Pagpapakilala sa mga Equity Index
Karaniwang tinutukoy bilang mga index, sinasalamin nito ang ipinapahiwatig ng mismong pangalan: ginagaya nito ang takbo ng market. Tinutulungan tayo ng mga equity index na maintindihan ang kolektibong galaw ng isang grupo ng iba’t-ibang stocks, sa halip na tumuon sa iisang kumpanya lang. Nakakapag-alok ito ng mas malawak na pagtingin sa kabuuang katayuan ng market, at malamang narinig mo na ito dati sa mga balita.
Malamang ay nabalitaan mo na rin ang kilalang Dow Jones. Sa kumplikadong mundo ng mga financial index, may napakalaking posisyon ang Dow Jones Industrial Average, na kadalasang tinatawag din bilang Dow. Hindi lang ‘to basta-bastang numero sa screen na tumataas-baba; bagkus, nagsisilbi itong panukat sa kabuuang ekonomiya ng Amerika. Binubuo ito ng 30 sa pinakamalalaki at pinaka-impluwensyal na pampublikong kumpanya sa US, kaya sumasalamin ang Dow Jones sa napakalawak na hanay ng mga industriya, mula sa teknolohiya, hanggang sa manufacturing, pati na sa pananalapi.
May iba’t-ibang sektor ang mga equity index, kabilang ang teknolohiya, kalusugan, pananalapi, o pinaghalong sektor, na sumasalamin sa katayuan ng mga malalaking kumpanya sa naturang industriya.
Mga Pinaka Tini-trade na Index sa Mundo:
1. New York Stock Exchange (NYSE) at NASDAQ: Ito ang dalawa sa pinakamalaking stock exchange sa US na naglalaman ng ilan sa mga pinaka-impluwensyal na index, kabilang ang Dow Jones Industrial Average (Dow Jones) at NASDAQ Composite.
2. Wall Street – Dow Jones: Kalimitang tinutukoy bilang Wall Street, ang Dow Jones Industrial Average ay ang pundasyon ng pananalapi sa Amerika. Dahil sinusubaybayan nito ang 30 pinakamalalaking kumpanya tulad ng Apple, Intel, Exxon Mobil, at Goldman Sachs na tini-trade sa New York Stock Exchange, nagsisilbi ang Dow Jones bilang mahalagang panukat sa lakas ng ekonomiya ng bansa.
3. S&P 500: Itinuturing na magandang tagapaghiwatig ng estado ng stock market sa US, sinusubaybayan ng S&P 500 ang performance ng 500 pinakamalalaking kumpanya na nakalista sa parehong NYSE at NASDAQ. Nakakapagbigay ito ng magandang pananaw tungkol sa pangkalahatang kalugsugan ng ekonomiya ng US.
4. FTSE 100 (UK100): Sa UK, sinasalamin ng FTSE 100 ang performance ng pinakamalalaking kumpanya na nakalista sa London Stock Exchange. Dahil sa pagtutok nito sa mga sektor tulad ng pagmimina, enerhiya, at pananalapi, nakakapagbigay ito ng pananaw sa estado ng pananalapi sa UK.
5. GER40 (DAX): Ang estado ng ekonomiya ng Germany ay mabusising mapag-aaralan sa pamamagitan ng DAX, na sumusubaybay sa nangungunang 40 kumpanya na nakalista sa Frankfurt Stock Exchange. Kabilang sa mga industriya dito ang pananalapi, sasakyan, kalusugan, at kemikal, at ilan sa malalaking kumpanya na nangunguna sa index ang Allianz, BMW, Bayer, at Siemens.
6. Nikkei 225(JP225): Nagsisilbi bilang tagasuri ng pulso ng ekonomiya ng Japan, sinusubaybayan ng Nikkei 225 Index ang 225 kumpanya na nakalista sa Tokyo Stock Exchange. Nagsisilbi ito bilang magandang tagapaghiwatig ng katayuang pinansyal ng Japan.
7. AUD200: Sa Australia, makikita sa AUD200 ang performance ng nangungunang 200 kumpanya na nakalista sa Australian Securities Exchange (ASX). Nagbibibgay ito ng pananaw sa lakas ng ekonomiya ng bansa para sa magkakaibang sektor.
