Naging parte na ng kultura sa trading ang mga karaniwan o matatandaang palayaw. Sa ngayon, madalas na naririnig ang mga slang tulad ng “Cable,” “Chunnel,” o “Swissy” na ginagamit bilang terminolohiya sa pag-trade. Ang palayaw ng mga currency pair ay nagmumula sa mga kaganapan sa kasaysayan o partikular na pangyayari sa ekonomiya, pero maaaring nakakalito ito kapag una itong narinig sa pinansyal na pahayagan o balita.
Gayunpaman, magagamit ‘to ng mga traders na gustong tukuyin ang currency pairs sa isang mabilis at naiintindihang paraan, o para pakiramdaman ang isang hanay ng mga currency pair. At dahil magandang makibalita palagi sa mga termino sa pag-trade at ang kahulugan nito, tuklasin pa natin ang mga pinaka ginagamit na palayaw ng currency pairs at kung paano nito nakuha ang naturang tawag.
Cable – GBP/USD
Ang palayaw ng “Cable,” na kumakatawan sa GBP/USD pair, ay nanggaling sa unang transatlantic na kable na inilatag noong 1866. Kinokonekta nitong telegrapikong kable ang London at New York, na nagbigay-daan para agad na makapag-usap ang dalawang sentro ng pananalapi. Isa itong napakalaking pag-usad sa teknolohiya sa panahong iyon, kung saan pinahintulutan nito ang mabilisang transaksyon sa British pound laban sa US dollar.
Kahit na naungusan na ng kasaysayan at pagbabago sa teknolohiya, nananatili pa rin ang pangalang ito, na nangangahulugang GBP/USD. Bagamat matagal nang napalitan ang telegrapikong komunikasyon ng mas modernong pamamaraan, ginagamit pa rin ng traders at financial analysts ang pinaikling “Cable,” na kumakatawan sa napakatagal nitong presensya sa mundo ng pag-trade.
Fiber – EUR/USD
Katulad ng GBP/USD, ang EUR/USD currency pair ay pinangalanang “Fiber” pagkatapos ilatag ang unang fiber optic cable noong katapusan ng 1999s sa pagitan ng Europa at Estados Unidos. Binibigyang-diin nitong palayaw na ang EUR/USD pair ay sinusuportahan ng maaasahan at makabagong imprastraktura, na sumisigurado sa maayos na transaksyon sa pananalapi. Dahil maaasahan at mabilis ito, kaya nitong suportahan ang malaking volume sa pagitan ng Euro at US dollar. Dahil dito, bagay na bagay dito ang palayaw na “Fiber.”
Chunnel – EUR/GBP
“Chunnel” ang palayaw na binigay ng traders sa EUR/GBP currency pair at may kinalaman ito sa Channel Tunnel na kumokonekta sa United Kingdom at France. Ang lagusang ito, na isang kamangha-manghang pag-usad sa engineering, ay ang nangangasiwa sa pagpapadala ng mga produkto at tao sa pagitan ng UK at mainland na Europa. Dahil dito, kinakatawan ng “Chunnel” ang malapit na ugnayan nitong dalawang makapangyarihang ekonomiya. Ang relasyon nila ay nagtataglay ng napakalaking kalakalan, at binibigyang-diin ng palayaw ng currency pair ang papel nito sa pagsuporta sa maayos na mga currency exchange.
Ninja – USD/JPY
Dahil sa mabilis at hindi inaasahang paggalaw sa presyo, nakuha ng USD/JPY pair ang palayaw na “Ninja”. Ang slang na terminong ito ay nagbibigay-diin sa kultura ng Japan at ang kinakailangang madiskarteng kilos ng traders kapag nagti-trade ng USD/JPY.
Dahil may malaking epekto ang Estados Unidos at Japan sa pandaigdigang pananalapi, sinasalamin din ng “Ninja” ang kahalagahan nila sa ekonomiya. Ang USD at JPY ay dati nang itinuturing bilang safe haven para sa mga nagti-trade ng currency sa buong mundo, at kilala dahil sa mabilis nitong pagtugon sa pinansyal na balita at mga inilalabas na ulat sa ekonomiya.
Bukod dito, dahil sa kalimitang magkaibang pamamalakad ng US Federal Reserve at Bank of Japan, mabilis itong tumutugon sa market. Masusing sinusubaybayan ng traders ang pagkakaiba sa pamamalakad na may kinalaman dito sa dalawang currency pairs, para sa layunin samantalahin ang mabilis nilang paggalaw.
Loonie – USD/CAD
Ang slang na tawag sa USD/CAD currency pair na “Loonie” ay nagmumula sa isang dolyar na barya ng Canada, kung saan tampok dito ang common loon sa likurang bahagi, na isang ibon na makikita sa teritoryo ng Canada. Ipinakilala noong 1987 bilang pamalit sa papel na bersyon ng Canadian dollar, mabilis na sumikat ang tawag na “Loonie” bilang palayaw ng USD/CAD currency pair.
Pagdating sa takbo ng market, ang presyo ng “Loonie” ay kadalasang mas gumagalaw kumpara sa mga commodity, lalo na sa langis, dahil isa ang Canada sa pinakamalalaking nag-e-export nito. Bukod dito, kritikal din ang paglago ng GDP, datos sa trabaho, at desisyon sa rates ng Bank of Canada sa pagtukoy sa palitan ng pair, na higit pang sumusuporta sa slang na tawag dito na “Loonie.”
