Pagdating sa technical analysis, may isang tool nanangingibabaw dahil sa pagiging simple at epektibo nito: ang Relative Strength Index (RSI). Kadalasang tinatakbuhan ng mga trader at investor ang indicator na ito para pag-aralan kung overbought o oversold ba ang isang asset. Nakakatulong ito sa kanila para gumawa ng mga kritikal na desisyon sa pag-buy o sell. Pero ano nga ba ang Relative Strength Index at paano nito mapapabuti ang istratehiya mo sa pag-trade? Malaki ang maitutulong ng pag-unawa sa RSI lalo na sa mga tumataas-babang market, kung saan kinakailangan ng tamang tiyempo. Sa artikulong ito, tutuklasin natin kung ano ang Relative Strength Index, kung paano ito tumatakbo, at paano mo ito magagamit para bigyang-kahulugan ang mga signal sa market. Sa katapusan nito, makakaroon ka ng mas malalim na pag-unawa dito sa mahalagang technical tool at mas epektibo mo na itong magagamit sa mga istratehiya mo sa pag-trade.
Ano ang Relative Strength Index (RSI)?
Ang Relative Strength Index (RSI) ay isang momentum oscillator na sumusukat sa bilis at pagbabago sa galaw ng presyo sa loob ng isang nakatakdang panahon. Binuo ito ni J. Welles Wilder at nakakatulong ito sa mga trader para matukoy kung overbought o oversold ang isang asset, na sumisenyas ng potensyal na entry or exit points para sa mga trader. Ipinapakita ang RSI bilang isang line graph na nagbabago-bago mula 0 hanggang 100.
Ang pagbasa na mas mataas sa 70 ay kadalasang nagpapahiwatig na overbought ang isang asset, kaya ibig sabihin, tumaas nang husto ang presyo nito at maaaring nangangailangan na ng pullback. Sa kabilang banda, ang RSI na mas mababa sa 30 ay sumisenyas ng oversold na asset. Pwede itong mangahulugan ng isang undervalued na asset na maaaring makaranas ng pagbawi sa presyo. Ang isang mahalagang benepisyo ng RSI ay malinaw nitong ipinapakita sa mga trader kung pabaliktad na ba ang momentum, kaya nakakapagbigay ito ng mas malinaw na pag-unawa kung kailan nila gagawin ang kanilang kilos.
Sa konteksto ng trading, tumutukoy ang momentum sa pwersa sa likod ng paggalaw ng presyo. Kapag mas malakas ang momentum, mas malaki ang tyansa na magpapatuloy ang presyo sa direksyon na iyon. Pero kapag humihina naman ang momentum, kadalasan itong sumisenyas na papalapit na ang isang reversal. Dito pumapasok ang RSI. Inaalerto nito ang mga trader sa bumabagal na momentum. Dahil dito, nakakapag-alok ito ng potensyal na oportunidad para samantalahin ang mga reversal o correction.
Maikling Kasaysayan at Pinagmulan ng RSI
Ang RSI ay unang ipinakilala ni J. Welles Wilder noong 1978 sa libro niya na New Concepts in Technical Trading Systems. Dati-rati, si Wilder ay isang mechanical engineer na sumabak sa mundo ng trading noong 1970s. Mabilis niyang napagtanto na kailangang magkaroon ng sistematikong pamamaraan para pag-aralan ang galaw ng presyo. Nakatulong ang kaalaman niya sa engineering para magdisenyo ng mga quantitative na indicator tulad ng RSI, na pwedeng makapagbigay sa mga trader ng mga masusukat na signal sa halip na umasa lamang sa kutob o fundamental analysis.
Mabilis na sumikat ang RSI dahil madali itong gamitin at intindihin. Sa panahon kung kailan nakatutok ang mga trader sa presyo at volume, ipinakilala ng RSI ang ideya ng pagsusuri sa market batay sa momentum. Kaya ipinakita nito sa mga trader kung paano mapakiramdaman ang lakas ng galaw ng isang asset.
