Pag-unawa sa Meme Coins
Ano ang Meme Coins?
Binago nang husto ng crypto ang mundong kinakagalawan natin, pero may isang naiibang kategorya na kapansin-pansin dito: ang meme coins. Marahil ay narinig mo na ang Bitcoin at Ethereum, pero paano naman ang Dogecoin at Shiba Inu? Kumukuha ng inspirasyon ang mga crypto na ito mula sa mga meme sa internet at pop culture, kaya ginagawa nitong nakakatuwa ang paraan ng pag-trade.
Di tulad ng karaniwang crypto na idinisenyo para sa mga seryosong layunin tulad ng ligtas na transaksyon o smart contracts, kadalasang kinakatawan ng meme coins ang isang nakakaaliw na bagay. Nakakuha ito ng inspirasyon mula sa mga biro at meme sa internet, at kalimitang tumataas ang presyo nito dahil sa pagkasabik ng komunidad kaysa sa totoo nitong halaga. Bagamat nagsimula ito sa maliit, lubhang lumaki ang ilang meme coins, kaya napukaw nito ang atensyon ng mga batikang investor at mga mausisang baguhan.
Kasaysayan ng Meme Coins
Bago tayo magpatuloy, tingnan natin ang pinagmulan nito.
Nagsimula ang meme coins bilang biro sa internet pero mabilis itong sumikat sa mundo ng crypto. Nag-umpisa ang lahat sa Dogecoin noong Disyembre 2013 sa pamumuno nila Billy Markus at Jackson Palmer. Isa lamang itong patawa na crypto, tampok ang asong Shiba Inu mula sa “doge” na meme, pero unti-unti itong nakabuo ng dedikadong komunidad, kung saan ginagamit ito sa kawanggawa at crowdfunding.
Dahil sa panghihikayat ni Elon Musk sa social media noong 2021, lubhang sumikat nang husto ang Dogecoin, at ginaya ito ng ibang meme coins tulad ng Shiba Inu at Pepe. Umaasa sa viral marketing at usap-usapan sa social media ang pinakamalalaking meme coins tulad ng Dogecoin, Shiba Inu, at Pepe, kaya naman mahirap itong makaligtaan. Bagamat kalimitan itong pinupuna dahil sa kawalan ng totoong halaga, hindi maikakaila na gumawa ng marka ang meme coins sa mundo ng crypto, kaya nakita natin ang kapangyarihan ng kultura at hype sa internet.
Paano Tumatakbo ang Meme Coins?
Tumatakbo ito tulad ng iba pang crypto, pero may nakakaaliw na pagkakaiba. Gumagamit pa rin ng blockchain itong digital tokens para gawing ligtas ang transaksyon tulad ng mga Bitcoin. Kaya lang, sa halip na gawing makabago ang sistema ng pananalapi, tumututok ang meme coins sa pagiging masaya at pagbuo ng mga komunidad. Kalimitan itong nagsisimula bilang biro o kalokohan, pero mabilis itong nakakakuha ng atensyon dahil sa usap-usapan sa social media at mga trend sa internet.
Dahil lubhang tumataas-baba ang presyo nito, kapana-panabik pero napakataas din ng kasama nitong risk!
Ang Papel ng Social Media at mga Celebrity
Malaki ang papel ng mga celebrity sa mundo ng crypto. Partikular na sa Twitter at TikTok, malakas ang usap-usapan at diskusyon, memes, at hype, na siyang nagpapatakbo sa market. Kapag may mga sikat na taong bumabanggit sa isang crypto, dito nag-uumpisa ang lahat at sumasabak na ang lahat. Pero maging maingat dahil nakakaloko ito – ang halaga ng meme coin ay maaaring sumipa o bumagsak sa loob ng napakaikling panahon.
Dogecoin
Binuo noong 2013 ng software engineers na sina Billy Markus at Jackson Palmer, nagsimula ang Dogecoin bilang patawa sa Bitcoin. Gayunpaman, kahit na nagsimula ito bilang biro, mabilis itong lumago sa mundo ng crypto dahil sa mabait at nasasabik na komunidad. Kilala sa mga inisyatiba sa kawanggawa, napondohan ng mga sumusuporta sa Dogecoin ang iba’t-ibang layunin, tulad ng pag-sponsor sa mga atleta at paglikom ng pondo para sa mga nasalanta.
Nakaranas ang coin ng napakatinding pagtaas ng presyo, lalo na pagkatapos itong i-tweet ng mga sikat na celebrity.
Bagamat tumataas-baba ito, nakatulong ang simpleng disenyo at positibong enerhiya ng komunidad ng Dogecoin sa nagtatagal nitong presensya sa mundo ng crypto.
Shiba Inu Coin
Nag-umpisa ang Shiba Inu bilang isang nakakaaliw na eksperimento sa pagbuo ng desentralisadong komunidad. Kinakatawan din ito ng isang nakatutuwang Shiba Inu na aso, kaya sinasamantala nito ang kultura sa internet na nagpasikat din sa Dogecoin.
Kaya lang, may isang malaking pagkakaiba: Hinihigitan ng Shiba Inu nilalaman ng ecosystem, kaya may iba pa itong tokens tulad ng LEASH at BONE, pati ang ShibaSwap, na isang desentralisadong exchange. Gumawa ng ugong-ugong ang coin noong nakapasok ito sa mga malalaking exchange at sinuportahan ito ng mga pampublikong indibidwal at mga influencer. Bagamat mapaglaro din ang turing dito tulad ng Dogecoin, ang Shiba Inu ay tumututok sa pagkakaroon ng mas malawak at mas kapana-panabik na estado para sa mga user nito.
Pepe Coin
Inilunsad sa Binance Smart Chain, kinakatawan ng Pepe Coin ang mapaglaro at pilyong pagkatao ng kapangalan nito. Sa tulong ng masiglang komunidad na tumututok sa kultura ng meme, layunin ng Pepe na magdala ng kasiyahan at pagkasabik sa mundo ng crypto. Dahil tinatanggap nito ang kapangyarihan ng memes, agad na sumikat ang Pepe lalo na sa mga gusto ng masayang paraan ng pagpasok sa digital assets.
Bonk Coin
Baguhan ang Bonk sa eksena ng meme coins, kung saan nagdala ito ng bagong katuwaan at pananabik sa market. Inilunsad noong huling bahagi ng 2021, nakuha ang Bonk mula sa “bonk” na meme, na nagtatampok ng asong Shiba Inu na may baseball bat, kung saan pabiro nitong “bino-bonk” ang isang tao dahil sa pagiging sutil nito online – isang konsepto na agad na sinang-ayunan ng komunidad ng crypto.
Tumatakbo ang Bonk sa Solana blockchain, na kilala sa mabilis na transaksyon at murang singil, kaya naman kaakit-akit ito para sa users. Agad na nagkaroon ng following ang coin dahil sa masaya nitong pinagmulan at masiglang aktibidad sa social media.
Iba pang Sikat na Meme Coins: Big Eyes, Floki Inu, CorgiAI, at Iba pa
Mula sa Big Eyes hanggang sa Floki Inu at CorgiAI, napakaraming kakaibang tokens na pumupukaw sa atensyon ng traders. Kinakatawan nitong coins ang kasiyahan dahil sa naiiba nitong tatak at masiglang komunidad na nakakapanghikayat ng mga tagasuporta sa buong internet. Naaakit ka man sa mga karakter na may malaking mata, nakakaaliw na corgi, o kapilyuhan ni Floki the Inu, may meme coin na bagay sa panlasa mo. Kaya naman, handa ka na bang magdala ng katuwaan sa iyong crypto portfolio?
Risk at Pagpuna sa Meme Coins
Maaaring tumaas-baba nang husto ang meme coins, kung saan lubha ang pagbabago-bago nito dahil sa usap-usapan sa social media, pagbanggit ng mga celebrity, at trends. Hindi maaasahan ang takbo nito at tumataas-baba ito dahil marami dito ang walang malinaw na layunin at totoong halaga, kaya umaasa lang ito sa hype ng komunidad at espekulasyon. Pwede itong pagpugaran ng “pump and dump” na sistema, kung saan pinapataas nang husto ang presyo nito pero agad din itong babagsak, kaya maraming traders ang nalulugi. Ayon sa mga kritiko, ang masaya at mapaglarong meme coins ay maaaring magresulta sa malaking pinansyal na pagkalugi, kaya pwede nitong madiskaril ang mga baguhan.
Pangkalahatan
Napukaw ng meme coins na gaya ng Dogecoin, Shiba Inu, Pepe, Bonk, at Big Eyes ang interes ng mga nasa mundo ng crypto, kung saan pinaghahalo nito ang katuwaan, komunidad, at kapana-panabik na espekulasyon. Mahalagang unawain ang meme coins at kilalain ang kanilang pinagmulan sa internet, pagsandal sa usap-usapan sa internet, at papel ng mga celebrity sa matindi nitong pagtaas at pagbagsak.
Ang kasaysayan ng meme coins, mula sa pagtatag ng Dogecoin hanggang sa pagsulpot ng mga baguhan tulad ng Shiba Inu at Floki Inu, ay nagpapakita sa nakakaaliw na pinagmulan nito, na tinutulak ng pagiging malikhain at mga trend online. Bagamat nag-aalok ito ng kakaibang paraan para makapasok sa crypto market, mahalagang maging maalam sa mga kaakibat na risk at kritisismo, tulad ng pagtaas-baba at potensyal na espekulatibong bubble. Para sa mga baguhan, ang pag-unawa sa meme coins ay nakakapagbigay ng naiibang paraan para tuklasin ang crypto, pero dapat sumabik dito nang may parehong pananabik at pag-iingat.
Habang sumasabak ka dito sa masigla at pabago-bagong sulok ng crypto universe, tandaan na kailangang lagi kang nakikibalita at tamasahin lang ang galaw nito!
Handa ka na bang sumali?