25 June 2024 | FXGT.com
Lingguhang Recap sa Market – Umabot sa 2-Taong High ang Aktibidad ng mga Negosyo sa US
- Nagtala ng Tatlong-linggong Pagtaas ang S&P 500: Noong Biyernes, nakapagtala ang S&P 500 ng tatlong-linggong sunod-sunod na pagtaas, bagamat bumagal naman noong Huwebes at Biyernes ang bull market ng Wall Street. Sa loob noong nakaraang linggo, tumaas ng 0.6% ang S&P 500, ang Dow Jones ng 1.5%, habang ang Nasdaq 100 ay tumaas ng 0.5%. Ang pinakamahalagang balita ay ang chipmaker na Nvidia, dahil ito na ngayon ang pinakamalaking pampublikong kumpanya ayon sa market capitalization.
- Umabot sa 2-Taong High ang Aktibidad ng mga Negosyo sa US: Sumipa sa 2-taong high ang aktibidad ng mga negosyo sa US, kung saan tumaas patungong 54.6 ngayong Hunyo ang S&P Composite PMI. Nakapagtala ang mga negosyo ng mataas na demand at mas mahinang pwersa ng inflation, na sumesenyas ng mas malakas na momentum sa ekonomiya.
- Pinanatili ng Bank of England ang Rates Nito: Hindi binago ng BoE ang key interest rate nito sa 16 na taong high na 5.25%, sa kabila ng pagbaba ng inflation patungo sa target na 2%. Pitong miyembro ng Monetary Policy Committee ang bumoto na panatilihin ang rates, habang dalawa ang nagsulong na babaan ito sa 5%. May ilang miyembro na nagsabi na balanse ang naging desisyon, na nagpapahiwatig ng potensyal na galaw tungo sa pagbabawas ng bayarin sa utang ngayong taon.
- Binawasan Ulit ng Swiss National Bank ang Rates Nito: Binabaan ng Swiss National Bank ang rates nito ng quarter percentage point para sa ikalawang sunod na pulong patungong 1.25%. Ayon sa kaakibat nilang pahayag, bumaba na ang pwersa ng inflation kumpara noong nakaraang quarter.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .