Tiningnan mo na ba ang singil ng mga bangko para sa pag-transfer ng pera, pagpapapalit, utang, o iba pang klase ng transaksyon? Minsan ba ay naiisip mong talikuran na ang burukrasya na kaakibat nito?
Binabati ka namin sa Decentralized Finance, o kilala din sa tawag na DeFi, kung saan nakokontrol ng mga user ang kanilang pondo, at mas nasosolusyunan ang mga karaniwang problema sa pananalapi. Nandito ang DeFi para baguhin ito, sa pamamagitan ng paggamit ng blockchain technology. Dahil sa smart contracts na makakabuo ng pinansyal na relasyon sa pagitan ng mga partido, inaalis ng DeFi ang pagkakaroon ng anumang klase ng tagapamagitan tulad ng sentralisadong pinansyal na institusyon – gaya ng bangko o korte. Isa itong mas maa-access na sistema sa pananalapi na tinatanggal ang pagkakaroon ng tagapamagitan, para pangasiwaan ang kahit anong paggagamitan mo ng pinansyal na institusyon, tulad ng high yield savings, pag-trade, paghiram ng pera, derivatives, mga exchange, at kahit na insurance. Para sa mga gumagamit nito, mas ligtas at malinaw ito, kaya mas mabilis at mas madaling gawin ang mga pinansyal na transaksyon.
Mahalaga ang papel ng smart contracts sa DeFi financial applications, na tinatawag na mga project o protocol. Ang mga code na ito sa computer ay naglalaman ng lahat ng kailangang detalye sa isang kasunduan, at idinisenyo para ipatupad ito nang sarili batay sa mga itinakdang parameter, habang isinasaad ang pagreresolba ng bawat isang alitan. Pinangangasiwaan ng blockchain technology ang ganitong serbisyo, kaya inaalis nito ang tyansa ng pagkakamali. Nire-record ang nililipat na datos sa libo-libong nodes. Ang nodes ay maaaring pisikal o virtual na network devices na tumatakbo bilang punto kung saan pwedeng gawin, matanggap, o ipadala ang mga mensahe, kaya nagkakaroon ito ng matinding kaligtasan at seguridad. Karamihan sa mga DeFi protocol ay kasalukuyang ginawa sa Ethereum, ang isa sa mga pwedeng i-program na blockchain na maaaring magpamahala ng smart contracts.
Mahalaga ang papel ng smart contracts sa DeFi financial applications. Ang mga code na ito sa computer ay naglalaman ng lahat ng kailangang detalye sa isang kasunduan, at idinisenyo para ipatupad ito nang sarili batay sa mga itinakdang parameter. Sa pamamagitan ng paggamit ng blockchain technology, mas nagiging ligtas at maaasahan ang ganitong serbisyo, dahil nire-record sa napakaraming nodes ang datos. Ang nodes na ito ay maaaring pisikal o virtual na network devices na nagpapahintulot sa paggawa, pagtanggap, at pagpapadala ng mensahe, kaya nasisigurado nito ang mas matibay na seguridad. Sa kasalukuyan, nagsisilbi ang Ethereum bilang pundasyon ng karamihan sa DeFi protocols, dahil isa ito sa mga naunang blockchain na kayang humawak ng smart contracts.
Para maintindihan ang rason kung bakit sumisikat ang DeFi bilang isang ecosystem, silipin natin ang mga pangunahin nitong paggagamitan, tulad ng, pero hindi limitado sa mga sumusunod:
May dalawang klase ng crypto exchange: Mga Centralized Exchange (CEX) at Decentralized Exchange (DEX).
Ang mga Centralized Exchange ay nagsisilbi bilang ikatlong partido sa mga bumibili at nagbebenta. Karamihan sa mga transaksyon sa crypto ay dumadaan sa mga exchange na ito.
Halimbawa: Coinbase, GDAX, Kraken, atbp.
Mga Kalamangan
Kabilang sa mga kalamangan nito ang pagiging user-friendly at kadalian na subaybayan ang account at lahat ng transaksyon sa pamamagitan ng maganda at sentralisadong platform. Ang mga exchange na ito ay pinapatakbo ng legal na entity, sa anyo ng isang kumpanya, na nagdadagdag ng seguridad at pagiging maaasahan, basta’t mapagkakatiwalaan ang provider. Kadalasang mas mura ang transaksyon kumpara sa DeFi maliban na lang kung nagtatransaksyon sa naka-scale na chain kung saan may mga pagkukulang, tulad ng isyu sa slippage.
Mga Kahinaan
Walang privacy at pagiging anonymous dito dahil sa istriktong proseso ng KYC na kailangang pagdaan ng mga kliyente.
Ang iba pang kahinaan nito ay ang risk ng pag-hack, pagnanakaw, at pagkalugi, dahil sa napakaraming bilang ng crypto na hinahawakan ng mga kumpanyang ito. Totoo rin ito para sa mga decentralized exchange kung saan mabilis at madali tukuyin anumang pag-hack at hindi tamang alokasyon ng assets, dahil sa pagiging transparent nito.
Pwedeng direktang makipag-transaksyon ang mga trader at investor sa pamamagitan ng mga decentralized exchange. Nagpapatakbo ang mga exchange na ito gamit ang awtomatikong market maker protocols, na nagbibigay-daan para mag-trade ang mga indibidwal gamit ang assets na na-stake na ng iba. Sinisigurado nito ang pagiging liquid at nag-aalok ng oportunidad na kumita ng interes bilang gantimpala.