Bagamat noong una, gumagamit si Wilder ng 14-day timeframe sa pagkalkula ng RSI, binago na ng mga trader ang indicator para umakma sa iba’t-ibang panahon at tumugma ito sa partikular na istratehiya nila. Kahit na luma na ito, nananatili ang RSI bilang isa sa mga pinakaginagamit na technical indicator ngayon na angkop sa iba’t-ibang klase ng markets tulad ng forex, stocks, mga commodity, at kahit na crypto.
Paano Kinakalkula ang RSI Indicator?
Bagamat maraming traders ang gumagamit ng RSI nang hindi ito mano-manong kinakalkula, ang pag-unawa sa matematika sa likod nito ay makakapagbigay ng mas malalim na pag-intindi kung paano tumatakbo ang indicator. Ang formula ng RSI ay:
RSI = 100 – (100/ 1+RS)
Kung saan ang RS (Relative Strength) ay kinakalkula bilang average ng “up” na pag-close sa loob ng X na araw, na hinati sa average ng “down” na pag-close sa loob ng X na araw.
Heto ang isang simpleng paghahati-hati:
- Kalkulahin ang Average na Kita at Pagkalugi: Sa loob ng napiling panahon (kadalasang 14 na araw), kalkulahin ang average na kita mula sa araw kung saan nag-close ang presyo pataas at average na pagkalugi mula sa mga araw kung saan nag-close ang presyo pababa.
- Hanapin ang Relative Strength (RS): Hatiin ang average na kita sa average na pagkalugi. Sasabihin sa’yo nitong ratio kung gaano kalakas ang pataas o pababang momentum ng presyo.
- Kalkulahin ang RSI: Ilagay ang RS sa formula ng RSI. Ang resulta ay nasa pagitan ng 0 at 100.
Paano Bigyang-kahulugan ang Indicator sa Pag-trade
Marahil madali lang bigyang-kahulugan ang RSI, pero mahalaga ito para maunawaan kung paano tumutugma ang iba’t-ibang RSI levels sa mga trading signal.
1. Overbought (Mas mataas sa 70):
Kapag mas mataas ang RSI sa 70, nagpapahiwatig ito na maaaring overbought na ang asset. Ibig sabihin, napakabilis ang pagtaas ng presyo nito at maaaring nangangailangan na ng correction. Para sa maraming traders, isa itong potensyal na sell signal o oras para umalis sa isang long position. Kayaa lang, sa mga mas malakas na uptrend, pwede manatiling overbought ang isang asset sa loob ng mas mahabang panahon. Ito ang dahilan kung bakit hinihintay ng ibang traders ang RSI na bumagsak sa ilalim ng 70 bago aksyunan ang signal na ito.
2. Oversold (Mas mababa sa 30):
Sa kabilang banda, ang RSI na mas mababa sa 30 ay nagpapahiwating na maaaring oversold ang isang asset. Pwede itong mangahulugan na masyadong mabilis ang pagbagsak ng presyo, kaya nagbibigay ito ng oportunidad para bilhin ito. Ginagamit ito ng ibang traders bilang senyales para pumasok sa isang position at umasa na makakabawi ang presyo. Muli, kailangan mag-ingat dahil ang malakas na downtrend ay pwedeng magresulta sa oversold na RSI sa loob ng mas mahabang panahon.
3. Divergence ng RSI:
Nangyayari ang divergence kapag gumalaw ang RSI at presyo sa magkabilang direksyon. Halimbawa, kung umaabot ang presyo sa bagong highs pero hindi ang RSI, pwede itong maging senyales ng humihinang momentum at potensyal na pagbaliktad ng presyo. Gayundin, kung bumabagsak ang presyo sa mas mababang lows pero umaabot naman ang RSI sa mas mataas na lows, maaari itong sumenyas na maaaring papalapit na ang bullish reversal. Ang divergence ay marahil isa sa mga pinakamalakas na signal mula sa RSI na kadalasang nagbibigay sa traders ng maagang babala bago ang aktual na paggalaw ng presyo.
