RSI Extremes Tool
Subaybayan ang lebel ng RSI extremes sa iba’t-ibang market at timeframe.
SILVER Membership: Isang Timeframe
Ang pagsukat ng bilis at pagbabago ng presyo ay maaaring magbigay ng pananaw tungkol sa estado ng market. Ayon sa teorya, kapag overbought ang isang asset, masyadong natatabunan ng mga bumibili ang presyo at ang probabilidad ng correction ay tumataas. Sa kabilang banda, kapag oversold ang isang asset, natatabunan ng mga nagbebenta ang presyo at tumataas ang probabilidad ng rebound.
Bilang batayan ng bawat trader, maaaring magbigay ng mahalagang impormasyon ang RSI extremes tungkol sa paggalaw ng momentum at mga turning point sa market.
Extremes:
GOLD Membership: Iba-ibang Timeframe
Bukod sa isang timeframe na nagagamit ng mga Silver na miyembro, ang iba-ibang timeframe ay nagbibigay-daan para makita ang RSI extremes sa magkakaibang timeframe.
Grupo ng mga Timeframe:
Napakahaba: Buwanan (MN), Lingguhan (W1), Arawan (D1)
Pangmatagalan: Lingguhan (W1), Arawan (D1), 4 na Oras (H4)
Katamtaman: Arawan (D1), 4 na Oras (H4), 1 Oras (H1)
Panandalian: 1 Oras (H1), 15 Minuto (M15), 5 Minuto (M5)
Napakabilis: 15 Minuto (M15), 5 Minuto (M5), 1 Minuto (M1)
PLATINUM Membership: Taga-scan ang Market
Hindi maikakaila na isang bentahe ang napakaraming market na pwedeng pagpilian. Gayundin, nakakabigla ito kahit na sa mga beteranong traders. Kailangan itong gawing awtomatiko para di mo makaligtaan ang mga oportunidad. Gumagamit ng scanner ang mga trader para alalayan sila sa mga oportunidad na dapat samantalahin at malaman kung ano-ano ito.
Gamit ang tool na ito, pwede mong i-scan at subaybayan ang lahat ng instrument na lalabas sa Market Watch window ng MT5, para sa RSI extremes.
Bukod dito, pwede mong ayusin ang mga instrument ayon sa pagkakasunod-sunod ng Market Watch (default) o sa pamamagitan ng pagkakategorya ng mga instrument ayon sa kanilang estado.
Mga Plan sa Trading Tool
Sa sandaling nakapagrehistro ka bilang kliyente ng FXGT.com, maa-access mo na ang toolkit sa tatlong lebel.
Magbabago ang plan batay sa klase ng account at balanse na mayroon ka:
SILVER
Para sa mga Demo at Live account na walang kailangang balanse.
Ito ang pinakasimpleng bersyon ng aming toolkit na may limitadong pagpipiliang tools at ginawa para sa mga bagong kliyente.
GOLD
Para sa mga Live account na may balanseng mas mataas sa 0.
Bukod sa mga tampok na mayroon ang mga Silver na miyembro, sa Gold makakakuha ka ng mas maraming pagpipiliang tools.
PLATINUM
Para sa mga Live account na may balanseng mas mataas sa 500 USD o katumbas sa iba pang currency.
Eksklusibong ma-access ang piling tools at ang pinakakumpletong bersyon ng aming toolkit.
Mag-request
Punan sa ibaba ang form sa pag-request
I-download
Magpapadala kami sa’yo ng email na naglalaman ng link para ma-download ito
I-install
Patakbuhin ang file sa pag-install at idagdag ang tools sa iyong FXGT.com MT5 platform
I-restart
I-restart ang iyong platform at hanapin ang tools sa navigation panel