng output. Gayunpaman, nabawi rin ang naturang pagtaas noong Huwebes dahil binago pababa ang tantyang paglago ng US, na siyang nakadagdag sa pag-aalala tungkol sa demand. Bumaba ang WTI patungong $77.00 kada bariles, na nagmamarka ng ikalawang sunod na buwanang pagbaba.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .