Home / Blog / Kategorya / Lingguhang Recap / Lingguhang Recap sa Market
19 Marso 2024 | FXGT.com

Lingguhang Recap sa Market

  • Tumaas ng 0.70% ang US Dollar Index nitong nakaraang linggo, dulot ng mas mataas kaysa sa inaasahang inflation. Ang Consumer Price Index (CPI) ngayong Pebrero ay tumaas din ng 0.4%, na mas malaki nang kaunti kaysa sa halaga noong Enero, dahil nalagpasan ng CPI ang mga forecast. Kapansin-pansin na ang 3.2% na pagtaas kumpara noong nakaraang taon at mas mataas kaysa sa inaasahang Producer Price Index (PPI) ang naging dahilan sa pagsipa ng US Treasury yields. Bukod dito, binibigyang-diin ng mababang bilang ng jobless claims ang matatag na ekonomiya at nakakatulong ito sa lakas ng dolyar. Nagpapahiwatig ang mga aspetong ito ng patuloy na epekto ng inflation at pagiging matatag ng ekonomiya, na maaaring maging dahilan para ipagpaliban ng Federal Reserve ang inaasahang rate cut.
  • Bumaba ang mga US stock index sa ikalawang sunod na linggo dahil sa pullback sa tech stocks sa gitna ng pag-aalala tungkol sa inflation. Bahagyang bumaba ang S&P 500 ng 0.1%, ang Dow ng halos 0.1%, habang mas matindi ang pagbaba ng Nasdaq ng 1%. Dahil lumagpas ang inflation sa inaasahang halaga, hinihintay ng investors ang pulong ng Federal Reserve tungkol sa gabay sa interest rates.
  • Nagtapos ang nakaraang linggo na may 4% na pagtaas sa presyo ng krudo dahil sa bagong projection ng International Energy Agency (IEA) ngayong 2024 at hindi inaasahang pagbaba ng US stockpiles. Kumakatawan sa ikaapat na pagbabago mula noong Nobyembre, inaasahan na ngayon ng IEA na sisipa ang demand sa 1.3 milyong bariles kada araw, na naghuhudyat ng potensyal na kakulangan ng supply. Sa kasalukuyan, nasaksihan ng US ang una nitong pagbabawas ng imbentaryo sa loob ng nakaraang pitong linggo, bilang resulta ng mas mataas na output ng refinery at bumababang supply ng gasolina. Ang mga aspetong ito, kasabay ng pag-atake ng Ukraine sa mga pasilidad sa Russia, ang nagdulot ng pataas na paggalaw sa presyo ng langis.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Mahalagang Tandaan!

Gumagamit kami ng cookies para siguraduhing nakakatanggap ka ng napakagandang karanasan sa aming website.

Sa pamamagitan ng pag-click sa ‘Sumang-ayon,’ tinatanggap mo ang paggamit namin ng cookies ayon sa mga nakalagay sa aming patakaran sa cookies, at kinukumpirma mo na hindi ka nakatira sa EU o UK, alinsunod sa patakaran namin na hindi magbigay ng pinansyal na serbisyo sa mga naturang rehiyon.

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.