Sa linggong tumakbo mula Setyembre 16–20, kabilang sa mahahalagang update sa ekonomiya ay ang kilos ng bangko sentral at paggalaw ng market. Binawasan ng Federal Reserve ang interest rate nito ng 0.5%, habang pinanatili naman ito ng Bank of Japan sa 0.25%, at ang Bank of England sa 5%. Bumagsak sa 2.0% YoY ang CPI ng Canada, at umurong ng 0.2% nitong Q2 2024 ang GDP ng New Zealand. Nakapagdagdag ang Australia ng 47,500 na trabaho nitong Agosto.
Pagdating sa mga market, tumaas ang S&P 500 ng 1.4%, habang umakyat din ng 1.68% ang presyo ng gold. Nakaranas ng lingguhang pagbaba na 0.37% ang US Dollar Index, na sumasalamin sa mas malawak na pagbaliktad ng bangko sentral at pag-aalala sa geopolitics.
Malalaking Pangyayari at Tagapaghiwatig ng Ekonomiya na Sinusuri
Martes, Setyembre 17
15:30 – Canada: CPI MoM (CAD)
Tumaas ng 2.0% YoY nitong Agosto ang Consumer Price Index (CPI), na nagmamarka sa pinakamabagal na pagtaas ng inflation mula Pebrero 2021, na mas mababa mula 2.5% noong Hulyo. Bahagya itong dulot ng mas mababang presyo ng gasolina. Maliban sa gasolina, tumaas ng 2.2% nitong Agosto ang CPI. Buwan-buwan, bumagsak ng 0.2% ang CPI dahil sa mas mababang presyo ng biyahe sa eroplano, gasolina, at damit, pero tumaas ito ng 0.1% kapag in-adjust ayon sa panahon.
Tumaas ng 0.08% ang USDCAD kumpara sa nakaraang araw.
15:30 – USA: Retail Sales MoM (USD)
Tumaas ng 0.1% ang retail trade sales mula Hulyo 2024 at 2.0% mula noong nakaraang taon.
Bumagsak naman ang EURUSD ng 0.17% kumpara sa nakaraang araw.
Miyerkules, Setyembre 18
09:00 AM – UK: CPI YoY (GBP)
Tumaas ng 2.2% ang Consumer Price Index (CPI) sa loob ng nakaraang 12 buwan hanggang Agosto 2024, na hindi nagbago mula noong Hulyo.
Tumaas ng 0.4% ang GBPUSD currency pair kumpara noong nakaraang araw.
21:00 – USA: Federal Funds Rate (USD)
Noong Setyembre 18, 2024, binawasan ng Federal Reserve ang federal funds rate ng 0.5%, patungo sa 4.75% hanggang 5%, dahil sa usad ng inflation, na nananatiling medyo mataas pero papunta na sa target na 2%. Bumagal ang dagdag na trabaho, at bahagyang tumaas ang unemployment pero nananatili itong mababa. Nagpahayag ang Fed ng kumpiyansa na maaabot nito ang dalawahang mandato ng matatag na trabaho at katanggap-tanggap na inflation, habang nananatiling maingat sa mga di kasiguraduhan sa ekonomiya.
Nakaranas ng bahagyang pagbagsak na 0.08% ang US Dollar Index.
Huwebes, Setyembre 19
01:45 AM – New Zealand: GDP QoQ (NZD)
Sa quarter na nagtapos nitong Hunyo 2024, bumagsak ng 0.2% ang GDP ng New Zealand, pagkatapos nitong tumaas ng 0.1% noong nakaraang quarter. Hindi nagbago ang gastusin sa GDP, at bumaba ng 0.5% ang GDP per capita. Nagpakita ng mas mabagal na paglago ang mahahalagang sektor tulad ng manufacturing, habang nakaranas ng pagbagsak ang wholesale trade, retail, at agrikultura. Hindi nagbago ang real gross national disposable income, na sumasalamin sa hindi nagbagong kakayahan na mamili ng mga taga-New Zealand nitong quarter.
Tumaas ng 0.105% ang palitan ng NZDUSD kumpara noong nakaraang araw.
