Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Lingguhang Recap sa Market – Naabot ng S&P 500 at NASDAQ 100 ang Bagong Record Highs
10 June 2024 | FXGT.com

Lingguhang Recap sa Market – Naabot ng S&P 500 at NASDAQ 100 ang Bagong Record Highs

  • Nakabawi ang Stock Market: Nakabawi ang mga stock index sa US pagkatapos ng kamakailang pagbaba, kung saan tumaas ito sa pagtatapos ng linggo, at naabot ng NASDAQ 100 at S&P 500 ang bago nitong record highs. Sumipa pa ang tech stocks dahil sa pinaigting na pagkasabik sa artificial intelligence. Tumaas ng 1.1% ang S&P 500, ang Dow Jones ng 0.2%, at ang NASDAQ 100 ng 2.5%.
  • Epekto ng Pagdami ng Trabaho sa Rate Cuts: Ayon sa Nonfarm Payrolls sa US, nakapagdagdag ng 272,000 trabaho nitong Mayo, na mas mataas sa forecast na 180,000. Dahil sa malakas na ulat sa mga trabaho, bumaba ang pag-asang agad na ibaba ng Federal Reserve ang interest rates, kaya mas mababa ang tyansa na magpatupad ito ng rate cut sa Setyembre, kung saan bumaba sa 50% ang probabilidad pagkatapos ng anunsyo.
  • Binabaan ng ECB at BoC ang Interest Rates: Parehong binaba ng European Central Bank at ng Bank of Canada ang interest rates ng 25 basis points, na nagmamarka sa umpisa ng paluluwag ng pamamalakad ng malalaking ekonomiya. Ang magkasabay na rate cuts ay sumasalamin sa mas malawak na pag-aalala tungkol sa bumabagal na paglago at pwersa ng inflation sa pandaigdigang ekonomiya.
  • Pagbabawas ng Produksyon ng OPEC+: Bumaba ang presyo ng US crude oil sa $73 kada bariles, na kumakatawan sa apat na buwang low, pagkatapos ianunsyo ng OPEC+ ang pagbabawas ng produksyon at pagpapalawig nito. Nakabawi naman ang presyo sa mahigit $75 kada bariles noong Biyernes, pero negatibo pa rin ang lingguhang performance na nagtala ng 2.40% pagbaba. Kabilang sa mga dahilan ang bearish na forecast, humihinang risk premium, at alternatibong mapagkukunan ng supply na sasagot sa pagbabawas ng produksyon.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.