Nitong unang bahagi ng Setyembre 2024, nagpakita ng magkahalong trends sa iba’t-ibang sektor ang mga inilabas na datos sa ekonomiya. Nanatiling matatag ang inflation ng Switzerland, habang patuloy naman ang pag-urong ng manufacturing sa US. Nakaranas ang Australia ng katamtamang paglago ng GDP, habang binawasan ng Bank of Canada ang rates nito sa gitna ng humihinang inflation. Bumagsak ang job openings sa US, na nagpapahiwatig ng bumabagal na labor market, habang makikita naman sa datos ng ADP na humihina ang pagdagdag ng trabaho sa pribadong sektor. Nakaranas ng pagbagsak ang mga commodity, kung saan bumaba ng 7.6% ang krudo at 0.25% ang gold. Nakapagtala rin ng matinding pagkalugi sa malalaking stock index sa US, kabilang ang S&P 500 at NASDAQ.
Martes, Setyembre 3
09:30 AM – Switzerland: CPI MoM (CHF)
Nitong Agosto 2024, nanatiling matatag ang Consumer Price Index (CPI) sa 107.5 points, na hindi nagbago kumpara noong nakaraang buwan. +1.1% naman ang inflation YoY. Ang matatag na index ay dulot ng magkabaliktad na trends: ang pagtaas ng renta at presyo ng damit ay binalanse ng pagbaba ng pribadong transportasyon, biyahe sa eroplano, langis na pampainit, at presyo ng mga hotel.
Bumaba ng 0.4% ang USDCHF.
17:00 – USA: ISM Manufacturing PMI (USD)
Nitong Agosto 2024, umurong sa ikalimang sunod na buwan ang sektor ng manufacturing sa US. Nakapagrehistro ng 47.2% ang Manufacturing PMI, na nagpapahiwatig ng patuloy na paghina. Bumaba ang mahahalagang indicator tulad ng mga bagong order, produksyon, at trabaho, habang bumagal din ang paghatid ng mga supplier at tumaas ang imbentaryo nito. Patuloy na tumaas ang presyo, at umurong ang parehong pag-export at pag-angkat. Sa kabila ng mga hamon na ‘to, may ilang industriya na nakaranas ng paglago tulad ng pagkain, inumin, at mga sigarilyo, pati ang produkto sa mga computer at elektroniko. Sa pangkalahatan, mas mabagal ang paghina ng sektor ng manufacturing kumpara sa mga nakaraang buwan.
Bumaba ng 0.25% ang palitan ng EURUSD.
Miyerkules, Setyembre 4
04:30 AM – Australia: GDP QoQ (AUD)
Sa quarter na nagtapos noong Hunyo 2024, tumaas ng 0.2% ang ekonomiya ng Australia, na nagmamarka ng ika-11 sunod na quarter na tumaas ito. Sumipa ng 1.5% ang GDP sa 2023–24 fiscal year, na nagpapahiwatig ng mahinang paglago na dulot ng mas kaunting demand ng mga tahanan at pagbagsak ng pangangalakal (-3.0%). Nanatiling mababa sa 0.6% ang ratio ng ipon ng mga tahanan. Sumuporta sa paglago ang gastos ng gobyerno at netong pangangalakal, habang humina naman ang pagkonsumo ng mga tahanan at pribadong pamumuhunan. Sa kabila ng paglago sa sahod ng mga empleyado, bumagsak ang kita sa pagmimina dahil sa bumababang presyo ng mga commodity, na nakatulong para bumaba ng 0.6% ang gross operating surplus.
Tumaas ng 0.18% ang palitan ng AUDUSD.
16:45 – Canada: Overnight Rate (CAD)
Ang Bank of Canada, sa ilalim ng pamumuno ni Governor Tiff Macklem, ay nagbawas ng policy interest rate ng 25 basis points patungong 4.25%, na nagmamarka sa ikatlong sunod na pagbaba simula noong Hunyo. Sumasalamin ang desisyong ito sa pagpapabagal ng inflation at pangangailangan na magkaroon ng malakas na paglago sa ekonomiya para panatilihing nasa 2% ang inflation. Bagamat nahatak pababa ang inflation dahil sa paghina ng ekonomiya, nananatiling mataas ang presyo sa pabahay at mga serbisyo.
Bumaba ng 0.33% ang USDCAD.
17:00 – USA: JOLTS Job Openings (USD)
Bumagsak ang job openings sa US sa pinakamababa nitong lebel mula Abril 2021, kung saan umabot ito sa 7.67 milyon ayon sa Job Openings and Labor Turnover Survey (JOLTS) ng Labor Department. Kumakatawan ito sa 237,000 na pagbaba mula Hunyo at hindi nito naabot ang inaasahan ng mga ekonomista na 8.1 milyon. Bumagsak sa 1.1 ang ratio ng job openings sa mga available na manggagawa, na nagpapahiwatig ng humihinang labor market. Tumaas ng 202,000 patungong 1.76 milyon ang mga nasisante, habang dumami naman ng 273,000 ang mga may bagong trabaho, na sumasalamin sa magkahalong senyales tungkol sa kondisyon ng labor market.