04:30 AM – Australia: Pagbabago sa mga Trabaho (AUD)
Nitong Agosto 2024, hindi nagbago ang unemployment rate ng Australia sa 4.1% at 4.2% (in-adjust ayon sa panahon). Dumami ng 47,500 ang bagong trabaho na umabot sa 14.44 milyong, kung saan nabawi ng bahagyang pagtaas sa part-time na trabaho ang pagbabawas sa mga full-time na trabaho.
Tumaas ng 0.45% ang palitan ngr AUDUSD.
14:00 – UK: Opisyal na Bank Rate (GBP)
Sa pulong nito noong Setyembre 18, 2024, bumoto ang Monetary Policy Committee (MPC) ng 8–1 para panatilihin ang bank rate sa 5%, kung saan may isang miyembro na pumapabor sa pagbabawas na 0.25%. Sumang-ayon ang buong MPC na bawasan ng £100B sa loob ng 12 buwan ang hawak nitong UK government bonds.
Nakaranas ang GBPUSD ng pagtaas na 0.55%.
16:30 – USA: Unemployment Claims (USD)
Sa linggong nagtapos noong Setyembre 14, 2024, bumaba ng 12,000 patungong 219,000 ang pangunang jobless claims sa US. Bumaba rin ng 3,500 patungong 227,500 ang apat na linggong moving average. Hindi nagbago ang insured unemployment rate sa 1.2% na in-adjust ayon sa panahon, kung saan may 1.83 milyong taon ang kumukuha ng benepisyo, na mas mababa ng 14,000 kumpara noong nakaraang linggo.
Nakaranas ang EURUSD ng 0.4% na pagtaas kumpara noong nakaraang araw.
Biyernes, Setyembre 20
02:30 AM – Japan: BOJ Policy Rate (JPY)
Pinanatili ng Bank of Japan ang overnight call rate nito sa 0.25%, kung saan isinaad nila ang katamtamang pagbawi ng ekonomiya na may ilang kahinaan. Gumaganda ang kita ng mga kumpanya at pamumuhunan sa negosyo, at tumataas ang pagkonsumo sa gitna ng inflation na 2.5–3.0%, na dulot ng mas mataas na presyo ng mga serbisyo at sahod. Inaasahang dahan-dahang tataas ang inflation, na sinusuportahan ng pagtaas ng sahod, habang nananatili ang risks sa pandaigdigang ekonomiya at presyo ng palitan.
Tumaas ang USDJPY ng 0.85% kumpara noong nakaraang trading day.
15:30 – Canada: Retail Sales MoM (CAD)
Noong Hulyo, tumaas ng 0.9% patungong $66.4B ang retail sales sa Canada, na resulta ng 2.2% na pagtaas sa mga nagbebenta ng sasakyan at parte nito. Tumaas ng 0.6% ang core retail sales, maliban sa gasolinahan at nagbebenta ng mga sasakyan.
Nakaranas ng bahagyang pagtaas na 0.08% ang USD/CAD pair.
Mga Commodity
Krudo
Nakaranas ang krudo ng lingguhang pagtaas na 4.1%.
Brent Oil
Tumaas ang Brent ng 3.15% kumpara noong nakaraang linggo.
Gold
Nagtapos ang linggo noong Biyernes na nakaranas ang precious metal na Gold (XAUUSD) ng lingguhang pagtaas na 1.68%.
Silver
Tumaas ng 1.45% ang XAGUSD kumpara noong nakaraang linggo.
Stock Market
Tumaas ng 1.4% ang S&P 500
Umakyat ng 1.6% ang DJIA
Sumipa ng 1.52% ang NASDAQ 100
Pinakatumaas
Battalion Oil Corporation (BATL) 123.47%
Banzai International, Inc. (BNZI) 98.26%
Jin Medical International Ltd. (ZJYL) 54.55%
Pinakabumagsak
Garden Stage Limited (GSIW) -82.89%
Corbus Pharmaceuticals Holdings, Inc (CRBP) -67.43%
Skye Bioscience, Inc. (SKYE) -42.81%
Kita ng mga Kumpanya (Setyembre 16–20)
Lunes, Setyembre 16: SDA (SunCar Technology Group)
Martes, Setyembre 17: FERG (Ferguson Enterprises Inc.)
