29 Abril 2024 | FXGT.com
Lingguhang Recap sa Market – Nakabawi ang Stocks sa US dahil sa Malakas na Kita sa Tech
- Sunod-sunod na Pagtaas ng Stock Market dahil sa Tech: Nakaranas ang US stocks ng kapansin-pansing pagtaas ngayong linggo dahil sa malakas na kita ng tech companies, pagkatapos nitong makabawi sa tatlong linggong pagbagsak. Nalagpasan ng Tesla, Microsoft, at Alphabet ang inaasahan ng market, kaya nagkaroon ito ng mas mataas na kumpiyansa ang sektor ng teknolohiya. Tumaas ng halos 4% ang Nasdaq 100, ang S&P 500 ng 2.70%, habang ang Dow Jones Industrial Average ay tumaas ng 0.70%.
- Bumagal ang Paglago ng US GDP: Ngayong unang quarter, lumago ang ekonomiya ng US sa pinakamabagal nitong takbo sa loob ng dalawang linggo, na sumasalamin sa pandaigdigang pagbagal ng ekonomiya at pangangamba sa stagflation dahil sa mas matinding inflation kaysa sa inaasahan. Gayunpaman, maganda ang pananaw ng US Treasury Secretary na si Janet Yellen, kung saan ipinahayag niya na sa kabila ng pansamantalang hamon, pwedeng magbago pataas ang GDP at maging patag ang inflation tulad sa mga nakaraang lebel.
- Bumagsak ang Yen sa Panibagong Lows: Bumagsak ang Japanese yen sa bagong lows nito laban sa US dollar sa loob ng ilang dekada, pagkatapos ng kamakilang pulong ng Bank of Japan na hindi nagpahiwatig ng malinaw na senyales tungkol sa interest rate hikes. Bukod dito, mas mababa ang inflation sa Tokyo kaysa sa inaasahan, kaya tumaas ang USDJPY sa ¥158 na lebel.
- Nakabawi ang Presyo ng Langis: Sa loob ng tatlong linggo, naranasan ng crude oil futures ang una nitong lingguhang pagtaas, kung saan umakyat ito ng 1.74%. Ito ay dulot ng mas malalang tensyon sa Gitnang Silangan, lalo na ng alitan ng Israel at Hamas, at ang malaking pagbaba ng imbentaryo ng krudo sa US, kung saan ito na ang pinakamababa simula noong Enero.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .