Ano ang crypto?
Sa loob nitong mga nakaraang taon, ang salitang “cryptocurrency” ay sumikat nang husto, at nakapukaw sa interes ng mga investor, mga mahilig sa teknolohiya, at pangkalahatang publiko. Ang cryptocurrency, na kilala rin sa tawag na “crypto,” ay isang uri ng digital o virtual currency na gumagamit ng cryptography para siguraduhin ang seguridad. Nagpapatakbo ito sa isang desentralisadong paraan, ibig sabihin hindi ito pinapangasiwaan ng sinumang sentral na awtoridad tulad ng gobyerno o bangko. Sa halip, umaasa ito sa blockchain, isang klase ng teknolohiya sa ipinapamahagi na ledger, para pangasiwaan ang ligtas, transparent, at hindi nababagong transaksyon.
Ano ang Kalakaran sa Crypto?

Gumagamit ang crypto ng pandaigdigang network ng mga computer na tinatawag na nodes para magproseso at mag-verify ng mga transaksyon. Nagtatrabaho ang mga node na ito para i-validate at itala ang mga transaksyon sa isang pampublikong ledger na tinatawag na blockchain. Ang mga transaksyon ay ibinabahagi sa network, na bini-verify ng mga node, at dinadagdag sa blockchain. Gumagamit din ang mga crypto ng pamamaraan sa cryptography at pampubliko at pribadong keys para masigurado ang seguridad at pangasiwaan ang pagbuo ng mga bagong unit. Inaalis nito ang pangangailangan na magkaroon ng sentral na awtoridad tulad ng bangko para pangasiwaan ang mga transaksyon. Bukod dito, ang desentralisadong aspeto ng cryptocurrency ay sumisigurado sa kakayahan nitong labanan ang pag-censor at pandaraya.
Ang mga Pinakasikat na Crypto
Maraming iba’t-ibang crypto ngayon, at ang bawat isa sa kanila ay may kakaibang katangian at layunin. Ang Bitcoin, na inilunsad noong 2009 ng isang indibidwal o grupo na kilala bilang Satoshi Nakamoto, ay ang orihinal at ang pinakasikat na crypto. Nagsisilbi ito bilang desentralisadong digital currency na hindi kinokontrol ng anumang sentral na awtoridad at karaniwan itong itinuturing na mahalagang asset o “digital na ginto.”
Ang Ethereum, na isa pang kilalang digital currency, ang nag-imbento sa ideya ng smart contract, na nagpapahintulot sa awtomatikong pag-execute ng mga contract batay sa mga itinakdang panuntunan. Ang pagbabagong ito nagbukas ng daan para sa pagbubuo ng proyekto sa decentralized application (DApps) at decentralized finance (DeFi).
Ang Ripple (XRP) ay isang crypto na angat dahil sa pagtutok nito sa pangangasiwa ng internasyonal na pag-transfer ng pera.
Sa kabilang banda, ang Litecoin (LTC) ay nag-aalok ng mas mabilis at mas murang opsyon kumpara sa Bitcoin.
Ang Tether (USDT) ay isang stablecoin na nakatali sa halaga ng US dollar, kaya mas matatag itong alternatibo kumpara sa ibang crypto.
Ang BNB ay nagsisilbi bilang native token sa Binance exchange at kinikilala bilang isa sa mga pinakamalalaki sa buong mundo.
Ano ang Pwede kong Gawin sa Crypto?
Ang crypto ay hindi lang puro transaksyon dahil nagtataglay ito ng napakaraming posibilidad. Heto ang ilan sa mga gamit nito:
1. Digital na transaksyon: Ang crypto ay isang maaasahan at epektibong paraan para magsagawa ng mga digital na transaksyon. Pwedeng magpadala at makatanggap ng pondo ang mga tao sa buong mundo nang may mas mababang singil at mas mabilis na pagproseso kumpara sa mga bangko.
2. Pag-invest at pag-trade: Itinuturing ng marami ang crypto bilang pagkakataon nilang mag-invest. Bumibili sila at nagtatago ng digital assets sa pag-asang tataas ang halaga nito kinalaunan. Pinapahintulutan ng mga crypto exchange ang madaling pagbili, pagbenta, at pag-trade ng iba’t-ibang digital currency. Nagbibigay ng pagkakataon ang FXGT.com sa magdamagang pag-access sa mga sikat na crypto market. Bukod dito, ang GTi12 Index namin ay nagbibigay-daan para magkaroon ng napakalawak na exposure ang traders sa pamamagitan ng iisang trade.
3. Smart contracts at DApps: Ang mga platform tulad ng Ethereum ay nagbibigay-daan sa pagbuo ng smart contracts, o mga contract na awtomatikong nag-e-execute sa sarili nito alinsunod sa mga itinakdang panuntunan. Bilang resulta, nabuo ang mga decentralized application (DApps), na tumatakbo sa teknolohiya ng blockchain at nag-aalok ng iba’t-ibang serbisyo tulad ng decentralized finance at gaming.
4. Remittance at cross-border na pagbabayad: Ang crypto ay nagbibigay-daan sa mabilis at murang paraan para magsagawa ng cross-border na pagbabayad at pagpapadala ng pera sa ibang bansa. Napakahalaga nito lalo na sa mga taong gusto agad mag-transfer ng pondo sa ibang mga bansa.

Ang crypto ay isang pabago-bagong industriya na may kakayahang baguhin ang paraan na makatipid at makapag-transfer ng pera. Bagamat may mga pagsubok at risk na kaakibat nito, may kapangyarihan ang crypto na baguhin ang kalagayan ng pananalapi sa buong mundo.
Mga Pangunahing Punto
– Nagpapatakbo ang crypto sa mga desentralisadong network gamit ang cryptography at teknolohiya ng blockchain para masigurado ang seguridad.
– May napakaraming crypto, na may kanya-kanyang naiibang katangian at tampok.
– Ang crypto ay may iba’t-ibang silbi, mula sa mga digital na transaksyon at investment, hanggang sa mga smart contract at internasyonal na pagbabayad.
– Inaalis ng desentralisadong katangian ng crypto ang pangangailangan na magkaroon ng mga tagapamagitan, kaya nabibigyan nito ng mas malawak na kontrol ang mga gumagamit nito.
– Habang umuusbong ang industriya ng crypto, mahalagang makibalita at pumili nang tama kapag sumasabak sa mga digital asset.
Umalis na sa tradisyonal na pananalapi! Sa pamamagitan ng pagbubukas ng account sa FXGT.com, mararanasan mo ang kinabukasan ng pag-trade ng crypto CFDs sa isang broker na kilala sa buong mundo