Tumaas ng 0.35% ang EURUSD.
Huwebes, Setyembre 5
15:15 – USA: ADP Nonfarm Employment Change (USD)
Noong Agosto 2024, makikita sa ADP National Employment Report na tumaas ng 99,000 ang mga trabaho sa pribadong sektor, na nagpapakita ng paghina sa hiring. Hindi nagbago ang lebel ng sahod, habang tumaas naman ang taunang sweldo ng 4.8% para sa mga nananatili sa trabaho, at 7.3% sa mga palipat-lipat ng trabaho. Kapansin-pansin ang pagdami ng trabaho sa mga sektor na gumagawa ng produkto at serbisyo, na pinangungunahan ng konstruksyon, at serbsiyo sa edukasyon at kalusugan. Kaya lang, bumaba ang propesyonal at pang-negosyong serbisyo. Nakaranas ng pinakamalaking pagdami ang rehiyon sa timog. Makikita sa ulat na humihina ang labor market pagkatapos nitong makaranas ng matinding paglago, kaya tinututukan ngayon ang trend ng mga sahod at takbo ng ekonomiya habang pinaplano ng Federal Reserve ang susunod nitong galaw.
Bumaba ng 0.21% ang US Dollar Index.
15:30 – USA: Unemployment Claims (USD)
Sa linggong nagtapos noong Agosto 31, bumaba ng 5,000 patungong 227,000 ang pangunang unemployment claims sa US na in-adjust batay sa panahon, habang binago naman pataas ang claims noong nakaraang linggo patungong 232,000. Bumagsak ng 1,750 patungong 230,000 ang apat na linggong moving average. Hindi nagbago sa 1.2% ang insured unemployment rate, na nakaranas ng kaunting pagbaba patungong 1.838 milyon. Bumaba ng 3,352 kumpara noong nakarang linggo patungong 189,389 ang kabuuang bilang ng hindi in-adjust na pangunang claims. Ang pinakamalaking insured unemployment rates ay naitala sa New Jersey, Rhode Island, at Puerto Rico.
Nakaranas ng arawang pagbaba na 0.26% ang EURUSD.
17:00 – USA: ISM Services PMI (USD)
Nitong Agosto 2024, naitala sa 51.5% ang Services PMI, na nagpapahiwatig na patuloy na lumalago ang sektor ng mga serbisyo sa ikalawang sunod na buwan. Nagpakita ng bahagyang pagtaas ang mahahalagang parte nito tulad ng aktibidad sa negosyo, bagong orders, at mga trabaho, habang patuloy na umuurong ang paghahatid ng mga supplier.
17:00 – USA: EIA Crude Oil Stocks Change (USD)
Sa linggong nagtapos noong Agosto 30, 2024, nag-average ng 16.9 milyong bariles kada araw ang input ng mga refinery ng krudo sa US, kung saan nasa 93.3% ang kapasidad nito. Bumagsak sa 5.8 milyong bariles kada araw ang inangkat na krudo, habang bumagsak naman ng 6.9 milyong bariles ang imbentaryo nito. Tumaas ang produksyon ng gasolina, at dumami ng 0.8 milyong bariles ang imbentaryo ng gasolina para sa sasakyan. Bumaba ng 0.4 milyong bariles ang imbentaryo ng distillate fuel. Humina ng 8.0 milyong bariles ang kabuuang imbentaryo ng komersyal na petrolyo, kung saan mas mababa ng 1.6% kumpara noong isang taon ang kabuuang produkto na na-supply.
Bagamat tumaas ito ng 2.2% sa loob ng isang araw, nagtapos ang araw nang walang nakitang pagbabago.
Biyernes, Setyembre 6
15:30 – Canada: Pagbabago sa mga Trabaho (CAD)
Nitong Agosto, bahagyang dumami ng 22,000 ang bilang ng mga trabaho (+0.1%), habang bumaba patungong 60.8% ang employment rate at tumaas ang unemployment rate ng 6.6%.
15:30 – USA: Nonfarm Payrolls (USD)
Nitong Agosto, dumami ng 142,000 ang nonfarm payrolls, habang nanatili sa 4.2% ang unemployment rate. Ang pagdami ng mga trabaho ay pinangunahan ng konstruksyon (+34,000) at kalusugan (+31,000), habang bumaba naman ang mga trabaho sa manufacturing (-24,000). Tumaas ng 0.4% patungong $35.21 ang average na sahod kada oras, at tumaas sa 34.3 na oras ang average na trabaho linggo-linggo. Binago pababa ang pagdami ng mga trabaho noong Hunyo at Hulyo, sa kabuuang bilang na 86,000.
Bumaba ng 0.25% ang EURUSD.
17:00 – Canada: Ivey PMI (CAD)
Nitong Agosto, naitala sa 48.2 ang Ivey Purchasing Manager’s Index (ina-adjust pana-panahon). Nabigo nitong maabot ang inaasahan ng mga analyst, na nagpapahiwatig na mas kaunti ang mga binili kumpara sa nakaraang buwan.
