Tampok sa linggong ito ang magkahalong resulta ng mga datos sa ekonomiya at aktibidad ng market ng malalaking ekonomiya. Sa Germany, patuloy na humina ang sentimyento ng mga negosyo, kung saan makikita sa ifo Business Climate Index ang lumalalang pananaw, habang nakaranas naman ang US ng matinding pagdami sa durable goods orders dahil sa mga kagamitan sa transportasyon. Humina ang paglago ng retail sales sa Japan, habang bumagsak naman sa anim na buwang low ang manufacturing PMI ng China, na nagpapahiwatig ng patuloy na hamon sa ekonomiya. Nagpakita ng katatagan ang ekonomiya ng US sa 3% GDP growth nitong Q2, habang tumaas-baba naman ang market ng gold at oil sa buong mundo. Kapansin-pansin na magkahalo ang tugon sa inilabas na ulat ng Nvidia at HP Inc., na nagbibigay-diin sa patuloy na pagtaas-baba ng sektor ng teknolohiya at retail.
Lunes, Agosto 26
11:30 AM – Germany: ifo Business Climate (EUR)
Nakaranas ng matinding pagbagsak ang sektor ng manufacturing, at mas hindi nasisiyahan ang mga kumpanya sa kasalukuyan nilang sitwasyon at iniuulat nila ang bumababang bilang ng order backlogs. Nakaranas din ng paghina ang sektor ng mga serbisyo dahil sa lumalalang pananaw. Bagamat bahagyang bumuti ang sektor ng pakikipagkalakalan, resulta ito ng mas kaunti na hindi magandang pananaw. Nanatiling matatag ang sektor ng konstruksyon, kung saan bahagyang tumaas ang pag-asa kaya nabawi nito ang humihinang inaasahan. Sa pangkalahatan, makikita sa datos na lumalawak ang pagsubok na kinahaharap ng ekonomiya ng Germany, at mararanasan sa iba’t-ibang sektor ang hindi magandang sentimyento.
Bumagsak ang ifo Business Climate Index sa Germany mula 87.0 points noong Hulyo papuntang 86.6 points, kahit na nalagpasan nito ang forecast ng mga ekonomista, na sumasalamin sa lumalalang hindi magandang pagtingin ng mga kumpanya.
Nakaranas ang US Dollar Index ng arawang pagbabago na +0.18%.
15:30 – USA: Durable Goods Orders MoM (USD)
Noong Hulyo 2024, iniulat ng US Census Bureau na lubhang dumami ang bagong orders para sa mga ginawang pangmatagalang produkto, kung saan tumaas ito ng 9.9% patungong $289.6B, na resulta ng kagamitan sa transportasyon. Ito na ang ika-limang pagtaas sa nakaraang anim na buwan, pagkatapos nitong bumaba ng 6.9% noong Hunyo. Nakaranas din ng 1.1% pagtaas ang mga shipment patungong $291.1B, habang nakapagtala ng katamtamang paglago ang hindi napunan na orders. Kapansin-pansin na sumipa ng 41.9% ang nondefense capital goods orders surged by 41.9%, na nagpapahiwatig ng malakas na demand sa sektor na ito. Binibigyang-diin ng ulat ang patuloy na pagtaas-baba sa industriya ng manufacturing, at malaki ang papel ng transportasyon sa kamakailan nitong paglago.
Bumagsak ng 0.3% ang palitan ng EURUSD.
Martes, Agosto 27
09:00 AM – Germany: GDP QoQ (EUR)
Umurong ng 0.1% ang GDP ng Germany noong ikalawang quarter ng 2024 kumpara noong nakaraang quarter, na sumasalamin sa pagbagal ng ekonomiya. Taon-taon, nakapagtala naman ang GDP ng bahagyang pagtaas na 0.3%. Resulta ito ng matinding pagbagsak sa pagbuo ng kapital, lalo na sa makinarya at konstruksyon, pati na ang bahagyang pagbaba ng pag-export. Sa kabila ng matatag na pagkonsumo at tumaas na gastusin ng gobyerno, mas mahina pa rin ang pangkalahatang takbo ng ekonomiya, na may kapansin-pansing paghina sa sektor ng konstruksyon at manufacturing.
