Sa linggong tumakbo mula Setyembre 23–27, magkahalo ang mga naging tagapaghiwatig sa ekonomiya ng buong mundo: nakapagtala ang Eurozone at Japan ng paghina sa manufacturing, habang itinulak ng sektor ng serbisyo ang paglago sa US sa kabila ng mahinang manufacturing. Gumawa ng desisyon sa pamamalakad ang mga bangko sentral sa Australia at Switzerland, kung saan binawasan ng Swiss National Bank ang rate nito ng 1.0%. Nakapagtala ang US ng taunang 3.0% GDP growth at katamtamang pagtaas sa personal na kita at gastusin. Nakaranas din ng lingguhang pagtaas ang mga commodity tulad ng krudo, gold, at silver. Sumipa rin ang malalaking stock index.
Mga Sinusubaybayang Pangyayari at Tagapaghiwatig ng Ekonomiya
Lunes, Setyembre 23
11:00 AM – Eurozone: Flash PMI (EUR)
Ngayong Setyembre, humina ang mga negosyo sa eurozone sa unang pagkakataon sa loob ng pitong buwan, na resulta ng matinding pagbagsak sa bagong orders at lumalalim na paghina ng manufacturing. Ito na ang pinakamabilis na pagbaba sa output ng manufacturing ngayong 2024, habang kakapiranggot din ang paglago sa mga negosyo. Bumagsak sa 10 buwang low ang kumpiyansa, na humantong sa higit pang pagbabawas ng mga trabaho. Bumagal ang inflation sa bayad sa input at presyo ng output, kaya umuusad tungo sa pagwawalang-kilos ang buong eurozone. Nakapagtala ang France at Germany ng paghina sa aktibidad, habang nakaranas naman ng katamtamang paglago ang iba pang bahagi ng eurozon.
Humina ng 0.45% ang palitan ng EURUSD kumpara sa nakaraang araw.
11:30 AM – UK: Flash PMI (GBP)
Makikita sa datos ng PMI ngayong Setyembre ang matatag na paglago ng ekonomiya at humihinang inflation, na sumesenyas ng posibleng maayos na pamamalakad para sa UK. Bahagyang bumagal ang parehong manufacturing at mga serbisyo, pero tugma ito sa 0.3% na paglago kada quarter. Tumataas ang pagtingin ng mga negosyo sa kabila ng pag-aalala tungkol sa Autumn Statement. Bumaba ang inflation ng mga serbisyo sa pinakamahina nito mula Pebrero 2021, kaya lumalapit na ang target na inflation, habang bumagal ang pagdami ng mga trabaho sa kabila ng di kasiguraduhan sa ekonomiya, lalo na sa manufacturing.
Tumaas ng 0.22% ang GBPUSD currency pair kumpara sa nakaraang araw.
16:45 – USA: Flash PMI (USD)
Nagpakita ang flash PMI sa US ngayong Setyembre ng matatag na paglago ng ekonomiya dahil sa sektor ng mga serbisyo, kung saan makikita sa 54.4 ang Composite Output Index. Kaya lang, humihina ang pagtingin, at tumataas ang presyo sa pinakamabilis na antas sa loob ng anim na buwan. Nananatiling mahina ang manufacturing, kung saan bumagsak ang output sa ikalawang sunod na buwan, habang tumaas sa 12-buwang high ang bayad sa input sa sektor ng mga serbisyo. Humina ang mga trabaho sa ikalawang sunod na buwan, na sumasalamin sa hindi kasiguraduhan bago ang halalan sa pagkapangulo. Sa kabila ng malakas na paglago, nagpapahiwatig ang inflation na kailangang mag-ingat ng Fed sa pagpapatupad ng higit pang rate cuts.
Bahagyang tumaas ng 0.17% ang US Dollar Index.
Martes, Setyembre 24
03:30 AM – Japan: Flash Manufacturing PMI (JPY)
Humina ang aktibidad sa mga pabrika ng Japan ngayong Setyembre, kung saan bumagsak sa 49.6 ang manufacturing PMI, na sumesenyas sa ikatlong sunod na buwan ng paghina. Nakatulong dito ang mas mahinang produksyon at bagong orders, habang bumagal naman ang inflation. Gayunpaman, lumago ang sektor ng mga serbisyo, kung saan tumaas ang services PMI sa 53.9, na nagtulak sa pangkalahatang momentum ng negosyo. Nananatiling maingat ang kumpiyansa ng mga manufacturer dahil sa mahinang demand sa China, at nasa 52.5 ang composite PMI, na sumesenyas ng paglago na pinangunahan ng mga serbisyo.
Bumagsak ng 0.27% ang palitan ng USDJPY kumpara noong nakaraang araw.
Miyerkules, Setyembre 25
07:30 AM – Australia: Cash Rate (AUD)
Hindi binago ng Board ng Reserve Bank of Australia ang cash rate target nito sa 4.35%. Bagamat bumagal ang inflation mula sa peak noong 2022, nananatili ito sa itaas ng target, kung saan inaasahan na hindi ito makakabalik hanggang 2026. Nananatiling mahina ang paglago ng ekonomiya dahil sa mas mababang pagkonsumo at patuloy na lakas ng labor market. Nakatutok ang Board sa panunumbalik ng inflation sa 2–3% at nananatili itong maingat kaugnay sa mga di kasiguraduhan sa ekonomiya, sa parehong lokal at pandaigdigang lebel. Mananatiling maghigpit ang pamamalakad hanggang umusod nang pangmatagalan ang inflation tungo sa target nito.
Bumaba ng 1% ang presyo ng palitan ng AUDUSD.
Huwebes, Setyembre 26
10:30 AM – Switzerland: SNB Policy Rate (CHF)
Noong Setyembre 26, 2024, binawasan ng Swiss National Bank (SNB) ang policy rate nito ng 0.25 percentage points patungong 1.0%, simula Setyembre 27. Sumasalamin ang desisyong ito sa matinding pagbaba ng pwersa ng inflation, na bahagyang dahil sa pagtaas ng Swiss franc. Nasa 1.1% ang inflation noong Agosto, na mas mababa kumpara sa 1.4% noong Mayo. Tinataya ng SNB na magiging 1.2% ang inflation ngayong 2024 at inaasahan nito ang katamtamang GDP growth na humigit-kumulang 1%.
Bumagsak ng 0.5% ang USDCHF currency pair kumpara sa nakaraang araw.
15:30 – USA: Panghuling GDP QoQ (USD)
Sa ikalawang quarter ng 2024, ayon sa US Bureau of Economic Analysis, tumaas ng 3.0% taon-taon ang GDP. Ang “pangatlong” tantya ay tugma sa nakaraang inaasahan, na sumasalamin sa pataas na pagbabago pagdating sa pamumuhunan sa pribadong imbentaryo at pederal na gastusin, na binawi mas mababang pamumuhunan na hindi residensyal at pag-export. Binago din pataas ang pag-angkat, na binabawas mula sa GDP.
Nakaranas ng 0.4% na pagtaas ang EURUSD kumpara sa nakaraang araw.
15:30 – USA: Unemployment Claims (USD)
Sa linggong nagtapos noong Setyembre 21, bumaba ng 4,000 patungong 224,750 ang pangunang unemployment claims na binago ayon sa panahon. Bumagsak din ng 3,500 patungong 224,750 ang 4 na linggong moving average nito. Hindi nagbago sa 1.2% ang insured unemployment rate, habang tumaas naman ng 13,000 patungong 1,834,000 ang bilang ng insured na walang trabaho.
Bumaba ng 0.35% ang US Dollar Index kumpara sa nakaraang araw.