Swissy – USD/CHF
Ang “Swissy” ay isa pang slang na tawag sa currency pair na may mataas na kahalagahan sa trading. Kinakatawan nito ang USD/CHF currency pair, at galing sa pinaikling pangalan ng Switzerland na “Swissy.” Kilala dahil sa politikal na katatagan, malakas na ekonomiya, at makapangyarihang pinansyal na sistema, sumasalamin sa pera nito ang mga katangian ng naturang bansa, kaya nabibigyang-diin ang kagandahan nitong pair sa panahon ng di kasiguraduhan sa market.
Bukod dito, tumatak ang “Swissy” sa traders dahil simple lang ito at madaling tandaan. Ang matagalan nitong paggamit ay nagbibigay-diin sa matatag na pwesto nito sa kultura ng trading, at sumasalamin sa pagiging praktikal at kahalagahan sa kasaysayan nitong currency pair.
Aussie at Kiwi – AUD/USD at NZD/USD
Ang “Aussie” (AUD/USD) at “Kiwi” (NZD/USD) currency pairs ay slang na palayaw na may malalim na pinanggalingan sa kultura ng kanya-kanyang bansa. Ang nauna ay tumutukoy sa anumang bagay na may kinalaman sa Australia, na sa kasong ito ay ang pambansang currency, habang ang panghuli naman ay nagbibigay-pugay sa isang ibong hindi lumilipad na tinatawag na kiwi, na makikita sa kabilang bahagi ng isang dolyar na barya ng New Zealand.
Ang “Aussie” ay sinusuportahan ng ekonomiya ng Australia at mahahalagang commodity tulad ng iron ore at gold. Kasama sa halaga ng currency pair ang employment rates, paglago ng GDP, at desisyon na ginagawa ng Reserve Bank of Australia. Sinasalamin din ng presyo ang pandaigdigang sentimyento ng mga investor dahil sa malakas na ugnayan ng Australia sa ekonomiya ng China.
Gayundin, ang “Kiwi” ay hinuhubog ng agrikultural na sektor ng New Zealand, lalo na ang pag-export ng gatas. Ang Kiwi ay iniimpluwensyahan din ng presyo ng mga commodity at tumutugon sa kagustuhan ng mga investor sa mga asset na may mas mataas na risk. Dahil dito, ang “Aussie” at “Kiwi” ay kilala dahil sa mataas na yields at pagkakaiba sa interest rate, na nakakapagbigay ng parehong mga oportunidad at risk dahil sa pagtaas-baba nito.
Iba pang interesanteng palayaw sa mga currency trading pair
Bagamat natalakay na natin ang ibang tawag sa mga pinakasikat na currency pairs, may ilan pang hindi nababanggit. Kaya naman, tingnan natin ang ilan pang slang na tawag sa mga currency pair na may kakaibang kasaysayan at kahalagahan.
Halimbawa, ang “Greenback” ay isang kilalang palayaw para sa US Dollar (USD). Nag-umpisa ito sa ika-19 na siglo kung saan berdeng tinta ang ginagamit sa pera noong Digmaang Sibil. Dahil dito, ang “Greenback” ay nangangahulugan ring USD, na nagbibigay-diin sa lakas ng dolyar sa buong mundo.
Ang “Looner” ay tumutukoy sa CAD/JPY currency pair, na pinaghalong “Loonie” ng Canada at Japanese yen. Tulad ng “Loonie,” sensitibo itong pair sa mga presyo ng commodity, lalo na ng langis. Masusing sinusubaybayan ng traders ang presyo nito dahil sa pagtugon nito sa mga tagapaghiwatig sa ekonomiya ng parehong Canada at Japan.
Panghuli, ang “Guppy” ay sumasalamin sa GBP/JPY currency pair at ang tumataas-babang presyo nito. Kalimitang nakakaranas ang “Guppy” ng pagbabago-bago sa presyo dahil sa mga pangyayari sa ekonomiya ng UK at Japan. Ang pag-trade nitong pair ay nangangailangan ng maingat na pamamahala ng risk dahil kalimitan itong mabilis na gumagalaw.
Pangkalahatan
Ang mga makukulay na palayaw ng currency pairs ay nagsisilbi bilang praktikal na tawag habang nakakapagdagdag ng kultura at karakter sa karanasan ng trader. Ipinapamahagi nito ang kanya-kanyang katauhan sa market, habang pinapalalim ang pag-unawa sa relasyon nito sa ekonomiya ng buong mundo. Sa mga termino tulad ng makasaysayang “Cable” at “Fiber,” at kultural na “Ninja” at “Loonie,” lumalawak ang pananaw ng market at natutulungan nito ang traders na madaling tukuyin at mai-ugnay ang magkakaibang currency pairs.
Bukod dito, ang mga naturang palayaw ay sumasakop sa interaksyon nila sa ekonomiya, at ipinapakita nito kung paano hinuhubog ng mga makasaysayang kaganapan, ugnayan sa ekonomiya, at kultural na pagkakakilanlan ang estado ng pananalapi. Dahil dito, ang forex trading ay di lamang isang teknikal na gawain; binabago nito ang kwento na sumasalamin sa ugnayan ng mga ekonomiya sa buong mundo.