Mga halimbawa: Uniswap, Sushiswap, Bancor, atbp.
Mga Kalamangan
Para sa mga naghahanap ng privacy, pagiging anonymous, at napakadaling proseso sa pagbubukas ng account nang walang mahabang KYC, sagot dito ang mga decentralized exchange. Dito, kalimitang ginagamit ang smart contracts para gawing awtomatiko ang pagpapatupad ng kasunduan kapag nakamit ang mga itinakdang kondisyon. Sa ganitong paraan, nalalaman agad ng mga kalahok kapag nakumpleto ang transaksyon, nang walang pangingialam ng tagapamagitan tulad ng exchange, broker, o bangko. Ligtas at maaasahan ang proseso ng transaksyon, basta’t mapagkakatiwalaan ang smart contract provider na nakikipag-interact sa chain.
Mga Kahinaan
Ang aksyon sa pagpapatakbo ng mga decentralized exchange ay maaaring mas kumplikado kumpara sa mga centralized exchange. Kailangang maging responsable ang mga user sa kanilang wallet keys at password. Kapag nawala ito, hindi na ito pwedeng mabawi. Gayundin, pwedeng mas mahal ang mga transaksyon, lalo na kung gumagamit ng Ethereum.
Ang mga tradisyonal na sistema sa credit ay tumatakbo sa prinsipyo ng risk, na nangangahulugan na ang mga nangungutang at mga kabilang partido ay inaasahang tumupad sa kanilang obligasyon alinsunod sa pinagkasunduan. Kung hindi nasunod ng nangungutang ang pinagkasunduang plano sa pagbabayad, pwedeng kunin ng nagpautang ang asset nila para mabawi ito, pero sa mas mababang halaga. Kaya lang, matagal ang prosesong ito at naaapektuhan ng inflation at interes.
Dahil sa mga naturang paghihigpit, nagkaroon ng iba’t-ibang platform sa pagpapautang na nagpapatakbo sa blockchain technology. Gamit ang mga open lending protocol, nagawa nilang baguhin ang tradisyonal na proseso ng mga bangko. Halimbawa dito ang Aave, Alchemix, Compound, atbp.
Kung ikukumpara sa mga tradisyonal na sistema sa credit na may mas maliit na kolateral, ang mga DeFi lending platforms ay may mas mataas na kolateral (kailangang mag-stake ng mas malaki kaysa sa halagang uutangin), kaya naman pwedeng humiram o magpahiram ang sinuman ng crypto. Pwedeng kumita ng interes kapag nagpapautang ng assets (staking). Pwede rin silang humiram ng crypto at gamitin ito ulit bilang kolateral (rehypothecation), na isang anyo ng naka-leverage na pangungutang. Sa ilang kaso, lalo na pagdating sa mas bagong paltforms, pwede rin silang kumita habang nangungutang.
Sa DeFi, binabayaran ng mga user ang utang gamit ang tokens (DeFi assets). Ang ganitong pagpapautang ay hindi nangangailangan ng kilos ng creditor para magkaroon ng legal na karapatan sa pagmamay-ari ng pisikal na asset na ginawang kolateral, tulad ng ginagawa sa tradisyonal na pagpapautang.
Sa ganitong paraan, pwedeng mangutang ang mga maliliit at katamtamang negosyo, pati na ang mga indibidwal na hindi makakuha ng credit sa ilalim ng normal na kondisyon (dahil sa hindi magandang risk profile mula sa mga tradisyonal na institusyon). Pinapababa ng lending market na batay sa blockchain ang risk ng ikatlong partido, kaya mas mabilis, mas mura, at mas naa-access ang oportunidad sa paghiram at pagpapahiram. Ang pagtitiwala sa centralized exchange ay pinalitan ng pagtitiwala sa DeFi smart contracts, na hindi palaging ino-audit. Gayunman, may mga insurance protocol na makakapagbigay ng coverage para sa mga smart contracts na nasa ganitong sitwasyon.
Di maikakaila na nagiging sikat na ang DeFi at nakaranas na ito ng matinding paglago. Dahil ito sa malikhaing kapangyarihan ng DeFi, na nagbibigay-daan para mabilis na makabuo ng financial applications ang mga developer, na hindi natin nakikita sa tradisyonal na pananalapi.
Nagbubukas ito ng daan sa mas matalino, mabilis, at mas murang alternatibo sa tradisyonal na pananalapi ngayong ika-21 siglo. Sa halip na umasa sa mga tagapamagitan, hinihikayat ng DeFi ang open-source na pakikipag-collaborate kaya naaalis ang mahabang proseso at malaking singil, habang hinahayaang maging anonymous ang mga user.
Sumikat na ba ang DeFi? SIYEMPRE naman!
Magiging normal na ba ito? Paano tutugon ang malalaking bangko kung malaos ito?.
Panahon lang makapagsasabi.
Sa FXGT.com, nag-aalok kami ng walang-kapares na kondisyon na ipinasadya para sa mga beteranong trader na pumili ng aming PRO account para sumabak sa pag-trade ng mga DeFi token. Mag-login na para subukan na ang DeFi tokens at mapalawak pa ang portfolio mo.