Marahil narinig na ng sinumang gustong maging trader ang mga kasabihan tulad ng “protektahan ang kapital sa pag-trade” o “babaan nang husto ang pagkalugi” at “i-risk lang kung ano ang kakayanin mong mawala.” Ang iisang paksa ng mga ito ay ang pagpapababa ng risk, o tamang paghawak ng pera. Gayunman, para sa mga baguhang trader, lumalabas na isa itong pagkagambala sa halip na payo. Pero kung mas mabilis mong maiintindihan ang kahalagahan nitong mga simpleng pananaw, mas maayos ang magiging landas mo tungo sa pagiging matagumpay na trader.
Para ilagay ito sa tamang konteksto, kailangan mo munang maunawaan kung anong kinakatawan ng trading account.
Ano ang “trading account”?
Ang pundasyon ng aktibidad mo sa pag-trade ay ang iyong trading account, na kumakatawan sa pondo na inilalaan mo para lamang sa pagbili at pagbenta ng mga investment.
Para sa marami, kumakatawan ito sa kabuuang pera na makikita sa kanilang mga trading account. Gayunman, pwede rin itong magtaglay ng pera mula sa ibang budget, tulad ng sobrang pera sa kanilang mga bank account.
May kritikal kaming punto dito: Ang trading account ay hindi tumutukoy sa lahat ng pera mo. Sa halip, ito ang kabuuang halaga ng pera na kakayanin mong mawala. Hindi mo kailanman dapat i-trade ang pera na isinantabi mo para sa mga bayarin o iba pang mahalagang gastusin. Kailangang nakahiwalay ang trading account mo sa iba mo pang pera para masigurado na hindi ka magwawaldas.
Kailangan ng sariling budget ang trading!
Ngayong alam mo na kung ano ang kinakatawan ng trading account, mahalagang maunawaan ang kahalagahan ng pagpapababa ng risk.
Bakit napakahalaga ang pamamahala ng risk?
Ang trading ay tungkol talaga sa pamamahala ng risk, at ang susi sa tagumpay ay makikita sa epektibong pahawak ng pera. Sa huli, ito ang maghihiwalay sa mga natatalo at mga mananalo, at dito naiiba ang katamtamang resulta kumpara sa mga lubhang kumikita. Bilang parte ng pang-araw-araw na kaugalian sa pag-trade, mahalagang gamitin ang mga prinsipyo sa paghawak ng pera, tulad ng position sizing at pagpapahusay ng exposure. Ang isang importanteng hakbang sa proesesong ito ay ang pagtukoy sa tamang stop-loss level at paglalagay ng stop-loss order sa sistema o platform na ginagamit mo. Idinisenyo ang feature na “Ilipat ang Stop” para tulungan ang traders na awtomatikong baguhin/sundan ang stop-loss order kapag naabot ng presyo ang isang itinakdang halaga. Sa sandaling nakuha na ang “target na presyo”, babaguhin ulit ang stop-loss at ililipat sa “target na S/L”.
Kaya lang, maliwanag na hindi gumagamit ng nakapirming stop-loss orders ang karamihan sa investors. Dahil dito, ang pinakamagandang paraan para maunahan ang 75% ng traders ay ang tamang paggamit ng mga pangunahing tools sa pagpapababa ng risk.
Para makamit ang napakahusay na kasanayan sa paghawak ng pera, kailangang tuloy-tuloy ito. Kaya naman, kalimitang sinasabi ng mga propesyonal na traders na maganda ang isang trade kung nasundan ang pangunang plano, na hindi batay sa resulta ng trade. Pangunahin itong naguugnay sa planong kilos at HINDI sa kakalabasan ng trade, tulad ng inaakala ng marami.
Bakit kailangan ng plano sa pagpapababa ng risk?
Ang risk, na batay sa kapital na isinusugal mo kada transaksyon, ay ang tanging bagay na nakokontrol ng trader bago pa siya pumasok sa isang trade. Sa madaling salita, ipinapakita nito ang limitasyon ng halaga na kakayanin mong mawala. Ipinapahiwatig nito ang pagba-budget, tulad ng pag-budget natin sa mga gastusin sa buhay.
Ang karaniwang isyu ay tungkol sa pagtutok ng mga trader sa posibleng kahihinatnan – ang potensyal na kita – at hindi sa mga kaugnay na risk, kaya naman nagugulat sila kapag hindi gumalaw ang market tulad ng kanilang inaasahan.
