Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Umabot ng $82 ang WTI Crude Futures dahil sa Pangamba na Maantala ang Supply
26 Marso 2024 | FXGT.com

Umabot ng $82 ang WTI Crude Futures dahil sa Pangamba na Maantala ang Supply

  • Nakakuha ng Momentum ang WTI Crude Futures: Naabot ng WTI crude futures ang presyo na $82 kada bariles dahil sa mas tumataas na pag-aalala sa supply. Binibigyang-diin ng bullish na momentum ang pagiging sensitibo ng market sa pagkaantala ng supply.
  • Epekto ng Pag-atake ng Ukraine: Ang pag-atake ng Ukraine sa mga oil refinery sa Russia ay binubuo ng humigit-kumulang 12% ng kabuuang refinery ng langis, na nakapagdagdag sa paghihigpit ng supply sa mga pandaigdigang oil market.
  • Pagbabawas ng Produksyon ng Russia: Alinsunod sa kasunduan nito sa OPEC, iniutos ng Russia sa mga kumpanya ng langis na bawasan ang produksyon ngayong Q2 para maging 9 na milyong bariles kada araw, kasunod ng produksyon nitong Pebrero na humigit-kumulang 9.5 milyong bpd. Ang desisyong ito ay kasunod ng mga pag-atake ng drones sa mga pasilidad ng langis sa Russia.
  • Tensyon sa Gitnang Silangan: Bagamat may resolusyon ang UN Security Council na suportahan ang tigil-putukan sa pagitan ng Israel at Hamas, mayroon pa ring paghihinala sa magiging epekto nito sa pagtigil ng mga pagsasalakay ng Houthi rebels sa shipping lanes sa Red Sea, na mahalaga sa patuloy na supply ng langis. Nagdadagdag ang patuloy na alitan sa mas malaking geopolitical risk na makakapagpataas sa presyo ng langis.
  • Patakaran sa Supply ng OPEC+: Alinsunod sa mga ulat, naniniwala ang OPEC+ na walang kailangang pagbabago sa kasalukuyan nilang patakaran sa supply, na nagpapahiwatig na epektibo ang mga polisiya nila sa pag-iwas sa surplus ng langis.
  • Nalalapit na Pulong ng OPEC+: Nakatakdang magpulong sa susunod na linggo ang OPEC+ para pag-aralan ang takbo at epekto ng pagpapababa ng output alinsunod sa kasunduan na sinimulan noong huling parte ng nakaraang taon, na nilalayong magtagal hanggang sa pagtatapos ng Hunyo.
  • Sinuportahan ng Paghina ng US Dollar ang Presyo ng Langis: Ang bahagyang pagbaba ng US dollar ay nakapagbigay ng kaunting suporta sa presyo ng langis, dahil mas mura na ang langis para sa mga humahawak ng ibang currency, na potensyal na magpataas ng demand.
  • Mga Inaasahan ng Market Tungkol sa Datos ng Inflation sa US: Masusi nang hinihintay ng investors ang nalalapit na paglalabas ng datos sa inflation ng US sa darating na Biyernes. Inaasahang makakapagbigay ang datos na ito ng dagdag na pananaw sa tiyempo ng inaasahang rate cuts ng Federal Reserve.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Mga kategorya
Tag
Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
Nakaraang Artikulo Susunod na Artikulo
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.