4. Gitnang Lebel na 50:
Kadalasang hindi pinapansin ang RSI na 50, pero mahalaga ang papel nito. Kapag mas mataas ang RSI sa 50, kadalasan itong sumesenyas ng bullish momentum. At kapag mas mababa ito sa 50, nagpapahiwatig ito ng bearish na momentum. Maraming traders ang gumagamit sa lebel na ito para kumpirmahin ang direksyon ng trend, kung saan ang mga crossover na 50 ay kumikilos bilang potensyal na entry o exit point sa isang trade.
Lakas at Kahinaan ng RSI Indicator
Tulad ng iba pang mga technical indicator, may parehong kalakasan at kahinaan ang RSI. Kapag nalaman mo ang mga ‘to, mas epektibo mong magagamit ng RSI at maiiwasan mo ang mga potensyal na patibong.
Mga Kalakasan:
- Malinaw na Buy at Sell Signals: Ang overbought at oversold na lebel ay nakakapagbigay ng madaling intindihin na signals, kaya naaangkop ang RSI kahit sa mga baguhan.
- Magagamit sa Iba’t-ibang Market: Pwedeng gamitin ang RSI sa iba’t-ibang financial markets, mula stocks at forex, hanggang mga commodity at crypto.
- Alerto sa Divergence: Ang isa sa mga pinakamagandang katangian ng RSI ay ang kakayahan nitong bigyang-diin ang divergence sa pagitan ng presyo at momentum, na sumesenyas sa potensyal na reversal ng trend.
- Naiiba-ibang Timeframe: Pwedeng baguhin ng mga trader ang 14 na araw na timeframe para umangkop sa mas maikli o mas mahabang istratehiya.
Mga Kahinaan:
- Maling Signal sa Malalakas na Trend: Kadalasang nagbibigay ang RSI ng hindi tamang signal kapag malakas ang trend. Halimbawa, sa panahon ng malakas na uptrend, maaaring manatili ang RSI sa overbought na teritoryo sa loob ng mas mahabang panahon, nang hindi nagkakaroon ng matinding correction.
- Nahuhuling Indicator: Tulad ng maraming mga technical indicator, ang RSI ay batay sa nakaraang datos ng presyo, kaya ibig sabihin maaaring nahuhuli ito kumpara sa aktwal na paggalaw ng presyo. Pwede itong magresulta sa naaantalang signals, lalo na sa mga market na tumataas-baba.
- Kailangan ng Kumpormasyon: Bagamat maaaring magamit ang mga signal ng RSI, magreresulta sa hindi tamang desisyon ang pagdedepende dito. Mas maganda itong gamitin kasabay ng iba pang mga indicator tulad ng moving averages o pagsusuri ng volume.
- Hindi Masyadong Epektibo sa mga Ranging na Market: Sa sideways o ranging na market, maaaring hindi malinaw ang signals na ibinibigay ng RSI, dahil maaari itong manatili sa neutral na RSI, kaya hindi malinaw kung overbought o oversold ba ang kondisyon.
Mga Tunay na Halimbawa ng RSI
Tingnan natin kung paano ginagamit ang RSI sa tunay na buhay.
Halimbawa 1: Overbought at Oversold na Signals
Ipagpalagay natin na sinusubaybayan mo ang presyo ng isang sikat na tech stock. Patuloy na tumataas ang trend ng stock at umakyat ang RSI sa itaas ng 70. Nangangahulugan ito na maaaring overbought ang stock, kaya nagdesisyong kang magbenta at sinigurado mo na ang iyong kita bago pa magkaroon ng maliit na correction. Sa ganitong kaso, nakatulong ang overbought na signal ng RSI para makaalis ka sa tamang oras.
