I-download ang MT5 para sa iOS: Gabay sa Pag-install at mga Katangian
Maranasan ang buong lakas ng MetaTrader 5 sa iyong iPhone o iPad, nang may iba’t-ibang klase ng pag-execute ng trades, built-in chat, pinansyal na balita, alerto, at push notifications.
MT5 iOS App: Malakas na Trading sa Iyong iPhone at iPad
Pinabilis
Isang maayos na platform na may napakabilis na pag-execute ng orders sa isang 64-bit Operating System. Agad itong tumutugon sa mga pagbabago sa market at nasisigurado ang mainam na order entry at exit points.
Mga Indicator at Pagsusuri
Magka-access sa kabuuang 38 na kasamang indicators, 22 na tools sa pagsusuri, at 46 na graphical objects. Pag-aralan ang trends ng presyo, tukuyin ang mga pattern, at tumpak na mahulaan ang galaw ng market.
Advanced na Pag-backtest
Maranasan ang pinabuting kakayahan na subukin ang istratehiya gamit ang sabay-sabay na pag-backtest sa iba’t-ibang currency. Baguhin ang mga ideya mo sa pag-trade bago ito isabak sa tunay na market.
Lawak ng Market
Tingnan ang napakaraming buy at sell orders sa magkakaibang lebel ng presyo para sa assets na tini-trade mo. Unawain ang mga trend sa market, planuhin ang mga istratehiya, at maayos na pamahalaan ang mga risk.
Paano magsimulang mag-trade sa MT5 para sa iOS
Para magsimulang mag-trade sa MT5 para sa iOS, sundan ang mga hakbang na ito:
1
I-download ang MT5
Gamitin ang sumusunod na link para i-download ang MetaTrader 5 (MT5) app mula sa App Store.
2
I-install ang MT5
Sa sandaling na-download ang app, buksan ito at sundan ang mga hakbang para i-install ito sa iyong iOS device.
3
Buksan ang MT5
Pagkatapos i-install, buksan ang MT5, mag-login gamit ang credentials ng iyong FXGT.com account, at handa ka nang mag-trade.
Mga FAQ
Ang MetaTrader 5 ay isang trading platform na nag-aalok ng advanced na katangian, tulad ng pinabuting tools sa pag-chart, iba’t-ibang klase ng orders, kakayahan sa awtomatikong pag-trade, at marami pang iba. Isa ka mang beteranong trader o nagsisimula pa lang, mahusay ang karanasang ibibigay sa’yo ng MT5 dahil sa napakalawak na technical analysis tools at suporta sa iba’t-ibang klase ng assets.
Pinapahintulutan ka ng MetaTrader 5 na mag-trade sa napakaraming markets, kabilang ang CFDs sa forex, stocks, mga commodity, index, crypto, at marami pang iba. Dahil sa kakayahan nito sa iba’t-ibang assets, binibigyan ka ng opsyon ng MT5 para i-diversify ang portfolio mo at samantalahin ang mga oportunidad sa market na nasa iba’t-ibang klase ng assets—mula sa iisang platform.
Oo. Nag-aalok ang MetaTrader 5 ng makapangyarihang algorithmic trading sa pamamagitan ng Expert Advisors (EAs). Pwede mong gawing awtomatiko ang mga istratehiya mo sa pag-trade batay sa partikular na kondisyon at signals sa market. Sinusuportahan din ng MT5 ang sabay-sabay na pag-backtest sa iba’t-ibang currencies at nagbibigay-daan ito sa mas mabilis na pagsasaayos ng istratehiya, kaya mapapabuti ang mga awtomatiko mong sistema para sa mas magandang pagpapatakbo.
Magagamit ang MetaTrader 5 bilang mobile app sa parehong iOS at Android devices, kaya makakapag-trade ka kahit saan, kahit kailan. Nag-aalok ang app ng real-time na quotes, advanced na pag-chart, pag-execute ng trades, at pamamahala ng account, para masigurong may buo kang kontrol sa trades mo nasaan ka man.
Kasama sa MetaTrader 5 ang napakalawak na klase ng technical analysis tools, kabilang ang 48 na indicators, 22 na tools sa pagsusuri, at 46 na graphical objects. Pinapahintulutan ka nitong tools na magsagawa ng detalyadong pagsusuri sa market, tukuyin ang trends, at gumawa ng tamang desisyon sa pag-trade. Meron ding 21 timeframes ang MT5 at sinusuportahan nito ang hangang 100 charts nang sabay-sabay, kaya may kakayahan kang tumpak na subaybayan ang magkakaibang market.