Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Lingguhang Recap sa Market – Nagsimula ang Ikatlong Quarter sa Panibagong Highs
8 July 2024 | FXGT.com

Lingguhang Recap sa Market – Nagsimula ang Ikatlong Quarter sa Panibagong Highs

  • Nagsimula ang Ikatlong Quarter sa Panibagong Highs: Nakaranas ng panibagong highs ang NASDAQ 100 at S&P 500 na tumaas ng 3.2% at 1.6%, habang ang Dow naman ay umakyat ng 0.4%. Tumugon ang mga market sa pag-asang bababa ang interest rates. Ipinapakita ng datos sa ekonomiya na humihina ang labor market, kung saan inulat ng ADP ang mas kaunting trabaho at mas mataas na jobless claims, kasabay ng pagbagsak ng ISM Services PMI patungong 48.8, na nagpapahiwatig ng mas mabagal na aktibidad sa ekonomiya.
  • Bumagsak sa Tatlong-Linggong Low ang US Dollar: Binigyang-diin sa minutes ng FOMC ang mga pag-aalala sa ekonomiya at labor market, kaya tumaas ang pag-asang magkakaroon ng dovish na pananaw ang Fed at magpapatupad ito ng rate cuts, na nagtulak sa US dollar patungo sa tatlong-linggong low. Nakapagdagdag ang US ng 206,000 trabaho nitong Hunyo, na bahagyang mas mataas sa forecast pero mas mababa sa binagong ulat na 218,000 noong Mayo. Kaya lang, tumaas ang unemployment rate sa 4.1%, ang pinakamataas simula noong huling bahagi ng 2021.
  • Resulta ng Eleksyon sa UK: Landslide ang pagkapanalo ng Labour sa pangkalahatang eleksyon nitong 2024, na pinamunuan ni Keir Starmer na lumamang ng mahigit 400 pwesto, kaya nagmamarka ito sa pinakamalaking tagumpay simula 1997. Sa kabila nitong matinding pagbabago sa politika, inaasahang mahina ang magiging epekto nito sa market dahil sa mahigpit na fiscal policy, at tinututukan ang mas malawak na ekonomiya at kilos sa pamamalakad ng Bank of England.
  • Patuloy ang Sunod-sunod na Pagtaas ng Langis: Tumaas ang presyo ng langis sa ika-apat na sunod na linggo, kung saan naabot nito ang pinakamataas na lebel sa mahigit dalawang buwan, at nagtapos ang linggo na pumalo sa $83 kada bariles ang US crude. Ang naturang pagtaas ay resulta ng lingguhang ulat na nagpapahiwatig ng mas mababang imbentaryo sa US, na sumusuporta sa hula ng mga analyst na magkakaroon ng mahigpit na supply sa nalalapit na tag-init.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.