Sa kabilang banda, ipagpalagay natin na inaabangan mo ang isang currency pair, kung saan bumagsak ang RSI sa ilalim ng 30. Nakaranas ang pair ng malakas na pwersa sa pagbebenta, pero dahil oversold ang kondisyon nito, nagpapahiwatig na undervalued ang pair. Binili mo ang pair at pagkatapos, nakabawi ang presyo nito, kaya nasamantala mo ang oversold na kondisyon.
Halimbawa 2: Bullish at Bearish Divergence
Isipin naman natin ang isang eksena kung saan ang presyo ng isang commodity ay bumabagsak sa mas mababang lows, pero ang RSI ay umaabot sa mas mataas na lows. Isa itong bullish divergence na nangangahulugan na bagamat bumabagsak ang presyo, humihina naman ang momentum sa likod ng downtrend. Nagdesisyon kang pumasok sa isang long position at gaya na kinaasahan, bumaliktad kinalaunan ang presyo ng commodity.
Gayundin, kung naaabot ng stock sa mas mataas na highs, pero ang RSI ay bumabagsak sa mas mababang highs, nangangahulugan ang bearish divergence na humihina na ang pataas na trend. Pwede kang umalis sa position bago pa bumagsak ang presyo para maiwasan ang potensyal na pagkalugi.
Paggamit ng RSI Kasabay ng Ibang Indicators para sa Mas Magandang Resulta
Bagamat ang Relative Strength Index (RSI) ay isa nang makapangyarihang tool, maraming traders ang mas nagtatagumpay kapag pinagsasama ito sa iba pang mga technical indicator. Ang paggamit ng magkakaibang indicator ay makakapagbigay ng mas malakas na trading signals at makakatulong ito para masala ang maling signals na maaaring lumitaw kapag umasa ka lamang sa RSI. Ang isang sikat na kombinasyon ay ang RSI at moving averages. Nakakatulong ang moving averages para gawing patag ang datos ng presyo at makapagbigay ng pananaw sa pangkalahatang direksyon ng trend. Halimbawa, kung nagpapahiwatig ng overbought na kondisyon ang RSI pero mas mataas ang presyo kumpara sa pangmatagalang moving average, pwede itong mangahulugan na malakas ang trend at malamang itong magpatuloy, kaya mas mainam na maghintay bago pumasok sa isang short position. Sa kabilang banda, kung oversold ang RSI at ang presyo ay mas mababa sa moving average, maaari nitong kumpirmahin ang malakas na oportunidad para bumili.
Ang isa pang indicator na kadalasang ginagamit kasabay ng RSI ay ang Bollinger Bands. Nakakatulong ang Bollinger Bands para matukoy ang pagtasa-baba ng presyo at potensyal na breakouts. Kapag nagpapakita ang RSI ng overbought o oversold na kondisyon, at ang presyo ay malapit sa panlabas na band ng Bollinger Bands, isa itong malakas na kumpirmasyon ng nakaambang reversal.
Pangkalahatan
Ang Relative Strength Index (RSI) isang makapangyarihang tool na maaaring magpabuti nang husto sa pagdedesisyon ng trader. Sa pamamagitan ng pagsukat sa momentum at pagbibigay-diin sa overbought o oversold na kondisyon, nakakatulong ito sa mga trader para matukoy ang potensyal na reversal o pagpapatuloy ng trend. Ang pag-unawa at epektibong paggamit ng RSI ay makakatulong para mas magtagumpay ka sa market. Kaya lang, tulad ng iba pang mga tool, mas mainam ito kapag ginagamit kasabay ng iba pang mga indicator at istratehiya sa pag-trade.
Para sa mabilis na pagpapaliwanag ng mga mahahalagang technical indicator, tingnan ang Mahalagang Gabay sa mga Technical Indicator.
Simulan na ang pag-trade mo dito.