Lumagpas sa $79 ang WTI Pagkatapos Bumaba ang Imbentaryo
Kasalukuyang Takbo ng Presyo: Bumawi sa itaas ng $79 kada bariles nitong Huwebes ang presyo ng West Texas Intermediate crude oil, pagkatapos ng matinding pagbaba ng imbentaryo ng krudo sa US. Humaharap ang presyo ng langis sa matinding pwersa mula noong bumagsak ito sa ilalim ng $85 nitong Abril, kung saan nakaranas ito ng pagbaba na mahigit 10% sa loob ng nakaraang buwan.
Epekto ng Imbentaryo: May senyales na tumaas ang demand dahil sa lubhang pagbaba ng imbentaryo ng krudo sa US nitong nakaraang linggo — na nabawasan ng 1.4 milyong bariles patungo sa 459.5 milyong bariles, at lumagpas ito sa inaasahang pagbabawas na 1.1 milyong bariles.
Technical Indicators: Sa kabila ng matibay na downtrend at pag-trade ng presyo sa ilalim ng mahahalagang moving averages araw-araw, nagpakita ang market ng senyales ng support sa itaas ng 200-araw na exponential moving average (EMA), na may nakaraang low na $76.90.
Panandaliang Bullish Reversal: Nitong nakaraang trading day nabuo ang isang bullish candlestick sa arawang timeframe, na sinamahan ng bullish reversal sa mas mababang timeframes.
Bullish na Momentum: Pinaghahandaan ng market na subukin ang sikolohikal na resistance level sa $80. Bagamat patuloy na bearish sa ilalim ng $82 ang arawang trend, simula noong close kahapon, nagpakita ang momentum indicators ng bullish na pagbaliktad, na sumesenyas na pwede pang magkaroon ng correction pataas.
Mahahalagang Resistance: Kapag lumagpas ang presyo sa itaas ng $80, pwede itong magresulta sa pag-retest ng $82 level, na tugma sa 45 EMA channel sa arawang chart, at susubok sa paninindigan ng arawang downtrend.
Intraday na Support: Natukoy sa $78.50 ang intraday na support, kung saan lumalabas na bullish ang panandaliang momentum habang nananatili sa itaas nito ang presyo. Makikita sa low kahapon na $77.5 itong kritikal na support level para sa downtrend, na tugma sa 200-araw na Exponential Moving Average channel. Ang pagbagsak sa lebel na ito ay pwedeng mag-udyok pa ng pagbaba ng presyo. Sa kabilang banda, mahalagang masubukan ang lows na ito para mapag-aralan ang lakas nitong support zone.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito.
Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Gumagamit ng cookies ang website na ito para masiguro na makukuha mo ang pinakamagandang karanasan sa aming website.
Nakuha ko!14
Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.