Tumaas ng 0.5% ang USDCAD.
Mga Commodity
Krudo
Tumaas patungong 16.9 milyong bariles kada araw ang input ng mga refinery ng krudo sa US, kung saan nasa 93.3% ang kapasidad nito. Bumaba ang inangkat na krudo, habang tumaas naman ang produksyon ng gasolina at distillate. Bumagsak ng 6.9 milyong bariles ang imbentaryo ng krudo, at nabawasan ng 8 milyong bariles ang kabuuang imbentaryo ng petrolyo.
Nagtapos ang linggo na mas mababa ng 7.6% ang presyo ng krudo.
Gold
Bumagsak ang presyo ng gold dahil umigting ang nalalapit na rate cut ng Fed sa gitna ng magkahalong datos sa mga trabaho sa US. Dumami ng 142,000 ang payrolls, at bumaba ng 4.2% ang unemployment. Nag-aalala ang mga trader na hindi masusuportahan ng mahinang rate cut ang higit pang pagtaas ng gold, na sumipa ng 20% ngayong taon sa gitna ng malakas na demand at pag-asa na magluluwag ang pamamalakad.
Nagtapos ang linggo noong Biyernes kung saan nakaranas ang precious metal na Gold (XAUUSD) ng lingguhang pagbagsak na 0.25%.
Stock Market
• Humina ng 4.4% ang S&P 500
• Bumaba ng 3.1% ang DJIA
• Bumagsak ng 6% ang NASDAQ 100
Pinakatumaas
• Wheeler Real Estate Investment Trust, Inc. (WHLR) 876.19%
• Ryde Group Ltd (RYDE) 140.03%
• Conifer Holdings, Inc. (CNFR) 125.11%
Pinakabumagsak
• BAIYU Holdings, Inc. (BYU) -32.67%
• Planet Labs PBC (PL) -28.23%
• Autozi Internet Technology (Global) Ltd. (AZI) -28.18%
Kita ng mga Kumpanya (Setyembre 2–6)
Miyerkules, Setyembre 4: HPE (Hewlett Packard Enterprise Company)
Huwebes, Setyembre 5: AVGO (Broadcom Inc.)
Huwebes, Setyembre 5: DOCU (DocuSign Inc.)
Nakapagtala ang Hewlett Packard Enterprise (HPE) ng nakakadismayang margin sa AI servers nito, kung saan 31.8% ang in-adjust na gross margin, na mas mababa sa inaasahan ng mga analyst na 33.4%. Sa kabila ng 39% na pagtaas ng revenue sa AI servers, nag-aalala ang mga investor sa mas mahinang kita dahil sa mahal na chips. Bumaba ng 3% ang stock ng HPE sa na-extend na trading sa kabila ng 10% na pagtaas sa pangkalahatang revenue, na nagmamarka sa pinakamagandang paglaki ng benta YoY simula 2023.
Nakaranas ng lingguhang pagbaba na 9.5% ang HPE.
Nakapagtala ang Broadcom Inc. (AVGO) ng revenue na $13.1B nitong Q3 2024, na mas mataas ng 47% YoY, at resulta ng malakas na performance sa AI semiconductor solutions at VMware. Iniulat ng kumpanya ang netong lugi sa GAAP na $1.9B dahil sa isahang bayarin sa buwis, pero ang netong kita naman nito ay $6.1B kapag hindi alinsunod sa GAAP. Umabot ang na-adjust na EBITDA sa $8.2B, na sumasalamin sa 63% ng revenue. Inanunsyo din ng Broadcom ang dividend ngayong quarter na $0.53 kada share at tinataya nito ang Q4 revenue na humigit-kumulang $14B, na sumasalamin sa 51% na pagtaas kumpara noong nakaraang taon.
Bumagsak ng 15.86% ang AVGO kumpara noong nakaraang linggo.
Iniulat ng DocuSign (DOCU) ang malakas na resulta ngayong fiscal quarter. Tumaas ng 7% ang revenue nito YoY patungong $736M, kung saan ang revenue sa subscriptions ay nasa $717.4M. Ang netong kita ng kumpanya alinsunod sa GAAP ay $4.34 kada basic share, habang ang netong kita na hindi alinsunod sa GAAP ay $0.97 kada diluted share.
Bumaba ng 0.03% kumpara noong nakaraang linggo ang presyo ng DOCU.
Pangkalahatan
Sa pangkalahatan, nagpakita ng magkahalong datos sa ekonomiya ang buwan ng Setyembre 2024, kung saan matatag ang inflation sa Switzerland, humina ang sektor ng manufacturing sa US, at nakapagtala ng katamtamang paglago ang GDP ng Australia. Nagbawas ng rates ang Bank of Canada at humina ang job openings sa US, na senyales ng humihinang labor market. Nakaranas din ng pagbaba ang malalaking stock index, na sumasalamin sa di kasiguraduhan sa market.