20 May 2024 | FXGT.com
Lingguhang Recap sa Market – Naabot ng US Stocks ang Bagong Record Highs
- Panibagong Record Highs ng US Stocks: Nakaranas ang Wall Street ng record-breaking na linggo dahil sa mas mabagal kaysa sa inaasahang datos sa inflation nitong Abril. Tumaas ang headline CPI nang mas mabagal kaysa sa inaasahan, at humina ang core CPI sa kauna-unahang pagkakataon mula noong Oktubre 2023. Dahil dito, sumipa ang mga market at inaasahan na ngayon ng mga investor ang 65% tyansa ng rate cut sa Setyembre, at dalawang rate cuts sa pagtatapos ng taon. Sa linggong ito, umakyat ng 1.7% ang S&P 500, ang Dow Jones ng 1.3%, at ang Nasdaq 100 ng 2.2%.
- Retail Sales sa US: Hindi nagbago sa 0.0% ang retail sales nitong Abril, kaya hindi nito naabot ang inaasahang 0.4% pagtaas, na naging dahilan kung bakit isa ito sa pinakamahinang performance ngayong taon. Nagpapahiwatig ito ng bumabagal na pag-usad ng ekonomiya, kung saan posibleng nagbabawas ng gastusin ang mga konsyumer dahil sa mas mataas na interest rates at tuloy-tuloy na inflation.
- Umurong ang Ekonomiya ng Japan: Nahaharap na naman sa panibagong hamon ang ekonomiya ng Japan, kung saan bumaba ng 0.5% ang GDP nito noong unang quarter. Isang malaking pag-aalala ang patuloy na pagbagsak ng pribadong pagkonsumo, na sa ngayon ay bumaba na sa loob ng apat na sunod na quarter. Binibigyang-diin nitong trend ang masaklap na kondisyon na kasalukuyang hinaharap ng ekonomiya ng Japan.
- Nakabawi sa $80 ang WTI Crude: Noong Biyernes, nag-close ang krudo sa mahigit $80 kada bariles dahil sa pagbangon muli ng mga energy market. Bagamat nananatili ito sa mga kamakailang consolidation levels, tumaas ang presyo ng US Crude Oil dahil sa iniulat na pagbaba ng imbentaryo ng US ayon sa parehong Energy Information Administration (EIA) at American Petroleum Institute (API), na nagpapahiwatig ng humihigpit na supply at sumusuporta sa pagtaas ng presyo.Top of Form
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .