Panatag ka na Ligtas ang Pondo mo

Pinangangalagaan ang iyong mga investment

Ang FXGT.com ay sertipikado ng PCI DSS, ibig sabihin, tumatalima kami sa mahigpit na panuntunan sa seguridad, na idinisenyo para protektahan ang datos ng cardholder at maiwasan ang hindi awtorisadong pag-access. Nakakamit ito sa pamamagitan ng:

  • Ligtas na pagsasaayos ng network
  • Kontrol sa pag-access
  • Pag-encrypt ng ipinapadalang datos
  • Patuloy na pagsusuri at pagtitiyak ng seguridad
  • Pagsunod sa regulasyon
  • Pagsasanay sa kaalaman tungkol sa seguridad

Nakahiwalay na Pondo

Hinihiwalay namin ang pera niyo mula sa sarili naming pondo sa pagpapatakbo ng negosyo, na nakatago sa malalaking bangko. Hinding-hindi namin gagamitin ang iyong pera para sa negosyo o iba pang pamumuhunan, upang masigurado ang proteksyon ng iyong pondo sa lahat ng oras.

Seguridad ng Datos

Sa aming advanced na teknolohiya sa encryption, masisigurado namin ang pinakamataas na seguridad ng iyong datos. Itinatago ang iyong mga detalye, trading profile, at aktibidad sa mga ligtas na server na pinoprotektahan ng malalakas na firewall, habang ang pagpapadala ng datos ay naka-encrypt para maiwasan ang pagnanakaw ng datos at hindi awtorisadong pag-access ng mga ikatlong partido.

Tier 1 na Bangko

Patuloy kaming bumubuo ng matatag na pakikipag-ugnayan sa mga Tier 1 na bangko, para masigurado na ang pondo ng mga kliyente ay idinideposito sa mga mapagkakatiwalaan at subok na pinansyal na institusyon. Pinapahintulutan nitong patakbuhin ang negosyo namin sa pinakamataas na posibleng pamantayan.

Proteksyon sa Negatibong Balanse

Nag-aalok kami ng proteksyon sa negatibong balanse, na nangangahulugang hindi ka malulugi ng higit sa idineposito mong pera sa iyong mga Live trading account. Dahil dito, hindi pwedeng maging negatibo ang balanse sa iyong account.

Pamamahala ng Risk

Marami kaming mga patakaran at pamamaraang ipinapatupad para siguraduhin na napoprotektahan laban sa ilang risk ang iyong mga aktibidad sa pag-trade. Ang iyong pera ay nakatago rin sa mga Tier 1 na pinansyal na institusyon at patuloy na sinusubaybayan para matukoy at malimitahan ang mga potensyal na risk.

Kapital at Reserves

Nagpapanatili kami ng sapat na kapital na 40%, na apat na beses na mas mataas kaysa sa karaniwang capital-to-risk weighted exposure ratio na kailangan ng malalaking tagapangasiwa. Di hamak na mas mataas ito kaysa sa aming mga kakompitensiya, kaya ibig sabihin, nag-aalok kami ng isa sa pinakamatataas na lebel ng proteksyon sa pondo ng mga kliyente.

Regulasyon

Kami ay isang reguladong broker na tumatalima sa lahat ng pamantayang pang-regulasyon at may tinatago kaming mataas na lebel ng kapital sa lahat ng oras.

Ang GT Global Ltd ay isang rehistradong kumpanya sa Seychelles, na may rehistrasyon numero 8421720-1. Regulado ito ng Seychelles Financial Services Authority (SFSA) sa ilalim ng Securities Dealer’s License Number SD019.

Ang GT IO Markets (PTY) Ltd ay isang rehistradong kumpanya sa South Africa, na may rehistrasyon numero 2015/059344/07. Regulado ito ng Financial Services Conduct Authority (FSCA) sa South Africa sa ilalim ng Financial Services Provider (FSP) License Number 48896.

Ang GT Global Markets Ltd ay isang rehistradong kumpanya sa Vanuatu na lisensyado at regulado ng Vanuatu Financial Services Commission (VFSC) sa ilalim ng Principal’s License Number 700601. Ang GT Global Markets Ltd ay may rehistradong address sa Law Partners House, Kumul Highway, Port Vila, Vanuatu.

Liability Insurance

Ang mga kliyente namin ay naka-insure hanggang €1,000,000. Kasama sa insurance na ito ang sakop sa market para siguruhing protektado ang mga kliyente at iba pang ikatlong partido laban sa: pagkakamali, pagkawala, kapabayaan, o iba pang risk na maaaring magresulta sa pinansyal na pagkalugi.

To top

Ang mga leveraged na produkto ay maaaring hindi nababagay para sa lahat at maaaring magresulta sa pagkalugi ng lahat ng kapital mo. Siguraduhin na naiintindihan mo ang mga kaakibat na risk at kung nababagay ba talaga sa’yo ang pag-trade.  Basahin ang buong Pagsisiwalat sa Risk dito.