15 July 2024 | FXGT.com
Lingguhang Recap sa Market – Naabot ng Wall Street ang Record Highs Nito sa Gitna ng Mahinang Datos sa CPI
- Naabot ng Wall Street ang Record Highs Nito: Naabot ng S&P 500, Nasdaq, at Dow Jones Industrial Average ang kanya-kanyang record highs dahil sa komento ng Federal Reserve Chair na si Jerome Powell na sumesenyas sa potensyal na interest rate cuts, kasabay ng mas mahinang ulat sa Consumer Price Index nitong Hunyo kumpara sa inaasahan. Tumaas ng 1% ang S&P 500, hindi nagbago ang Nasdaq 100, at tumaas naman ang Dow ng 1.80%.
- Datos sa CPI ng US at Inaasahang Interest Rate Cut: Nagpakita ang Consumer Price Index (CPI) ng US ngayong Hunyo ng mas mahinang pagtaas kumpara sa inaasahan, kung saan bumagsak sa 3% ang taunang inflation rate, ang pinakamababang lebel sa loob ng tatlong taon. Pinaigting nito ang kumpiyansa ng market na magpapatupad ng 25 basis point rate cut ang Federal Reserve sa Setyembre, kung saan mahigit 90% na ang tyansa na mangyayari ito.
- Sumipa ang Presyo ng Gold Dahil sa Paghina ng US Dollar: Pumalo ang presyo ng gold sa mahigit $2,400 kada onsa pagkatapos ng mas mahinang datos sa CPI, na nagbibigay-diin sa pagiging safe-haven asset nito sa gitna ng nagbabagong pananaw tungkol sa magiging pamamalakad sa pananalapi. Sa kabilang banda, bumagsak ang US Dollar Index (DXY) sa limang-linggong low malapit sa 104.00 dahil sa bumababang US Treasury yields, at tumataas na pag-asa na magpapatupad ng rate cuts ang Fed.
- Galaw ng Pera sa Buong Mundo: Tumaas ang Japanese yen dahil sa espekulasyon ng panghihimasok pagkatapos itong bumagsak sa 38-taong low laban sa dolyar. Nakaranas din ng pagtaas ang euro at pound, kung saan naabot ng euro ang pinakamataas nitong lebel mula noong Hunyo at halos mapantayan ng pound ang isang-taon nitong high, na resulta ng mas magandang datos sa GDP ng UK kumpara sa inaasahan.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Magpadala pa ng feedback
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment
dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk
dito .