Miyerkules, Setyembre 18: GIS (General Mills, Inc.)
Huwebes, Setyembre 19: FDX (FedEx Corporation)
Huwebes, Setyembre 19: LEN (Lennar Corporation)
Biyernes, Setyembre 20: GFI (Gold Fields Limited)
Nakapagtala ang SunCar Technology Group (SDA) ng 27% na pagtaas ng revenue sa unang kalahati ng 2024, kung saan umabot ito ng $203.1M. Nakaranas ng matinding pagtaas ang Auto eInsurance, na may 55% na pag-akyat patungong $73.7M, na resulta ng mas malaking benta sa mga insurance policy. Tumaas din ng 70% ang sektor ng serbisyo sa teknolohiya dahil sa mas mataas na demand mula sa mga kumpanya ng insurance. Bagamat lumobo rin ang operating costs, kabilang na ang kapansin-pansing pagtaas sa share-based compensation, nanatiling positibo ang Adjusted EBITDA ng kumpanya na $6.0M, na mas mataas ng 4%. Ang paglago ng negosyo ay resulta ng malalaking pakikipagsosyo sa mga gumagawa ng electric vehicles at mga bangko.
Nakapagtala ang Ferguson Enterprises Inc. (FERG) ng Q4 sales na $7.9B, na mas mataas ng 1.4%, kung saan tumaas ng 5.3% ang adjusted operating profit patungong $857M at 10.8% adjusted operating margin. Sa buong taon, hindi nagbago ang revenue sa $29.6B, habang gumanda ng 10 basis points patungong 30.5% ang gross margins. Sa kabila ng mapanghamon na market at deflation, bumalik ang Ferguson sa paglago ng volume at mas malaking gross margins, kaya nakamit nito ang malaking operating margin. Binalik ng kumpanya ang $1.4B sa shareholders sa pamamagitan ng mga dividend at buybacks at binigyang-diin nito ang patuloy na paglago mula sa proyekto na may malalaking kapital at madiskarteng acquisitions.
Nakapagtala ang General Mills (GIS) ng pagbaba ng kita sa una nitong fiscal quarter, kung saan bumaba ng 1% ang revenue patungong $4.85B at bumagsak patungong $579.9M ang net income dahil sa mas mababang presyo at mas mataas na bayarin. Sa kabila nito, iginiit ng kumpanya ang pananaw para sa FY 2025, kung saan inaasahan nito ang hindi magbabagong 1% na paglago sa organic net sales. Sa gitna ng “hindi siguradong lagay sa macroeconomics,” inaasahan ng kumpanya na gaganda ang sales volume nito. Noong nakaraang linggo, inanunsyo ng General Mills ang plano nitong ibenta ang negosyo nito ng yogurt sa US at Canada para sa halagang $2.1B.
Iniulat ng FedEx (FDX) ang nakakadismaya nitong resulta nitong quarter, sa revenue na $21.6B at in-adjust na EPS na $3.60, kaya hindi nito naabot ang inaasahang tantya. Binabaan rin ng kumpanya ang pananaw nito para sa buong taon, na humantong sa pagbaba ng stock nito.
Nakapagtala ang Gold Fields Limited (GFI) ng kita na $389M ($0.43 kada share) sa loob ng anim na buwan na nagtapos noong Hunyo 30, 2024, na mas mababa mula sa $458M ($0.51 kada share) sa kaparehong panahon noong 2023.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, may mga kapansin-pansing kilos ang mga bangko sentral sa linggong tumakbo nitong Setyembre 16–20, kung saan binawasan ng Federal Reserve ang rates nito ng 0.5%, habang pinanatili naman ng Bank of Japan at ng Bank of England ang rate nito sa 0.25% at 5%, ayon sa pagkakabanggit. Kabilang sa mahahalagang datos ang bumabagal na inflation ng Canada at pag-urong ng GDP ng New Zealand. Sa mga market, tumaas ng 1.4% ang S&P 500, ang gold ng 1.68%, habang nakaranas ng bahagyang pagbaba na 0.37% ang US Dollar Index, na sumasalamin sa pagbabago ng ekonomiya at mas malalawak na trend sa market.