Nitong mga nakaraang taon, nakaranas ng matinding paglago at pag-unlad ang crypto, kaya nakuha nito ang interes ng mga investor, mga mahilig sa teknolohiya, at pangkalahatang publiko. Habang patuloy na binabago ng mga digital currency ang mundo ng pananalapi, nagiging mas importante na maintindihan ang mga pinakasikat na crypto, mga pamamaraan sa pag-trade, at ang mga bentahe ng crypto wallet.
Ano ang Cryptocurrency?
Ang cryptocurrency ay mga digital o virtual currency na tumatakbo sa mga desentralisadong network sa pamamagitan ng teknolohiya ng blockchain. Sinisigurado ng makabagong teknolohiya ang pagiging transparent, ligtas, at di pagbabago ng mga transaksyon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga pamamaraan sa cryptography. Binibigyan ng mas malaking kontrol ng crypto ang mga gumagamit nito dahil di na nila kailangang umasa sa mga tradisyonal na pinansyal na institusyon, at inaalis nito ang pagkakaroon ng sentral na awtoridad para pangasiwaan itong mga digital na asset.
Alin sa libo-libong crypto sa market ang nangunguna sa batay sa pagiging sikat at trading volume nito? Tatalakayin sa artikulong ito ang kamangha-manghang mundo ng pinakatinatangkilik na crypto, at magbibigay ito ng impormasyon tungkol sa mga katangian, istatistika, at oportunidad sa pag-trade.
7 Pinakasikat na Crypto
1. Bitcoin (BTC): Bilang nauna sa lahat ng crypto, nananatili ang Bitcoin bilang pinakakilala at pinaka tini-trade na digital asset. Inilunsad noong 2009, nagsilbi ito bilang tagatago ng halaga at paraan ng exchange, kaya naman naging inspirasyon ito ng napakarami pang crypto projects.
- Market cap: Mahigit $830 bilyon
- Transaksyon kada segundo: 7
- Pinaggagamitan: Pagtago ng halaga, pagbabayad, seguridad
2. Ethereum (ETH): Angat ang Ethereum sa pagpapakilala ng paggamit ng smart contracts, na nagbibigay-daan sa mga developer na gumawa ng mga decentralized application (DApps). Ang katangiang ito ang naglunsad sa kasikatan ng Ethereum at ang paggamit nito sa iba’t-ibang industriya.
- Market cap: Mahigit $220 bilyon
- Transaksyon kada segundo: 15
- Pinaggagamitan: DApps, smart contracts, DeFi
3. Tether (USDT): Ang Tether ay isang stablecoin na nakatali sa US dollar, kaya nagbibigay ito ng katatagan at kadalian sa mundo ng crypto. Nagsisilbi itong tali sa pagitan ng mga tradisyonal at digital na currency, kaya nakakapagbigay ito ng maayos na mga transaksyon.
- Market cap: Mahigit $80 bilyon
- Transaksyon kada segundo: 50
- Pinaggagamitan: Pagbabayad, pag-trade ng stablecoin
4. BNB (BNB): Ang demand para sa BNB, ang native na token ng Binance exchange, ay malakas dahil sa gamit nito sa Binance, kung saan nagbibigay ito ng diskwento sa singil at pag-access sa mga eksklusibong katangian ng platform.
- Market cap: Mahigit $45 bilyon
- Transaksyon kada segundo: 2,500
- Pinaggagamitan: Singil sa exchange, mga diskwento, DeFi sa Binance
5. Cardano (ADA): Nakatuon sa pagiging matatag at kakayahan itong lumaki, angat ang Cardano dahil sa naiiba nitong mekanismo sa proof-of-stake consensus. Layunin nitong gumawa ng mas pangmatagalan at inklusibong blockchain platform. Ang matatag na pagtutok ng platform sa pananaliksik at pagpapaunlad ay nakapanghikayat din ng isang dedikadong komunidad.
