Home / Blog / Kategorya / Fundamental Analysis / Bumagsak ang Yen sa Isang Buwang Low Pagkatapos Pinanatili ng BOJ ang Bilis ng Pagbili ng Bonds
14 June 2024 | FXGT.com

Bumagsak ang Yen sa Isang Buwang Low Pagkatapos Pinanatili ng BOJ ang Bilis ng Pagbili ng Bonds

  • Bumaba ang Yen Pagkatapos ng Desisyon ng BOJ: Nakaranas pa rin ang Japanese yen ngayong Biyernes ng pwersa sa pagbebenta habang pinag-aaralan ng market ang anunsyo ng Bank of Japan (BOJ) tungkol sa pamamalakad nito. Pagkatapos ng anunsyo noong Biyernes ng umaga, bumaba ang yen sa isang buwang low dahil pinanatili ng BOJ ang kasalukuyang bilis nito sa pagbili ng bonds at ipinagpaliban ang planong babaan ito, na nagresulta sa pagpapatuloy ng nakaraang downtrend.
  • Pinanatili ng BOJ ang Policy Rate at Pagbili ng Bonds: Tulad ng inaasahan, pinanatili ng BOJ ang policy rate sa 0% para sa ikalawang sunod na pulong ngayong Hunyo. Maraming nag-akala na ilalahad na ng bangko ang pagbabawas ng bonds na binibili ng gobyerno kada buwan, pero ipinagpaliban ito sa susunod na pulong.
  • Planong Magbawas sa Hinaharap at Katatagan ng Market: Binigyang-diin ni Governor Kazuo Ueda ang kahalagahan ng dahan-dahang pagbabawas ng bonds ng gobyerno ng Japan, habang pinapanatili ang kakayahan nitong magbago para masigurado ang katatagan ng bond market. Plano ng BOJ na pagdesisyunan sa pulong nito sa Hulyo ang tiyak na plano sa pagbabawas sa susunod na 1–2 taon.
  • Pananaw ng Fed sa US: Sumipa sa 10-buwang high noong nakaraang linggo ang bilang ng mga Amerikanong nagpa-file ng bagong unemployment claims, habang hindi naman inaasahan ang pagbagsak ng producer prices nitong Mayo. Sa kabila ng mas mahinang inflation kaysa sa inaasahan, dahil sa binagong dot plot ng Fed, bumaba mula tatlo patungong isa ang inaasahang rate cut ngayong taon. Isinasaalang-alang ng investors ang implikasyon ng maingat na pananaw ng Fed sa rate cuts, kaya gumalaw ang dollar sa halos isang-buwang high nito.
  • Epekto ng Datos sa Inflation sa US: Malaki ang tyansa na maghihintay pa ang Fed para sa tuloy-tuloy na pagbaba ng inflation, at maaari nitong simulan sa Disyembre ang kampanya sa pagluluwag ng pamamalakad. Dahil sa impluwensya ng nakaraang ulat sa inflation, tinataya ng traders na magkakaroon ng 50 basis points na rate cuts ngayong taon, na may 68% probabilidad ng magkakaroon ng rate cut sa Setyembre.
  • Nalalapit na Datos sa Ekonomiya ng US: Tampok sa pang-ekonomiyang kalendaryo ng US ang datos sa Export Price Index at Import Price Index nitong Mayo. Sa katapusan ng session, ilalabas ng University of Michigan ang pangunang Consumer Sentiment Index para sa buwan ng Hunyo.
Tulungan kaming pagandahin ang artikulong ito.
Disclaimer: Ang anumang materyales at impormasyon na nakalagay dito ay nilalayon para sa marketing lamang at hindi ito naglalaman ng payo sa investment o rekomendasyon o imbitasyon na magkaroon ng anumang financial instrument at/o pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. Ang investor lang ang kaisa-isang responsable sa risk ng kanyang desisyon sa pag-i-invest at kung sa tingin niya ay nararapat ito, kailangan niyang humingi ng propesyonal na payo bago gumawa ng anumang desisyon. Hindi isinasaalang-alang ng mga pagsusuri at komento na nakalagay dito ang personal mong layunin sa pag-i-invest, estado ng pera mo, o iyong mga pangangailangan. Pakibasa ang Disclaimer sa Hindi Independiyenteng Pananaliksik sa Investment dito. Pagsisiwalat ng Risk: Ang CFDs ay mga kumplikadong instrument na may kaakibat na mataas na risk ng pagkalugi ng pera. Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito .

Blog Search

Mga kategorya

Blog Categories

Tag

Blog Tags

Register and Share Buttons PH

Magrehistro

Nagustuhan mo ba ang pinakabago naming artikulo?

I-share ito sa mga kaibigan at followers mo!

Nakopya sa clipboard.
To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.