Nakaranas ng 0.2% na pagtaas ang EURUSD.
17:00 – USA: CB Consumer Confidence Index (USD)
Nitong Agosto, bahagyang tumaas ang kumpiyansa ng mga konsyumer, kung saan tumaas ang Consumer Confidence Index patungong 103.3 mula 101.9 noong Hulyo. Positibo ang pananaw ng mga konsyumer tungkol sa kasalukuyang kondisyon ng negosyo pero nagpakita sila ng mas matinding pag-aalala tungkol sa labor market. Bagamat gumada ang pananaw tungkol sa kondisyon ng negosyo sa hinaharap, pumangit ang pagtingin para sa labor market at paglago ng sahod. Bumaba sa pinakamababang lebel ang tingin sa inflation mula noong Marso 2020, pero nananatiling mataas ang pag-aalala tungkol sa presyo at trabaho. Sa pangkalahatan, mas maganda ang kumpiyansa ng mga mas matatanda at konsyumer na may mas mataas na kita, habang nagpahiwatig naman ng hindi magandang kumpiyansa ang mga mas bata at grupong may mas kaunting kita.
Humina ng 0.3% ang US Dollar Index.
Miyerkules, Agosto 28
17:30 – USA: EIA Crude Oil Stocks Change (USD)
Bahagyang tumaas ang input ng mga refinery ng krudo sa US patungong 16.9 milyong bariles kada araw, kung saan tumatakbo sa 93.3% na kapasidad ang mga refinery. Bumaba ang produksyon ng gasolina habang tumaas naman ang produksyon ng distillate fuel. Bumaba ang pag-angkat ng krudo at pangkalahatang imbentaryo ng petrolyo, kung saan bumagsak ng 4% ang stocks ng krudo kumpara sa limang-taong average. Bumaba rin ng 0.8 milyong bariles kumpara noong nakaraang linggo ang imbentaryo ng komersyal na krudo sa US. Sa nakaraang apat na linggo, bumagsak ng 2.9% YoY ang kabuuang supply ng produkto, na may bahagyang pagtaas sa supply ng gasolina pero pagbaba sa supply ng distillate at jet fuel.
Tumaas ng 0.5% ang US Dollar Index.
Huwebes, Agosto 29
15:30 – USA: GDP QoQ (USD)
Lumakas ng 3% ang ekonomiya ng US sa naka-annualize na rate nitong Q2 2024, na bahagyang mas mataas kumpara sa pangunang tantya na 2.8%, na resulta ng mas malakas na pagkonsumo ng mga konsyumer. Tumaas ng 2.9% ang personal na paggastos, na mas mataas kumpara sa dating tantya na 2.3%. Tumaas ng 1.3% ang Gross Domestic Income (GDI), na tugma sa pagtaas noong unang quarter. Bagamat bumagal ang paglago kumpara noong huling bahagi ng 2023, inaasahan na bababaan sa susunod ng Federal Reserve ang interest rates nito, na pwedeng makatulong sa sektor tulad ng pabahay at manufacturing.
Tumaas ng 0.33% ang US Dollar Index.
15:30 – USA: Unemployment Claims (USD)
Sa linggong nagtapos noong Agosto 24, 2024, bahagyang nabawasan patungong 231,000 ang pangunang unemployment claims sa US, habang hindi nagbago sa 1.2% ang insured unemployment rate. Bumaba rin ang apat na linggong moving average para sa claims, na nagpapahiwatig ng matatag na labor market. Sa kabila ng pagkakaiba kada estado, kaunti lang ang pagbabago sa pangkalahatang unemployment claims, na nagpapahiwatig ng patuloy na katatagan sa jobless benefits claims sa buong bansa.
