Ang stocks, na kilala rin bilang shares o equities, ay kumakatawan sa pagmamay-ari sa isang kumpanya. Kapag bumibili ng stocks ang sinuman, nagiging part-owner sila ng kumpanya. Nag-i-isyu ng stocks ang mga kumpanya para lumikom ng pondo para sa iba’t-ibang layunin tulad ng pagpapalago, pananaliksik, o pagbabayad-utang. Sa kabilang banda, bumibili nitong stocks ang mga investor sa pag-asang kumita sa kanilang investment sa anyo ng dividends o mas mataas na presyo.
Stocks at ang Stock Market

Ang stock ay kumakatawan sa pagmamay-ari sa isang korporasyon. May dalawang pangunahing klase ng stocks na karaniwang ini-isyu ng mga kumpanya: ang common at preferred stocks. Ang common stocks ay nagbibigay sa shareholders ng karapatang bumoto sa mga pagpupulong, habang ang preferred stocks ay kadalasang nagbabayad ng mas mataas na dividends pero hindi ito nagtataglay ng karapatan sa pagboto. Ang stock market ay isang platform kung saan nabibili at nabebenta ang stocks.
Nagsisilbi itong marketplace para sa investors at traders na magsagawa ng mga transaksyon. Ang stock market ay may mahalagang papel sa pinansyal na sistema sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa pagdaloy ng kapital sa pagitan ng mga investor at mga kumpanya.
Paano Tumatakbo ang Stock Market at Sino ang Nangangasiwa Nito
Ang stock market ay nagpapatakbo sa pamamagitan ng mga exchange, na siyang nagsisilbi bilang platform kung saan nagsasama-sama ang mga bumibili at nagbebenta para mag-trade ng stocks. Ang New York Stock Exchange (NYSE) at ang Nasdaq ay halimbawa ng mga pangunahing stock exchange. Ang mga exchange na ito ay may mahalagang papel sa pagkakaroon ng liquidity at pagiging transparent ng market. Kailangan ng mahigpit na regulasyon ang stock market para masigurado ang pagiging patas nito pati ang proteksyon ng investor.
Sa Estados Unidos, ang Securities and Exchange Commission (SEC) ay ang pangunahing tagapagasiwa na nagbabantay sa market ng securities. Nagpapatupad ito ng mga panuntunan at regulasyon para mapanatili ang patas na pagpapatakbo at protektahan ang mga investor laban sa mga mapandarayang aktibidad.
Paano Tinutukoy ang Presyo sa Stock Market
Ang presyo ng stocks ay tinutukoy ng balanse sa pagitan ng supply at demand. Kung may mas mataas na demand sa isang stock kumpara sa supply nito, tataas ang presyo. Sa kabilang banda, kapag may mas mataas na supply ng stock kumpara sa demand para dito, babagsak ang presyo. Nakakaimpluwensiya ang galaw ng market, kundisyon ng ekonomiya, at performance ng kumpanya sa presyo ng stocks.
Ang ibang mga aspeto tulad ng galaw ng market, kundisyon ng ekonomiya, at performance ng kumpanya, ay nakakaapekto rin sa presyo ng stocks pati na sa mga kilos ng mga nasa market tulad ng mga institusyonal na investor, retail na investor, at mga market maker.
Mga Stock Market, Stock Exchange, at Stock Index
Mga Stock Market, Stock Exchange, at Stock Index
Ang stock market ay ang mas malawak na pinansyal na sistema, habang ang mga stock exchange ay mga partikular na platform kung saan isinasagawa ang naturang pag-trade. Ang mga stock index tulad ng S&P 500 o ng Dow Jones Industrial Average (US30) ay kumakatawan sa grupo ng stocks na sumasalamin sa pangkalahatang performance ng market o ng isang partikular na industriya.
Mahalaga para sa mga investor na maintindihan ang mga stock index dahil nagbibigay ito ng mahalagang impormasyon tungkol sa trends sa market at nakakatulong ito sa pagsusuri ng performance ng kanilang investment kumpara sa mas malawak na market. May iba’t-ibang index na tumututok sa magkakaibang sektor sa market, upang ma-diversify nang epektibo ng mga investor ang kanilang portfolio.
Paano mag-invest sa Stocks sa Loob ng 5 Hakbang

Ang stock trading para sa mga baguhan ay parehong kapana-panabik at nakakapanghamon dahil kailangan mong matutunan ang galaw ng stock market at maghanap ng mapagkakatiwalaang broker na nababagay para sa’yo. Heto ang ilan sa mga mahahalagang hakbang na dapat isaalang-alang:
1. Pag-aralan ito. Bago sumabak sa stock market, kailangan mong matutunan ang mga pangunahing konsepto sa pananalapi, galaw ng market, at mga estratehiya sa pag-i-invest.
2. Magtakda ng layunin sa pag-i-invest. Tukuyin ang layunin mo sa investment. Marahil kasama dito ang pagpapalago ng pera, pagpopondo sa edukasyon, pagpaplano sa pagreretiro.
3. I-diversify ang portfolio. Ihiwalay ang mga investment mo sa iba’t-ibang sektor at klase ng asset para bumaba ang risk.
4. Pumili ng brokerage account. Pumili ng maaasahang trading platform kung saan ka magti-trade. Isaalang-alang ang mga aspeto tulad ng singil, tools sa pananaliksik, at customer service kapag pumipili ng broker na naaangkop sa iyong mga pangangailangan. Ang mga kliyente ng FXGT.com ay nagti-trade ng daan-daang stocks sa magkakaibang klase ng trading account, habang sinasamantala ang mga kapana-panabik na bonus.
5. Subaybayan at umangkop. Patuloy na pag-aralan ang iyong portfolio at manatiling maalam sa mga trend sa market. Gawing angkop ang estratehiya mo sa pag-i-invest batay sa pagbabago-bago ng iyong pinansyal na sitwasyon, kakayaning risk, at kondisyon ng market.
Konklusyon
- May napakalaking papel ang stocks sa larangan ng pananalapi dahil binibigyang-daan nito ang mga kumpanya na lumikom ng pondo, at makisali ang mga investor sa paglago ng negosyo.
- Mahalaga para sa mga investor na magkaroon ng mabuting pag-unawa sa galaw ng stock market, mga panuntunan, at kung paano tinutukoy ang presyo.
- Para makamit ang kanilang layuning pampinansyal, kailangang pag-aralan nang husto ng mga investor ang market, maging maalam dito, at magkaroon ng diskarte kapag nag-i-invest sa stocks.
- Anuman ang antas ng karanasan mo sa pag-i-invest, may mga maibibigay na oportunidad ang stock market para sa pagpapalago ng pera at pagbubuo ng yaman.
Magbukas ng Demo o Live account sa FXGT.com at magsimula nang mag-invest sa pamamagitan ng pag-trade ng stocks sa amin!