Paano tumatakbo ang mga equity index?
Kinakalkula ang mga index sa iba’t-ibang paraan, depende sa klase ng index at layunin ng index provider.
- Price-weighted: Ang paraang ito ay nagbibigay-importansya sa stocks na may mas mataas na presyo. Ginagamit ng Dow Jones Industrial Average ang paraang ito.
- Ang paraang ito ay nagbibigay-importansya sa stocks na may mas mataas na halaga sa market. Ang S&P 500 ay isang halimbawa ng ganitong klase ng index.
- Equal-weighted: Sa paraang ito, pantay-pantay ang turing sa lahat ng stocks sa index. Ang S&P 500 Equal Weight Index ay isang halimbawa ng ganitong paraan..
Paano Pinipili ang mga Kasama sa Index?
Ang mga index ay binubuo ng mga komite na nagtatakda ng patakaran sa kung aling kumpanya ang mapapasama sa index. Regular na nagpupulong ang mga naturang komite para suriin ang patakaran at magdesisyon kung magdadagdag o magtatanggal ba sila ng kumpanya.
Mga Klase ng Equity Index
Mga global na index: Sinusubaybayan ng mga index na ito ang performance ng stocks mula sa buong mundo. Ang MSCI World Index ay isang halimbawa ng isang global na index.
Mga regional na index: Sinusubaybayan ng mga index na ito ang performance ng stocks sa isang partikular na rehiyon. Ang S&P Europe 350 Index ay isang regional na index.
Mga pambansang index: Sinusubaybayan ng mga index na ito ang performance ng stocks mula sa isang partikular na bansa. Ang FTSE 100 ay isang halimbawa ng pambansang index.
Mga index batay sa exchange: Sinusubaybayan ng mga index na ito ang performance ng stocks na nakalista sa isang partikular na exchange. Ang NASDAQ 100 ay halimbawa ng ganitong index.
Mga index sa industriya: Sinusubaybayan ng mga index na ito ang performance ng stocks sa isang partikula na industriya. Halimbawa, kabilang dito ang S&P 500 Information Technology Index.
Mga index sa currency: Sinusubaybayan ng mga index na ito ang performance ng isang partikular na currency kumpara sa grupo ng iba pang mga currency. Isang halimbawa dito ang US Dollar Index.
Mga index sa sentimyento: Tinatantya ng mga index na ito ang sentimyento ng mga investor sa isang partikular na market o klase ng asset. Isang halimbawa nito ang VIX.
Mga Mahahalagang Aspeto na Nakakapagpabago sa Presyo ng Index
Balita sa ekonomiya: Maaaring makaapekto sa mga stock index ang mga tagapaghiwatig ng ekonomiya tulad ng paglago ng GDP at interest rates.
Kita ng kumpanya:The release of earnings reports by companies can also affect stock indices.
Politikal na kaganapan: Pwedeng makaimpluwensya sa mga equity index ang mga pangyayari tulad ng eleksyon at alitan.
Presyo ng commodity: Maaaring makaapekto sa mga stock index ang pagbabago sa presyo ng mga commodity, lalo na sa mga kumpanyang may kinalaman sa mga commodity.
Sentimyento ng investor: Pwedeng makaimpluwensya sa presyo ng mga equity index ang pangkalahatang papanaw at kumpiyansa ng mga investor.
Pag-invest sa mga Equity Index
Ang pag-invest sa mga equity index gamit ang Contracts for Difference (CFDs) ay nakakapagbigay-daan para madaling ma-access ng investors ang mga global market nang may maliit na kapital. Nag-aalok ang FXGT.com ng napakaraming klase ng mga pinakasikat na index sa mundo, kaya masasamantala ng traders ang iba’t-ibang oportunidad sa magkakaibang rehiyon at sektor. Gamit ang platform ng FXGT.com, makakapag-diversify sila ng portfolio at pwede nilang maabot ang mga layunin nila sa pag-iinvest sa pamamagitan ng pag-trade ng mga equity index.