Biyernes, Setyembre 27
15:30 – Canada: GDP MoM (CAD)
Noong Hulyo, tumaas ng 0.2% ang real GDP pagkatapos makabawi sa hindi pag-usad noong Hunyo. Sa kabila ng kaguluhan na dulot ng wildfires na nakaapekto sa transportasyon, warehousing, at serbisyo sa accommodation, tumaas ng 0.2% ang mga industriya na nasa sektor ng serbisyo, na itinulak ng paglago ng retail, pampublikong sektor, at pananalapi. Nakaranas ng katamtamang 0.1% na pagtaas ang mga industriyang gumagawa ng mga produkto, na may kapansin-pansing kontribusyon mula sa utilities at manufacturing. Sa pangkalahatan, 13 sa 20 sektor ang nakaranas ng paglago sa loob nitong buwan.
Nakaranas ng katamtamang pagtaas na 0.38% ang USDCAD pair.
15:30 – USA: Core PCE Price Index MoM (USD)
Noong Agosto, tumaas $50.5B(0.2%) ang personal na kita, habang tumaas din ng $34.2B (0.2%) ang personal na gastusin. Tumaas naman ang personal na pagkonsumo ng $47.2B (0.2%). Tumaas ng 0.1% ang PCE price index, kung saan tumaas rin ng 0.1% ang core PCE (hindi kasama ang pagkain at enerhiya. Parehong tumaas ng 0.1% ang real DPI at real PCE.
Walang nakitang malaking pagbabago sa palitan ng EURUSD.
Mga Commodity
- Krudo
Nakapagtala ng 3.9% na lingguhang pagtaas ang krudo.
- Brent Oil
Tumaas ang Brent ng 2.8% kumpara noong nakaraang linggo
- Gold
Nagtapos ang linggo noong Biyernes na nakapagtala ang precious metal na Gold (XAUUSD) ng 1.38% na lingguhang pagtaas.
- Silver
Tumaas ng 1.53% ang XAGUSD kumpara noong nakaraang linggo.
Stock Market
- Tumaas ang S&P 500 ng 0.54%
- Sumipa ng 0.52% ang DJIA
- Umakyat ng 1.00% ang NASDAQ 100
Pinakatumaas
- Uxin Limited (UXIN) 228.08%
- Alpha Technology Group Limited (ATGL) 195.36%
- Markforged Holding Corporation (MKFG) 149.22%
Pinakanalugi
- ICG Intchains Group Limited (ICG) -43.99%
- enVVeno Medical Corporation (NVNO) -28.00%
- Theriva Biologics, Inc. (TOVX) -27.46%
Kita ng mga Kumpanya (Setyembre 23–27)
Huwebes, Setyembre 26: COST (Costco Wholesale Corp)
Nalagpasan ng Costco ang inaasahang kita nito sa $5.29 na EPS pero hindi nito naabot ang tantyang revenue, na naitala sa $79.7B kumpara sa inaasahang $79.9B. Tumaas ng 5.4% ang benta sa parehong tindahan, na bahagyang mas mababa sa forecast na 5.7%. Sa kabila ng 0.7% na pagbaba sa after-hours trading, nananatiling maganda ang pagtingin ng mga investor sa paglago ng Costco dahil sa pagpapalawak ng sektor na hindi pagkain, pagpapaganda ng e-commerce, at kamakailang pagtataas ng presyo ng membership fee. Tumaas ng 37% ngayong taon ang presyo ng stock, pero may pag-aalala pa rin tungkol sa mataas nitong valuation.
Nakapagtala ng lingguhang pagbaba na 2.46% ang Cost.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, magkahalo ang lagay ng ekonomiya ngayong linggo. Humarap sa paghina ang sektor ng manufacturing sa Eurozone at Japan, habang patuloy na lumago ang US dahil sa mga serbisyo. Nagpakita ng magkaibang pamamalakad ang mga bangko sentral, kung saan nagbawas ng rates ang Switzerland at hindi naman nagbago ang sa Australia. Nakapagtala ng pagtaas ang mga commodity tulad ng krudo at precious metals, at tumaas rin ang mga stock index, na nagpapahiwatig ng maingat pero magandang pagtingin sa mga market sa kabila ng kaakibat na hindi kasiguraduhan.