Home / Blog / Kategorya / Pagsusuri sa Market / Naabot ng WTI Crude Oil ang Limang Buwan na High Nito
3 Abril 2024 | FXGT.com

Naabot ng WTI Crude Oil ang Limang Buwan na High Nito

Pataas na Momentum: Sa pagsisimula ng linggo, nagtala ng di inaasahang pagsipa sa presyo ng krudo, dahil lumagpas ito sa higit $83, na sumesenyas ng malinaw na pahiwatig sa pagpapatuloy ng trend. Pagkatapos maabot ang pangunang target na $85, lumilipat ang atensyon tungo sa $90, isang lebel na huling naabot noong Oktubre 2023 at nagsisilbi bilang isang matatag na resistance. Di lamang kinakatawan nitong lebel ang nakaraang resistance, kundi may hawak din itong sikolohikal na kahalagahan bilang isang mahalagang round number.

Tuloy-tuloy na Pag-akyat: Sa pinakabagong pagtaas sa presyo ng krudo, naitala nito ang 20% na pag-akyat simula noong umpisa ng taon, na resulta ng magandang pananaw sa demand at politikal na tensyon. Binibigyang-diin nitong pagtugma sa iba’t-ibang timeframe ang pangkalahatang bullish na sentimyento, kaya maganda ang pananaw sa panandaliang takbo ng krudo. Ang mga aspetong nakakaapekto sa sunod-sunod na pagtaas ay ang mas malakas na datos mula sa US at China, na sinamahan ng naiulat na pagbaba sa produksyon ng OPEC nitong Pebrero.

Mahahalagang Support Level: Pagkatapos itong malagpasan, ang $83 na lebel ay bumaliktad mula sa pagiging isang hadlang tungo sa isang mahalagang support zone para sa anumang potensyal na pullback, kung saan mariin na makikita sa itaas nitong lebel ang bullish na momentum. Ang pagbaba sa ilalim ng markang ito ay maaaring sumenyas ng umuusbong na paghina sa umiiral na bullish na trend. Bukod dito, ang $80 na lebel, na tugma sa arawang exponential moving average channel, ay natukoy bilang kritikal na support na dumedepensa sa istraktura ng bullish na trend, kaya pinapalakas pa nito ang positibong pananaw ng market basta’t mananatili ang presyo sa itaas nitong threshold.

Nalalapit na Pulong ng OPEC+: Nakatakdang magpulong ngayong araw ang Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) at ang mga kaalyado nito, pagkatapos ng nakaraang deklarasyon na palawigin pa ang pagbawas nito ng produksyon. Lubhang inaasahan ng mga analyst na pananatilihin ng OPEC+ ang kasalukuyang polisiya nito sa pagbabawas ng produksyon. Mas malaki ang posibilidad ng mas malaking pagbabago sa ministerial na pulong sa Hunyo, kung saan makakaasa ng mas komprehensibong ulat sa kondisyon ng market at pagbabago ng estratehiya.

4 na Oras na Chart ng US Oil

Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .
Mga kategorya
Tag
Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.