Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Lingguhang Recap sa Market – Lumakas ang US Stocks nitong Hunyo sa Gitna ng Pagbaba ng Jobless Claims
1 July 2024 | FXGT.com

Lingguhang Recap sa Market – Lumakas ang US Stocks nitong Hunyo sa Gitna ng Pagbaba ng Jobless Claims

  • Mga Pangunahing Stock Index sa US: Nitong nakaraang linggo, halos hindi pa rin nagbago ang malalaking stock index sa US, pero nagtapos ito sa kapansin-pansing pagtaas ngayong Hunyo. Tumaas ang S&P 500 ng 3.50%, ang Nasdaq 100 ng 6.60%, at ang Dow Jones 30 ng 1.30%. Ayon sa panghuling GDP nitong unang quarter, nagtala ito ng 1.4% taunang pagtaas mula Enero hanggang Marso, ang pinakamabagal mula noong 2022.
  • Dumami ang Jobless Claims sa US sa Gitna ng Pagbaba ng PCE Index: Umabot ang jobless claims sa mahigit dalawang-taong high, na nagpapahiwatig ng humihinang labor market. Pagdating sa inflation, bumaba patungong 2.6% ang PCE Index noong Mayo. Bagamat hindi pa naaabot ang 2% target na inflation ng Fed, makikita sa datos noong Mayo na ito na ang pinakamababang taunang rate sa mahigit tatlong taon. Dahil dito, tumaas sa mahigit 60% ang pag-asa ng market na magpatupad ang Fed ng 25-basis point rate cut sa pulong nito sa Setyembre.
  • Umabot sa 38-Taong High ang USD/JPY: Naabot ng US dollar ang pinakamataas nitong lebel laban sa yen simula noong 1986, kaya umigting ang pag-aalala ng mga awtoridad sa Japan tungkol sa pagbagsak ng yen. Mataas ang espekulasyon na magkakaroon ng potensyal na panghihimasok dahil nagpahiwatig ang Finance Minister na si Shunichi Suzuki na pwede itong magpatupad ng mga aksyon para gawing matatag ang yen.
  • Tumaas ang Presyo ng Langis sa Ikatlong Sunod na Linggo: Tumaas ng 1% ang presyo ng langis ngayong linggo, na nagmamarka ng ikatlong linggo na sunod-sunod na pagtaas. Lumagpas ang WTI crude futures sa $82 kada bariles, na resulta ng pag-asang magkakaroon ng rate cuts sa US at lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan. Dahil sa pag-aalala tungkol sa potensyal na pagkagambala sa supply, nasapawan ang tumataas ng imbentaryo ng krudo at gas sa US. Patuloy na tinututukan ng market ang mga geopolitical na kaganapan at ang epekto nito sa supply ng langis.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.