Ano ang pips sa forex trading? Marahil medyo nakakatakot para sa mga baguhan ang forex trading dahil sa mga naiibang terminolohiya at konsepto nito. Isa sa mga pangunahing termino na makikita mo ay ang “pip.” Sa artikulong ito, tatalakayin natin nang husto ang ibig sabihin ng pips sa forex trading, ang kahalagahan nito, at kung paano ito kinakalkula.
Kahalagahan ng Pips sa Forex Trading
Ang pips ay ang pundasyon ng forex trading. Ang pip, na nangangahulugang “Percentage In Point” o “Price Interest Point,” ay ang pinakamaliit na galaw ng presyo na pwedeng mangyari batay sa nakasanayan ng market. Para sa karamihan ng currency pairs, ang pip ay karaniwang 0.0001 ng na-quote na presyo. Mahalagang maunawaan ang pips dahil ito ang panukat sa galaw ng presyo, kita, at pagkalugi sa forex trading. Sa pamamagitan ng pagiging bihasa sa pips, mas mapag-aaralan mo ang potensyal na trades, mapapababa ang risk, at sa huli mas bubuti ang istratehiya mo sa pag-trade.
Paano Sinusukat ang Pips
Sa maraming currency pairs, ang pip ay katumbas ng 0.0001 na paggalaw ng presyo. Halimbawa, kung gumalaw ang EUR/USD mula 1.1000 patungong 1.1001, isang pip ang naging paggalaw na 0.0001 USD. Kaya lang, pwedeng magbago ang pamantayan sa panukat depende sa currency pair.
Halimbawa
- Sa EUR/USD, ang isang pip na galaw ay katumbas ng 0.0001
- Sa GBP/USD, ang isang pip na galaw ay 0.0001 din..
- Sa USD/JPY, ang isang pip na galaw ay 0.01 dahil sa paraan ng pag-quote ng Japanese yen.
Kapag nalaman mo kung paano kalkulahin nang tama ang pips, nasisigurado na may malinaw kang pag-unawa sa potensyal na kita at pagkalugi.
Pagkalkula ng Pips
Ang pagkalkula ng pips ay nangangailangan ng pag-unawa sa bilang ng pips na madadagdag o mababawas sa trade at ang kaakibat nitong halaga. Heto ang detalyadong hakbang kung paano kalkulahin ang pips:
1. Tukuyin kung ilang pips gumalaw ang currency pair.
Halimbawa: Gumalaw ang EUR/USD mula 1.1000 patungong 1.1050. Ang galaw na ito ay 50 pips.
2. Alamin ang halaga ng pip.
Para sa maraming pairs, ang halaga ng pip ay batay sa quote currency (ang pangalawang currency ng pair). Sa EUR/USD, kapag nag-trade ka ng standard lot (100,000 units), ang bawat pip ay may halagang $10.
3. Kalkulahin ang kita o pagkalugi.
Kapag bumili ka ng EUR/USD sa 1.1000 at nagbenta ka sa 1.1050 na standard lot, ang kita mo ay 50 pips x $10 = $500.
Kaibahan ng JPY
Naiiba ang Japanese yen (JPY) pagdating sa karaniwang halaga ng pip. Kapag JPY ang quote currency, kinakalkula ang pip sa ikalawang decimal point.
Halimbawa:
- Gumalaw ang USD/JPY mula 110.00 patungong 110.10
- Ang 0.10 na pagbabago ay katumbas ng 10 pips.
- Para sa standard lot (100,000 units), ang bawat pip ay may halagang 1,000 yen. Kaya naman, ang 10-pip na galaw ay katumbas ng 10,000 yen.
Pagsasanay sa Pips
Para magamit ang kalaamang ito, tingnan natin ang iba’t-ibang eksena na nagtataglay ng pips.
Halimbawa 1: Trade sa EUR/USD
- Bumili ka ng EUR/USD sa 1.1500.
- Tumaas ang presyo papuntang 1.1550.
- The movement is 50 pips.
- Ang galaw na ito ay 50 pips.
- Sa standard lot, ang bawat pip ay may halagang $10
- Ang kita mo: 50 pips x $10 = $500.
Halimbawa 2: Trade sa USD/JPY
- Nagbenta ka ng USD/JPY sa 110.50.
- Bumagsak ang presyo sa 110.00.
- Ang galaw ay 50 pips.
- Sa standard lot, ang bawat pip ay may halagang 1,000 yen.
- Ang kita mo: 50 pips x 1,000 yen = 50,000 yen.
Pangkalahatan
Mahalagang bahagi ng forex trading ang pips, dahil kumakatawan ito sa pinakamababang unit para masubaybayan ang paggalaw ng presyo, kita, at pagkalugi. Kapag nasanay ka na sa pips, kung paano ito sinusukat, at kung paano kinakalkula ang halaga nito, lubhang gaganda ang takbo ng trades mo. Sa tulong nito, mapag-aaralan mo nang mas tama ang trades, bababa ang risk, at makapapag-trade ka nang may kumpiyansa. Kapag nakabisado mo ang pips, magkakaroon ka kaalamang kailangan para makagawa ng mas mainam na desisyon sa trading at tataas din ang tagumpay mo sa forex market.
Handa ka na bang palawakin ang nalalaman mo sa trading? Magbukas na ng account sa FXGT.com!