Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Binalanse ng WTI Crude ang Pagtaas ng Imbentaryo ng US at mga Geopolitical na Risk
27 June 2024 | FXGT.com

Binalanse ng WTI Crude ang Pagtaas ng Imbentaryo ng US at mga Geopolitical na Risk

  • Paggalaw ng Presyo: Bumagsak ang presyo ng crude oil futures sa ilalim ng $80.50 noong Asian session nitong Huwebes, kung saan umurong ito mula sa dalawang-buwang high na $81.90 na naabot noong Martes. Kaya lang, nakabawi ito pabalik sa itaas ng $81.00 noong European session. Ang pangunang pagbagsak ay resulta ng hindi inaasahang datos sa imbentaryo ng US, na nagpapahiwatig ng potensyal na pagbagal ng demand.
  • Datos sa Imbentaryo ng US: Iniulat ng US Energy Information Administration (EIA) ang hindi inaasahang pagtaas na 3.591 milyong bariles sa imbentaryo ng krudo noong linggo na nagtapos noong Hunyo 21, na taliwas sa inaasahang pagbabawas na 3.000 milyong bariles. Nakapagdagdag ito ng pag-aalala sa humihinang demand.
  • Sumipa ang Pag-import ng Krudo sa US: Nitong Mayo, sumipa ang pag-import ng krudo sa US sa pinakamataas nitong lebel sa loob ng halos dalawang taon, na umabot sa 3.1 milyong bariles kada araw. Ang naturang pagtaas ay resulta ng pagbili ng mga refiner ng krudo mula sa Canada at Latin America para makapag-produce ng langis para sa inaasahang mas madalas na pagmamaneho sa tag-init. Nanatiling malakas nitong Hunyo ang lebel ng pag-import, na tinatayang nasa humigit-kumulang 2.9 milyong bariles kada araw.
  • Geopolitical na Tensyon: Patuloy na nakakaimpluwensya sa presyo ng langis ang mga geopolitical na tensyon, lalo na sa Gitnang Silangan at Ukraine. Nakapagdagdag sa pagtaas-baba ng market ang aktibidad ng militar ng Israel at Russia, bagamat hindi pa sigurado ang direkta nilang epekto sa supply ng langis. Dahil sa lumalalang tensyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah, tumaas ang pangamba na magkaroon ng mas malawak na alitan kasama ng Iran, na isa sa mga pangunahing nagpo-produce ng langis. Sinusuportahan nitong mga geopolitical na risk ang presyo ng langis sa kabila ng tumataas na imbentaryo ng US.
  • Pagtaas-baba ng Market: Nananatiling tumataas-baba ang oil market, kung saan binabalanse nito ang bearish na epekto ng tumataas na imbentaryo ng US at potensyal na pagkagambala sa supply dahil sa geopolitical na tensyon. Nakapaloob ang presyo ng langis sa sideways na range nitong nakaraang linggo, na may support sa $80.20 at resistance sa $82. Nagpatuloy ang range na ito sa gitna ng nagbabago-bagong sentimyento sa market at magkahalong senyales tungkol sa demand.
  • Buwanang Pagtaas: Sa kabila ng kamakailang sideways na price action, tumaas ng humigit-kumulang 5.5% ang presyo ng langis ngayong Hunyo. Sinama na ng traders ang mas mataas na risk premium para sa krudo dahil sa geopolitical na tensyon sa Russia at Gitnang Silangan. Bukod dito, inaasahang makakasuporta sa presyo sa mga darating na buwan ang patuloy na pagbabawas ng supply ng OPEC at mga kaalyado nito.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.