Nakaranas ang EURUSD ng 0.4% na arawang pagbaba.
Biyernes, Agosto 30
02:50 AM – Japan: Retail Sales MoM (JPY)
Lumago ng 2.6% YoY noong Hulyo 2024 ang retail sales ng Japan, na mas mababa kumpara sa 3.8% noong Hunyo at mas mahina sa inaasahang 2.9%. Buwan-buwan, tumaas ang bentahan ng 0.2%, na mas mahina kumpara sa 0.6% na pagtaas noong Hunyo.
Tumass ng 0.82% ang USDJPY.
04:30 AM – Australia: Retail Sales MoM (AUD)
Noong Hulyo 2024, hindi nagbago MoM ang retail turnover, kung saan nanatili ito sa 0.0% na pagbabago, pero mas mataas naman ng 2.3% kumpara noong Hulyo 2023.
Bumaba ng 0.28% ang AUDUSD.
15:30 – Canada: GDP QoQ (CAD)
Sa ikalawang quarter ng 2024, tumaas ng 0.5% ang real GDP, na mas mataas nang kaunti kumpara sa 0.4% noong unang quarter, na resulta ng mas malaking paggastos ng gobyerno, pamumuhunan sa mga negosyo, at paggastos ng mga kabahayan sa serbisyo.
Tumaas ng 0.02% ang USDCAD.
16:30 – USA: Core PCE Price Index MoM (USD)
Nagpakita ng bahagyang pagtaas na 0.2% noong Hulyo ang napiling panukat ng inflation ng Federal Reserve, ang Personal Consumption Expenditures (PCE) Index, kaya napanatili nito ang taunang inflation rate na 2.5%. Tugma ito sa inaasahan at pinapaigting nito ang tyansa na babawasan ng Fed ang interest rates nito sa susunod nitong pulong. Habang nababawasan ang inflation, nalipat naman ang atensyon sa labor market para sa senyales ng potensyal na paghina ng ekonomiya.
Sabado, Agosto 31
04:00 AM – China: Manufacturing PMI (CNY)
Bumagsak patungo sa anim na buwang low noong Agosto ang aktibidad sa manufacturing ng China, kung saan nasa 49.1 ang PMI, na nagpapahiwatig ng patuloy na paghina. Bumagsak nang husto ang presyo ng mga pabrika, at nanatiling mahina ang mga order, kaya nahikayat ang mga mambabatas na ilipat ang atensyon sa imprastraktura at stimulus para sa mga kabahayan. Bagamat bahagyang gumanda ang retail sales, nagbabanta sa paglago ang patuloy na hamon sa mga ari-arian at pag-export.
Mga Commodity
Krudo
Tumaas patungong 16.9 milyong bariles kada araw ang input ng mga refinery ng krudo sa US, kung saan nasa 93.3% na kapasidad ang mga refinery. Nag-average ng 6.6 milyong bariles kada araw ang inangkat nag krudo, at bumaba ng 0.8 milyong bariles ang imbentaryo ng komersyal na krudo. Bumagsak ng 3.1 milyong bariles ang kabuuang imbentaryo ng petrolyo, habang nag-average ng 20.6 milyong bariles ang supply ng produkto, na mas mababa ng 2.9% kumpara noong nakaraang taon.
Natapos ang nakaraang linggo na mas mababa ng 3% ang krudo.
Gold
Sumipa ng 22% ang presyo ng gold ngayong taon, na resulta ng pagbili ng mga bangko sentral, geopolitical na tensyon, at pisikal na demand. Ang kamakailang pagtaas ay resulta ng pag-asa na magpapatupad ng rate cuts ang Federal Reserve, kaya ang momentum ng gold sa hinaharap ay dedepende sa bilis at laki ng naturang rate cuts.
Natapos ang linggo noong Biyernes na may 0.33% na lingguhang pagbaba ang precious metal na gold (XAUUSD).