Ang magandang tanong dito ay:
“Kakayanin ko ba ang risk na ito? Kung oo, kakayanin ko ba ito nang dalawang beses?”
Kailangang sundan ang isang simpleng patakaran sa paghawak ng pera: dapat mo lang isugal ang pera na kumportable kang mawala ulit sa kaparehong trade, kahit na alam mo na ang kahihinatnan nito ay isa na namang pagkalugi.
Sa pagiging panatag sa nararanasan mong risk, makokontrol mo nang mas mabuti ang iyong emosyon.
Naaangkop ang hindi pagkakaroon ng emosyonal na bagahe para makayanan ng utak natin na:
- Harapin ang hindi kasiguraduhan sa market nang hindi humihiwalay sa plano
- Maging mas agresibo sa risk kapag may magandang oportunidad na dumating
Sa pamamagitan ng tunay na pagtanggap sa mga kaakibat na risk, alinsunod sa kakayanin m+D15+D18
Tips sa pamamahala ng risk para protektahan ang kapital mo sa pag-trade
1. Palaging gumamit ng stop-loss habang inaalam ang mga kaakibat na risk at huwag na huwag mong lalawakan ito.
2. Wag awtomatikong magdeposito ng pera sa trading account mo pagkatapos ng sunod-sunod na pagkalugi. Sa ganitong paraan, mahihirapan kang subaybayan kung gaano kalaki na ang ikinalugi mo sa isang partikular na panahon tulad ng isang linggo o isang buwan, kaya maaari itong magresulta ng higit pang pagkalugi kaysa sa na-budget mo. Palaging magkaroon ng plano at subaybayan ang mga deposito at pagwi-withdraw.
3. Wag isugal ang halagang mas mataas kaysa sa pinlano mo. Maaaring nakakatukso na dagdagan pa ang halagang tini-trade mo kapag may mas mataas kang balanse pagkatapos ng sunod-sunod na panalo. Pero kailangan mong sumunod sa plano, gaano man kalaki ang kinita mo sa iyong account.
4. Ang pag-unawa sa risk ay marahil ang pinakamahalagang bagay na dapat isaalang-alang. Palaging iwasan ang pagsugal ng isang partikular na porsyento ng iyong balanse. Ang dalas ng pag-trade at risk profile ang tutukoy ng risk mo kada trade. Bilang panuntunan para sa aktibong traders, wag isugal ang mahigit sa 2% ng balanse ng iyong account sa alinmang transaksyon. Para sa marami, marahil napakababa ng 2%, pero mahalagang dahan-dahan na magsimula sa account mo, lalo na kung nagsisimula ka pa lang.
5. Mahalagang hakbang na alam mo dapat kung kailan ka hihinto sa pag-trade. Pagkatapos gamitin ang inilaan mong porsyento ng iyong account sa isang trade, dapat magkaroon ka ng disiplina na tumigil at umalis. Poprotektahan ka nito sa higit pang pagkalugi kapag may downward trend, kaya masasalba ang account mo mula sa mas malala pang drawdown. Gayundin, kung nadidismaya ka na sa kahit anong punto, magandang lumayo muna para maiwasang gumawa ng padalos-dalos na desisyon.
Pangkalahatan
Pwedeng pagkakitaan nang husto ang trading; kaya lang, isa itong marathon at hindi sprint. Sa huli, ang pagpapababa ng risk ng trader ay katumbas ng gas at brake pedal sa pagmamaneho. Nasusukat ang galing mo hindi sa pagpapatulin nang husto, kundi sa kakayahang magmani-obra sa mga hadlang, pagiging mahusay sa pagpapabilis at pagpapabagal, habang nananatiling tutok at kalmado sa siklo ng market at pag-iwas sa mga emosyon para maprotektahan ang iyong kapital.
Alamin ang buong potensyal ng MT5 trading sa aming MT5 Advanced Trader Toolkit, Isa itong komprehensibong set ng tools na mabusising ginawa para pagandahin ang estratehiya mo, bumaba ang risk, at palakihin ang potensyal na kita sa pabago-bagong mundo ng financial market. Dahil sa kakayahan nitong agad na mangalap ng impormasyon, masusing pag-aralan ang iba’t-ibang market, at mag-execute, sumubaybay, at mamahala ng mga position tulad ng beteranong propesyonal, tutulungan ka ng toolkit na ito para makagawa ng tamang desisyon sa pag-trade. Para i-download ang simulang gamitin ang MT5 Advanced Trader Toolkit, pumunta sa link na ito.