- Market cap: Mahigit $25 bilyon
- Transaksyon kada segundo: 1,000
- Pinaggagamitan: Smart contracts, DeFi, staking
6. Solana (SOL): Kilala ang Solana sa napakabilis nitong mga transaksyon at murang singil. Ang kakayahan nitong humawak ng malakihang operasyon ay ang dahilan kung bakit pinipili ito para sa DApps at mga DeFi protocol.
- Market cap: Over $30 billion
- Transactions per second: 65,000
- Uses: DApps, DeFi, NFTs
7. Dogecoin (DOGE): Sinimulan bilang isang biro, hindi inaasahang magiging sikat ang Dogecoin dahil sa nakatutuwa nitong branding at malakas na suporta ng komunidad. Nakakahikayat ng iba’t-ibang klase ng tao ang mura nitong presyo at kultura na nakatutok sa mga meme.
- Market cap: Mahigit $13 bilyon
- Transaksyon kada segundo: 40
- Pinaggagamitan: Pagbabayad, tips, meme currency
Paano Mag-trade ng Crypto
Ito ang ilan sa mga mahahalagang payo mula sa aming mga eksperto tungkol sa pagsisimula sa pag-trade ng crypto:
- Bago magsimulang mag-trade ng crypto, mahalagang pag-aralan ito. Siguraduhing mayroon kang mabuting pag-unawa ng mga konsepto tulad ng blockchain, mga wallet, at pagsusuri sa market. Napakaraming mapagkukunan online at mga kurso na makakatulong sa’yo na bumuo ng matatag na pundasyon.
- Pumili ng maaasahang exchange o online broker na madaling gamitin, may matatag na seguridad, at sumusuporta sa iba’t-ibang klase ng assets. Ang FXGT.com ay nag-aalok sa mga kliyente nito ng 24/7 na pag-access sa mga pinakasikat na crypto. Bukod dito, sa pamamagitan ng pagpili sa GTi12 index, makikinabang ang mga trader sa pag-trade ng 12 pinakasikat na crypto gamit ang iisang CFD asset.
- Mag-research sa mga crypto na gusto mong i-trade. Intindihin ang mga kailangang malaman, kasaysayan ng presyo, at trend sa market.
- Bumuo ng diskarte sa pag-trade na malinaw na nagsasabi ng iyong layunin at kakayaning risk. Tukuyin ang entry at exit point, magtakda ng stop-loss order, at alamin ang mga ratio para gawing balanse ang risk mo laban sa potensyal na kikitain.
- I-diversify ang iyong portfolio sa pamamagitan ng paghihiwalay ng iyong investment sa iba’t-ibang crypto para bumaba ang risk. Nakakatulong ang pag-diversify para protektahan ang iyong portfolio mula sa epekto ng hindi magandang performance ng isang asset.
- Patuloy na sundan ang balita sa crypto, trend sa market, at i-angkop ang estratehiya mo alinsunod dito. Napakahalagang gumawa ng tamang desisyon sa pabago-bagong market ng crypto.
Konklusyon
Patuloy na nagbabago ang mundo ng crypto. Mula sa pagsisimula ng Bitcoin hanggang sa napakalawak na mapagpipiliang digital assets na mayroon ngayon, may napakalaking pagbabago sa pananalapi sa buong mundo. Sa pamamagitan ng masusing pag-aaral ng iba’t-ibang crypto, estratehiya sa pag-trade, at benepisyo ng mga crypto asset, nagiging malinaw na ang kinabukasan ng crypto ay desentralisado, madaling ma-access, at punong-puno ng mga oportunidad.
Gumawa ng wais at maingat na desisyon pagdating sa pagprotekta at pagbibigay-tiwala sa iyong pondo. Mahalagang pumili ng broker na regulado at lisensyado sa buong mundo, tulad ng FXGT.com. Simulan na ang pag-trade mo sa pamamagitan ng pagbubukas ng account ngayon.