Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Tumaas ng Mahigit 5% nitong Hunyo ang WTI Crude Oil sa Gitna ng Geopolitical na Tensyon at Demand sa Pagmamaneho ngayong Tag-init
2 July 2024 | FXGT.com

Tumaas ng Mahigit 5% nitong Hunyo ang WTI Crude Oil sa Gitna ng Geopolitical na Tensyon at Demand sa Pagmamaneho ngayong Tag-init

  • Tumaas ng Mahigit 5% nitong Hunyo ang Presyo ng Langis: Tumaas ng mahigit 5% ang West Texas Intermediate (WTI) nitong Hunyo at patuloy na nagpapakita ng paglago sa unang bahagi ng Hulyo, kung saan naabot nito ang dalawang-buwang high. Ang pagtaas na ito ay resulta ng pag-asa na malakas ang demand sa pagmamaneho ngayong tag-init, kasabay ng potensyal na interest rate cuts sa US at mas malalang tensyon sa Gitnang Silangan, partikular na sa alitan sa pagitan ng Israel at Hezbollah pati ang pag-atake ng Houthi rebels sa mga barko.
  • Geopolitical na Tensyon: Nakakadulot ng pagkagambala ang patuloy na alitan ng Hamas-Israel at pag-atake sa mga komersyal na barko sa Red Sea ng Houthi rebels, na suportado ng Iran. Dahil dito, napupwersa ang mga shipper na mag-iba ng ruta, at naaapektuhan din ang pandaigdigang supply ng krudo. Nakakadagdag ang risk na ito sa kasalukuyang pagtaas ng presyo ng langis. May papel din ang hindi kasiguraduhan sa politika at nalalapit na eleksyon sa malalaking bansa, kabilang ang US at France.
  • Demand sa Gasolina sa US: Inaasahang tataas ang demand habang papalapit na ang tag-init, kung saan tinataya ng American Automobile Association na magkakaroon ng 5.2% pagtaas sa pagbiyahe sa nalalapit na Araw ng Kalayaan kumpara noong 2023, habang tataas naman ng 4.8% ang pagbiyahe gamit ang kotse.
  • Magkahalong Senyales sa Paglago ng Demand: Sa kabila ng mga positibong aspeto, nalilimitahan ang pagtaas ng presyo ng langis dahil sa mas mahinang paglago sa demand, lalo na Asya, kung saan mas mababa ang pag-import ng krudo sa unang hati ng 2024 kumpara noong nakaraang taon, na pangunahing resulta ng mas mababang pag-import ng China.  
  • Datos sa Ekonomiya ng US at Pamamalakad ng Fed: Ayon sa bagong datos, lumalabas na humina sa ikatlong sunod na buwan ang manufacturing sa US at umabot sa anim na buwang low ang presyo ng input. Dahil sa senyales ng humihinang inflation at pagbagal ng manufacturing sa US, bumabalik ang pag-asang magpatupad ng interest rate cut ang Federal Reserve sa ‘sing aga ng Setyembre, na pwedeng magpataas sa aktibidad sa ekonomiya at demand sa langis. Tinututukan na ngayon ng mga market ang talumpati mamaya ng Federal Reserve Chair na si Jerome Powell para sa higit pang pananaw tungkol sa direksyon ng pamamalakad nito.  
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.