Stock Market
- Bumaba ng 0.4% ang S&P 500
- Tumaas ang DJIA ng 0.6%
- Humina ng 1.39% ang NASDAQ 100
Pinakatumaas
- BranchOut Food Inc. (BOF) 207.69%
- MEDIROM Healthcare Technologies Inc. (MRM) 113.31%
- VOXX International Corporation (VOXX) 88.66%
Pinakabumagsak
- NuCana plc (NCNA) -52.65%
- Paltalk, Inc. (PALT) -41.21%
- Sunlands Technology Group (STG) -39.06%
Kita ng mga Kumpanya (Agosto 26–30)
Miyerkules, Agosto 28: HPQ (HP Inc.)
Miyerkules, Agosto 28: NVDA (NVIDIA Corp.)
Huwebes, Agosto 29: GAP (Gap Inc.)
Humina ang shares ng HP Inc. sa after-hours trading pagkatapos iulat ng kumpanya ang EPS na $0.83 nitong ikatlong quarter, na mas mababa sa inaasahang $0.86. Sa kabila nito, tumaas ang revenue ng 2.4% patungong $13.52B, na lagpas sa mga forecast. Inaasahan ng kumpanya ang mas mahinang kita sa Q4 2024 kumpara sa inaasahan. Nagbigay ang HPQ ng $900M sa shareholders sa pamamagitan ng dividends at buybacks, at tinaasan nito patungong $10B ang share repurchase authorization.
Tumaas ng 1.46% kumpara noong nakaraang linggo ang HPQ.
Nalagpasan ng Nvidia ang inaasahan ng Wall Street sa ikalawang quarter dahil sa $30B na revenue, na resulta ng malakas na demand para sa AI chips nito. Sa kabila nito, bumagsak ng 6% ang shares sa after-hours trading dahil sa mas mataas na inaasahang kita. Inanunsyo ng Nvidia na ipapadala na nito ang next-generation Blackwell chips simula ngayong ika-apat na quarter, na nagresulta kaya mas mataas ang inaasahang benta. Nangunguna pa rin ang kumpanya sa AI chip market, kung saan kontrol nito ang 90%, na dahilan kung bakit sunod-sunod ang pagtaas ng stock (NVDA), kung saan dumoble ito ngayong taon.
Nakaranas ang Nvidia ng lingguhang pagbaba na 7.73%.
Nalagpasan ng Gap Inc. (GAP) ang inaasahang benta noong ikalawang quarter, at tumaas ng 5% ang netong benta nito patungong $3.7B at sumipa rin ng 3% ang makukumparang benta sa mga kaakibat na brand, kabilang ang Old Navy at Athleta.
Nakaranas ang stock ng intraday na pagbaba na 7%, pero kumpara noong nakaraang araw, tumaas ang GAP ng 1.65%.
Mas mababa ang Gap ng 8.9% kumpara noong nakaraang linggo
Pangkalahatan
Ang linggong ito ay nagpakita ng maghahalong datos sa ekonomiya at aktibidad ng market sa mga malalaking ekonomiya, na nagbibigay-diin sa patuloy na hamon at pagtaas-baba nito. Bagamat humina ang sentimyento ng mga negosyo sa Germany, nakaranas naman ang US ng matinding pagdami ng durable goods orders. Nagpapahiwatig ng patuloy na hamon ang mga tagapaghiwatig ng ekonomiya sa Japan at China, kung saan bumagal ang paglago ng retail sales sa Japan at umuron ang aktibidad ng manufacturing sa China. Sa kabila nito, nagpakita ng katatagan ang ekonomiya ng US na may matinding GDP growth noong Q2. Sa mga market, nakaranas ng pagtaas-baba ang gold at oil, habang pagdating ang kita ng mga kumpanya, lalo na ng Nvidia at HP Inc., makikita ang patuloy na pagtaas-baba sa sektor ng teknolohiya at retail.