Lakas ng Trend Tool
Pag-analisa ng trend at direksyonal na alignment sa magkakaibang market at timeframe.
SILVER Membership: Isang Timeframe
Ang unang tanong kapag tinitingnan ang chart ay: ano ang trend?
Sa madaling salita, saang direksyon gagalaw ang market? Gumagalaw ba ito pataas, pababa, o wala ba itong direksyon?
Sinasagot ng technical analysts ang tanong na ito gamit ang moving averages.
Gamit ang mga maingat na napili at subok na kombinasyon ng moving averages, nag-aalok kami ng tool na awtomatikong tinutukoy ang direksyon at lakas ng trend, para hindi na kailangan pang manghula.
Direksyon ng Trend:
GOLD Membership: Iba-ibang Timeframe
Sa sandaling natukoy na ang timeframe, ang susunod na tanong na kailangang sagutin ay:
Sabay ba ang direksyong ito sa mas mataas at mas mababang timeframe?
Gamit ang modelo sa magkakaibang timeframe, nag-aalok kami ng tool na awtomatikong tinutukoy ang alignment ng mga timeframe.
Ipinapakita ang lakas ng trend at direksyon sa magkakaibang timeframe. Pangmahabaan man ito, katamtaman, panandalian, o mabilisan, sagot ka ng tool na ‘to. Ilagay lang ang gusto mong pag-aralang oras at hahanapan ka ng tool ng tamang alignment sa timeframe.
Mga Alignment:
PLATINUM Membership: Taga-scan ng Market
Hindi maikakaila na isang bentahe ang napakaraming market na pwedeng pagpilian. Gayundin, nakakabigla ito kahit na sa mga beteranong traders. Kailangan itong gawing awtomatiko para di mo makaligtaan ang mga oportunidad. Gumagamit ng scanner ang mga trader para alalayan sila sa mga oportunidad na dapat samantalahin at malaman kung ano-ano ito.
Gamit ang tool na ito, pwede mong i-scan at subaybayan ang lahat ng instrument na lalabas sa Market Watch window ng MT5, para sa direksyon at alignment ng trend.
Bukod dito, pwede mong ayusin ang mga instrument ayon sa pagkakasunod-sunod ng Market Watch (default) o sa pamamagitan ng pagkakategorya ng mga instrument ayon sa kanilang direksyonal na alignment.
Mga Plan sa Trading Tool
Sa sandaling nakapagrehistro ka bilang kliyente ng FXGT.com, maa-access mo na ang toolkit sa tatlong lebel.
Magbabago ang plan batay sa klase ng account at balanse na mayroon ka:
SILVER
Para sa mga Demo at Live account na walang kailangang balanse.
Ito ang pinakasimpleng bersyon ng aming toolkit na may limitadong pagpipiliang tools at ginawa para sa mga bagong kliyente.
GOLD
Para sa mga Live account na may balanseng mas mataas sa 0.
Bukod sa mga tampok na mayroon ang mga Silver na miyembro, sa Gold makakakuha ka ng mas maraming pagpipiliang tools.
PLATINUM
Para sa mga Live account na may balanseng mas mataas sa 500 USD o katumbas sa iba pang currency.
Eksklusibong ma-access ang piling tools at ang pinakakumpletong bersyon ng aming toolkit.
Mag-request
Punan sa ibaba ang form sa pag-request
I-download
Magpapadala kami sa’yo ng email na naglalaman ng link para ma-download ito
I-install
Patakbuhin ang file sa pag-install at idagdag ang tools sa iyong FXGT.com MT5 platform
I-restart
I-restart ang iyong platform at hanapin ang tools sa navigation panel