8 Abril 2024 | FXGT.com
Lingguhang Recap sa Market – Nagtapos ang Sunod-sunod na Pagtaas ng mga US Stock Index
- Nagtapos ang Sunod-sunod na Pagtaas ng mga US Stock Index: Bumagsak ng 2.17% ang Dow Jones Industrial Average, ang S&P 500 ng 0.78%, at ang Nasdaq 100 ng 0.72%, kaya nagtapos na ang dalawang linggong tuloy-tuloy na pagtaas nito. Dahil sa malakas na datos sa ekonomiya, hinamon nito ang mga nakaraang hula na magkakaroon ng agarang interest rate cut ang Federal Reserve.
- Datos sa Ekonomiya: Ayon sa ulat ng ISM Manufacturing nagtala ito ng paglago sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 18 buwan, kung saan naabot nito ang 20-buwang high sa mga bagong order at presyo. Kaya lang, bumagal ang sektor ng mga serbisyo dahil sa mas kaunting pagtaas ng presyo at mas mababang employment. Samantala, nagdagdag ng 303,000 trabaho ang nonfarm payroll, na nagpapakita ng bumabawing labor market at sumesenyas ng potensyal na pagkaantala sa inaasahang rate cut ng Federal Reserve.
- Pananaw ng Fed sa Rate Cut: Binigyang-diin ng mga opisyal ng Federal Reserve ang kahalagahan ng pagiging maingat sa pagpapababa ng interest rates, habang pinapaliwanag ang pagiging matatag ng ekonomiya ng US at kaunting pagtaas ng inflation rate. Ayon sa CME FedWatch tool bumaba ang inaasahan ng market tungo sa probabilidad na 53% na magkaroon ng rate cut ngayong Hunyo.
- Tumaas ang Presyo ng Langis dahil sa Geopolitical na Tensyon: Sa ikaapat na sunod na linggo, patuloy na tumaas ang presyo ng langis, kung saan umabot sa $87 kada bariles ang krudo. Dahil sa dahan-dahang pag-akyat na ito, nagkaroo na naman ng pag-aalala sa puwersa ng inflation. Ang patuloy na alitan sa pagitan ng Israel at Hamas, pati na ang pag-atake na nakakaapekto sa Red Sea shipping routes, at pagbaba ng imbentaryo sa US, ay nakatulong lahat bullish na pananaw sa market ng langis the oil market.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .